Kabanata 54

52K 1.5K 846
                                    

Warning: Some scene may be disturbing for some audience. Reader discretion is advice.

Huli na ang lahat

Malabo ang mga mata ko habang nagmamaneho pauwi sa Bellevue. Ramdam na ramdam ko pa rin ang panginginig ng buong katawan ko dahil sa takot at pagkalungkot. Hindi ko alam kung anong uunahin ko, ang sundan sina Mama at Tyler sa ospital o pupuntahan ko muna sina Papa.

Hinang-hina ako pero pinipilit kong tumingin sa daan at magmaneho. Kailangan kong puntahan sina Papa... hindi pa rin ba tapos si Amara? Hanggang kailan ba siya magiging ganito?

Hindi na ako makapag-isip nang maayos. Halo-halo na ang mga pumapasok sa isip ko. Isama pa itong malubha kong pag-iyak na mas lalong nagpapagulo sa akin.

Anong gagawin ko pagkarating ko sa bahay? Natatakot ako. Should I ask help for Tito Evan? I think I have to.

Please... huwag ang mag-ama ko at ang pamilya ko... please. Kung sa akin siya galit ay ako na lang ang pahirapan niya pero huwag na lang sila. Ito na naman 'yung kinakatakot ko, 'yung madamay sila sa mga problema ko. Sabi nila magiging andiyan sila pero ngayon sila na ang kinukuha sa akin... mas lalo ko lang gustong magsisi.

Pagkarating ko sa Bellevue ay bahagyang umayos na ang nararamdaman ko at nakakalakad na ako nang maayos. Pinunasan ko ang mga luhang tumulo sa mukha ko atsaka lumabas ng kotse.

I rang the doorbell a hundred times sa bahay nina Tito. I am panicking pero at least ay hindi na ako umiiyak.

Laking pasasalamat ko nang biglang lumabas si Tito mula ro'n. Masaya pa siya pero mukhang nagulat sa itsura ko.

Kumunot ang noo niya nang bahagya ko siyang naitulak para makapasok ako sa loob ng gate.

"Sydney, what happen? Bakit may dugo ka sa damit mo?" Nag-aalala na ang kaniyang tono.

"Tito, I need your help. Nasa peligro ang mga magulang ko ngayon kasama si Rius pati ang anak ko. Nabaril na si Mama at si Tyler sa palengke, hindi ko alam kung anong nangyari sa kanila... kung tuluyan na ba—na sana ay hindi naman. Kahit hindi ko alam kung mabubuhay pa sila, umaasa pa rin ako. My step-sister, Amara, nando'n siya sa bahay... hindi ko po alam kung sino ang mga kasama niya at nagawa niya ang mga dapat niyang gawin."

Hinihingal ako habang nagsasalita. Natigilan si Tito sa mga sinabi ko atsaka kumuyom ang panga.

"Pasensiya ka na, ah? Mukhang masasaktan ko 'yung Amara na 'yon."

Nakita ko ang galit sa mga mata niya nang pumasok siya muli sa loob. Dahan-dahan akong naglakad papasok at nakita ko si Tita Reganne na nagluluto pa. Mukhang wala siyang alam sa nangyayari.

"Hi, Sydney! Napabisita ka..." aniya at pabalik-balik pa ang mga mata sa niluluto at sa akin.

I smiled bitterly. "Tita, mamaya na lang po tayo mag-usap. Hinihintay ko lang po si Tito..."

"Huh? Bakit anong nangyari?" Napatingin na siya sa damit ko at sakto naman ay mabilis ang bawat hakbang ni Tito habang bumaba sa hagdan.

Pinatay niya kaagad ang niluluto niya at nakakunot ang noong lumapit kay Tito.

"Evan, anong nangyayari?" nahimigan ko na ang kung anong emosyon sa boses ni Tita.

Tito sighed. "Stay here... we will explain everything later."

Lumabas na kaagad kami ni Tito para puntahan ang kalapit na bahay namin. Walang kotse sa tapat ng bahay kaya mukhang plinano talaga ni Amara 'to. I saw her a while ago... she's spying on me para masaktong wala ako sa bahay.

Maybe that scene na nakita ko si Leyton ay mukhang parte nito lahat. It's all falling into pieces. Pagbabayaran mo 'to, Amara. Tangina mo.

Dahan-dahan kaming naglalakad ni Tito para pakinggan ang nangyayari sa loob. Sobrang tahimik at pag ganitong oras ay maingay sina Papa habang nanunood ng TV.

Lost in the Wild Lands (La Grandeza Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon