"BHIE!" Napalingon ako ng may sumigaw non.
Pag lingon ko nakita ko si Iyana nag lalakad palapit sa'kin. Nasa labas kasi ako ng room naka upo sa sahig. Ang ingay kasi sa loob e.
Umupo sya sa tabi ko. "Ano ginagawa mo dito sa labas?" Tanong nya pa.
"Naka upo." Pilosopong sagot ko.
Kunwari pa syang natawa sa sagot ko. "Hatdog."
Natawa naman ako sa kanya. "Wala lang. Ang ingay kasi nila sa loob e." Sabi ko.
"Tsk. Di ka pa nasanay ganyan talaga sila pag wala si Ma'am Reyes." Natatawa pang sambit nya.
Si Ma'am Reyes ang teacher namin sa math. May emergency daw kasi sa bahay nito kaya hindi naka pasok kaya ayon ang mga kaklase ko nag diriwang dahil wala silang iso-solve na problem ngayon at wala silang hahanapin na X na dapat hindi na talaga hinahanap kasi X na! Dapat hindi na binabalikan, ay iba na pala yun.
"Dannah, kamusta na pala kayo ni Rvee?" Biglang tanong ni Iyana.
Tsk. Naalala ko na naman sya! Si Rvee ang crush ko, kaklase namin sya. Walang bago. Tamang parinig lang sa Facebook. Tamang shared post lang na patama sa kanya.
"Ayon hindi pa rin ako crinu-crushback." Mahinang sambit ko.
"Awts gege. Chat mo kasi!" Sabi pa ni Iyana.
"Tsk. Chinat ko na! Lagi akong nag go-good morning, lagi akong nag go-good evening, lagi kong tinatanong kung kumain na ba sya pero wala pa rin e! Napaka tipid mag reply ang nag papahaba na nga lang ng convo namin e yung 'HAHAHA'" Mahabang sabi ko.
"Ay bhie wala na yan! Wala ka ng pag asa!" Sabi pa ni Iyana.
Loh kaibigan ko ba talaga 'to? Grabe suporta e, dama ko. I feel loved.
"Alam mo? Bwiset ka!" Inis na sabi ko at tumayo na.
Natatawang sumunod sya sa'kin papasok sa room. Umupo ako sa upuan ko at napatingin sa katabi kong upuan kung saan naka upo si Rvee. Mainggit kayo katabi ko crush ko.
Napatingin rin sya sa'kin at ngumiti ito.
"Hi Dannah." Bati nya.
Mygosh! Makalaglag panty yung ngiti nya!
"Hello Rvee!" Masayang balik bati ko.
Go self! Crush mo na unang bumati sayo! Harutin mo na rin ako auto harotback! Grr!
"Kamusta ka?" Tanong nya pa.
Gosh! Ramdam kong nag iinit ang mga pisngi ko! Nakakahiya sa harapan nya pa ako nag blush.
I smiled. "Ito okay lang, crush ka pa rin." Diretsong sabi ko.
Natawa ito at parang musika sa aking tainga yung tawa nya! Hindi naman ako nahihiya sa sinabi ko alam nya naman na crush ko sya. Crushback na nga lang kulang e.
"Dannah, tama na parinig, tama na ang pag she-shared post mo na patama sa'kin. Crinu-crushback na kita." Sabi nya.
WAAAAHHH WHAT?! Tama ba narinig ko?! Crinu-crushback nya na ako?! WAAAHHH!
"Loh seryoso?!" Tanong ko pa.
Ngumiti sya ng matamis sa'kin. "Oo seryoso... ako sayo." Banat nya pa at halos mangisay ako sa kilig.
Crinushback na ako! Yung nag babasa hindi crinushback.
LUMIPAS ang mga araw naging mas close kami ni Rvee. Hindi kami sweet sa chat o sa personal, hindi ko alam kung anong ginagawa namin. Nag chachat kami pero kamustahan lang ganon. Nahihiya naman ako mag tanong kung ano na ba kami, hinihintay ko na sya ang mag sabi.