So who
Hindi ko alam kung anong isasagot ko kay Rius. Nakatitig lang siya sa akin at hindi ko malaman kung anong sinasabi ng malalim niyang mga mata. Hindi ako sigurado kung may laman ba ang sinabi niya o wala? Ayaw ko mag-assume.
"Maybe I didn't leave them because I don't want them to be part of who I am today, but because I have to do something to mend everything and so it did."
Umigting ang panga niya. "You're always running from everything, Sydney..."
Hindi ko alam kung saan nanggaling 'yung kirot sa puso ko dahil sa sinabi niya. It hits me pero hindi ko pinagsisisihan na umalis ako noon dahil hindi ko 'to lahat makikita kung nanatili ako ro'n.
"Hindi mo naman kasi maaring sabihin sa akin ang dapat kong gawin dahil wala ka sa posisyon ko, Rius. You can never tell."
Mas dumilim ang ekspresiyon niya sa sinabi ko pero bago pa siya muling makapag salita ay bumukas ang elevator at iniluha no'n ang isang lalaking hindi katangkaran, may edad na at naka-formal attire. It must be Mr. Lajara.
Napalunok ako nang napagtanto kong narinig pala nina Melanie at Asha ang pinag-usapan namin ni Rius. I hope they didn't get the wrong idea dahil baka may pinaparating lang si Rius at handa ko naman harapin kung hindi siya okay sa akin.
Tumayo kaming apat upang batiin si Mr. Lajara. Nakita kong bahagyang ngumiti si Rius bilang pagsalubong kay Mr. Lajara habang si Asha naman ay nakipagbeso pa.
"Good morning, Mr. Lajara..." si Asha.
Mr. Lajara chuckled at tumingin sa amin ni Melanie. "You must be Sydney? Oh wow, Glam contacted me about this. I am happy that you are considering my offer..." he smiled.
I smiled awkwardly. "I am sorry, sir but instead of me I would like to recommend my friend, Melanie..." bahagya akong humarap kay Melanie atsaka siya tinuro.
Lumipat ang mga mata niya kay Melanie at sinuri niya ito. Kinakabahan ako dahil baka nabastusan siya pero... it's my right to decline naman and I am offering new model for him para at least alam niyang galing sa akin.
He sighed atsaka tumango. "Alright, Ms. Melanie and Asha... pumunta tayo sa office."
Naglakad na siya papunta sa office niya habang si Asha ay nangingiti kay Melanie dahil natataranta siya.
"Omg, kinakabahan ako..." si Melanie kaya natawa ako.
"Kaya mo 'yan, kasama mo naman si Miss Asha. I am sure she will help you..." nginitian ko si Asha.
She chuckled elegantly. "Yup so don't worry!"
Iginiya niya si Melanie papasok sa office at nang sumarado na ang pinto ay hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Naiwan ako kay Rius ngayon... mas may chance kaming mag-usap dahil malayo rin naman ang pwesto no'ng secretary sa amin.
Umupo na ako at mabilis na sinulyapan si Rius. Umupo na rin siya at tinitigan muli ako kaya nakaramdam ako lalo ng kaba dahil baka mamaya ay magsalita siya tungkol sa dati. But I am sure he will...
"How are you by the way? Do you live here?" he started a conversation with a light topic kaya nakahinga ako nang maluwag.
I smiled a bit. "Hmmm... yes, I do live here. I am perfectly fine with my family..." sabi ko at hindi ko alam kung bakit umigting ang panga niya sa sinabi ko.
Tumango siya pero hindi pa rin siya ngumingiti kaya kinakabahan ako. Ganito pala siya kapag masungit... tama sina Lyndon, nakakatakot nga siya.
"Gaano ka na katagal kasal? I mean, you have family now..."
BINABASA MO ANG
Lost in the Wild Lands (La Grandeza Series #3)
RomanceSydney James Wantirano is a woman of contrasts. With a fiery, untamable spirit and unyielding principles, she commands respect and admiration. Yet, behind this formidable exterior lies a tender heart that remains devoted to her parents, despite thei...