Dedicated to Jisoologyy
"Oy Chrissandra paabot nga nung tinapay." Sabi ni Kuya Oliver.
Loh, napaka tamad e kaya nya naman abutin yung tinapay. Nag aalmusal kami ngayon kasama ang magulang namin.
Lunes na naman! Hay.
"Kuya, tamad mo naman abot mo naman e, ikaw na umabot." Saad ko.
Nanonood lang samin ang magulang namin.
"Ma, sahod ko po mamaya ano po gusto nyo pasalubong? Pagkain? Poster ng Treasure? Ay wag na pala yung Poster ayaw naman iabot sa'kin yung tinapay e." Ngumisi si Kuya Oliver sa'kin.
WAAAHH TREASURE!
"Kuya napaka sipag mo talaga! O ito na yung tinapay." Sabi ko sabay abot ng tinapay kay Kuya Oliver.
Tumawa ang magulang namin. Poster ng Treasure yun no! Love na love talaga ako ni Kuya!
Isa kasi akong Teumes/Treasure maker, suportado naman ako ni Kuya at ng magulang namin sa pagiging Fangirl ko.
"CHRISSANDRA!" Napalingon ako ng may tumawag ng pangalan ko.
Nakita ko si Zeth na tumatakbo palapit sa'kin. Hay, ang pogi nya talaga. Isa rin syang Teumes/Treasure maker kaya sobrang nagkaka sundo kami sa lahat ng bagay.
"Oh? Bakit ka ba tumatakbo?" Saad ko pawis tuloy sya.
Kinuha ko ang panyo sa bulsa ng palda ko at pinunasan ang mukha nya. Nagka tinginan kaming dalawa. Hay ang pogi mo talaga.
"Wag ka tumingin sa'kin ng ganyan baka ma in love ako sayo, sige ka." Nakangising sabi nya.
Napakurap kurap ako. Edi ma in love ka loveback kita dyan e.
"Lah!"
Tinawanan nya ako at kinuha nya ang panyo sa kamay ko sya na ang nag punas sa sarili nya.
"Chrissandra..." Sinadya nyang bitinin ang sasabihin nya.
"Ano?" Sambit ko.
"Ang lapad ng noo mo." Dagdag nya sabay tawa ng malakas.
Haha. Natawa ako mga bente. Joke yun?! Bwiset talaga ang lalaking 'to! Bahala nga sya dyan! Inis ko syang tinalikuran ang nag lakad na lang papunta sa room.
Kainis!
"Chrissandra!" Habol na sigaw nya.
"Peste ka! Wag ka papakita sa'kin!" Inis na sabi ko at hindi na sya muling nilingon.
"Oy pansinin mo na ako." Panunuyo ni Zeth.
Bwiset kasi e. Lakas mang asar, hay. Sa bagay sanay naman na ako sa pang aasar nya pero syempre hindi ko maiiwasang mapikon minsan.
"Oo na, bati na tayo." Hindi ko rin naman sya kayang tiisin e. Matagal ko na syang kaibigan at sanay na kami sa isa't isa.
"Yey! Kantahan na lang kita para maka bawi ako." Sabi nya na ikinangiti ko.
Nabiyayaan kasi si Zeth ng magandang boses. Araw araw nya akong sine send-an ng Vms, minsan nga nakakatulog na ako habang pinapakinggan sya kumanta.
"Sige! Kantahan mo ako ng 'Come to me' by Treasure." Sabi ko.
"Sige." Sambit nya.
"Come in and come to my big arms
anytime you're ready girl. I'll be careful
when you're comfortable, come in
I'm attracted to you everyday. You're too
sweet. You're dangerous I'm dizzy. Keep
bouncing you show up in front of me.
Don't run away how come in. Come in.
Fill in the empty space in my heart that
i'm waiting for~" Kanta ni Zeth sa Come to me by Treasure. Hay ganda talaga ng boses nya.
"Come to me.." Sabi nya.
"I'll come to you no matter what they say and no matter what happen." Nakangiting sambit ko.
"Bakla si Zeth!" Sigaw ng lalaki naming kaklase.
Lah! Saan mo nasagap yan?! E kung kotongan kita ng isa dyan!
"Sino nag sabi sayo na bakla ako?" Seryosong tanong ni Zeth.
Oo sino?!
"Wala, ako lang." Sagot ng kaklase namin.
"Tss. Kung ganon kasinungalingan ang sinabi mo." Saad ni Zeth. Oo nga! Hindi bakla si Zeth.
"Tsk. Bakla ka ang hilig mo sa K-pop e." Sabi ng kaklase namin.
Lah?! Porket mahilig sa k-pop bakla na?! Di ba pwedeng hinahangaan lang namin sila.
"Tss. Hindi ako bakla. Hinahangaan ko lang talaga sila dahil sa talents nila. Hindi porket mahilig sa k-pop bakla na." Sambit ni Zeth.
"Sa nag sabing bakla si Zeth sana magka gusto yung crush mo sa kaibigan mo." Sabi ko at nag tawanan ang mga kaklase ko.
Yung kaklase naman namin na nag sabing bakla si Zeth nanahimik na lang. Siguro naisip nya na mali talaga sya. Hindi lahag ng Fanboy bakla, tandaan nyo yan.
"CHRISSANDRA, bakit mo ini-stan ang Treasure?" Tanong ni Zeth.
Nasa bahay kami nila Zeth, sabado ngayon kaya nakatambay kami sa kanila.
"I don't know. Talent. Yes. I mean, k-idols are talented don't get me wrong, but Treasure just hits different. There members are all-rounder, i love how they treat each other. They are also sweet and caring to their fans. Nasubaybayan ko pa sila sa survival show na Ygtb, i saw how they work hard i just love them. Really." Mahabang sagot ko.
Nakaka proud maging Teumes/Treasure maker. Hindi ko pag sisisihan na in-stan ko ang Treasure.
"Sino bias mo?" Tanong nya pa.
"Si Jeongwo." Sagot ko.
"Ano favorite mong kanta nila." Tanong nya ulit. Dami tanong ah, ano 'to Q&A?
"Come to me." Sagot ko.
"Naks parehas nga pala tayo ng favorite sa kanta nila." Sabi ni Zeth.
Madami talaga kaming pagkaka parehas kaya lagi kaming nagkaka sundo.
"Chrissandra, may aaminin ako sayo." Kabadong sambit ni Zeth.
Lah! Kinakabahan rin tuloy ako.
"Ano yun?! Bakla ka ba?!" Sabi ko.
"Sira hindi ako bakla! Kiss pa kita dyan e!" Sabi ni Zeth.
Hala sige kiss mo 'ko.
"Lah! Ano ba yung aaminin mo?" Tanong ko.
"Ahm, gusto... kita." Pag amin nya.
WAAHHH gusto nya ako?!
"Hala we?! Seryoso may gusto ka sa'kin?!" Paninigurado ko pa.
"Oo seryoso matagal na kitang gusto." Dagdag nya.
The feeling is mutual naman.
"Wag kana kabahan dyan gusto rin naman kita." Pag amin ko.
Matagal ko na rin naman syang gusto hindi ko lang maamin dahil natatakot ako ma reject at baka masira pa ang pag kakaibigan namin.
"Tangina kinikilig ako." Kitang kita kong namumula ang mga pisngi nya.
Hay buti na lang parehas kami ng nararamdaman. Hindi na ako patagong kikiligin. Malaya ko ng maipapakita sa kanya ang totoo kong nararamdaman para sa kanya.
Pulang pula na ang mga pisngi ni Zeth tinatawan ko tuloy sya. You're so cute my Fanboy.
