Kabanata 5

87.1K 2.9K 2.6K
                                    




[Warning: R-18]

Feel it

Habang kumakain ay tahimik lang ako at sila lang ang abala sa pag-uusap. Hindi rin naman ako pinapansin ni Xarius bukod sa palagi kong nakikita sa gilid ng mga mata ko na tumitingin siya sa akin.

"I remember no'ng pinuri nila ako lahat dahil sa ginawa ko, I'm so happy that time!" ani Amara.

Pinag-uusapan nila 'yung unang beses niyang mag-model and she was nervous. Lahat naman siguro ng first time ay nakakakaba, sino bang hindi kakabahan?

"How about you Sydney, what do you do?" I flinched nang narinig ko ang pangalan ko na tinawag ni Tita Reganne.

I smiled sweetly nang tingnan ko siya. Magsasalita na sana ako nang biglang nagsalita si Amara.

"She's just our interior designer pero most of the time naman ay ako na rin ang nagde-design po ng interior..." she scoffed.

Napa-urong ang dila ko sa pagsalita dahil sa sinabi ni Amara. Aksidente kong natingnan si Xarius na seryosong nakatitig sa akin kaya iniwas ko agad ang mga mata ko.

Magkatabi sina Tita Reganne, Xarius at Amara habang kami ni Mommy ang magkatabi sa kabilang side ng table at si Tito Evan ang nasa center seat.

I smiled na lang at hinintay kung may itatanong pa. Napatingin ako kay Tito Evan na nakatingin kay Xarius, napakunot ang noo ko nang napansin kong parang sinisignalan niya si Xarius ng kung ano.

Hindi ko 'yon pinansin at binaling ulit ang mga mata ko kay Tita Reganne.

"If she's the interior designer then anong ginagawa niya kung  ikaw ang nag-dedesign?" ani Tita Reganne.

Amara chuckled sarcastically. "Exactly Tita, wala siyang ginagawa kung hindi 'yung mga small things lang since hindi namin siya kayang pagkatiwalaan sa malalaking part..."

Nagtiim bagang ako at ngumiti na lang ulit nang tingnan ako ni Tita Reganne.

"So sino ang mag-dedesign ng villas and rest house?" tanong ni Tito Evan at makahulugang tinitingnan si Xarius.

Lumunok muna ako bago tumingin kay Xarius na nakangiti na ngayon sa ama.

"Si Sydney po..." aniya at nilingon ako.

Nakita ko ang pag-irap ni Amara nang sabihin 'yon ni Xarius. Hindi ko alam kung iimik ba ako o hindi dahil hindi na rin naman ako hinahayaan magsalita ni Amara at puro lang siya ang sumasagot sa tanong na para dapat sa akin.

"Good. If you don't trust Sydney but we do so she will design the interiors." Tito Evan smiled matapos niyang sabihin 'yon.

Napangiti ako at tiningnan si Amara na nakasimangot na. What's her problem nanaman ba? Hindi na nga ako nagsalita, hinayaan ko na ngang sabihin niya ang totoo.

It's true that they never trusted me pero kumikita ako sa bawat clients namin kahit wala akong ginagawa masyado because na-tatransfer ang money sa bank account namin lahat.

Although nag-bebenefit ako, it's kind of still disappointing dahil this is what I love to do and I can't express it because they don't want me to do so.

Natapos ang pagkain namin at ngayon ang pagpunta nila sa isang resort na ang may-ari ay 'yung kaibigan daw ni Tita Reganne dahil birthday raw no'ng asawa no'n.

"You should go home at dalhan mo kami ng gamit, call me kapagkarating mo sa bahay para naman maganda ang madala mong damit dito since I can't trust your taste..." mataray na sabi ni Amara sa akin.

Nauna na sina Mommy sa labas at kami lang ni Amara ang nasa loob. Hindi ko alam kung inuutusan niya ba ako o nanghihingi ng favor. Hindi naman niya ako katulong.

Lost in the Wild Lands (La Grandeza Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon