Wakas

77.3K 2.5K 2.4K
                                    

Maraming salamat sa pagsubaybay kina Xarius at Sydney. It was a long ride with them and it was really fun writing this story with you guys! You could tweet your reaction with a hashtag #LITWLWakas and don't forget to tag me @JosevfTheGreat. Please also do join in the official group of Daris. Facebook Group: Daris - JosevfTheGreat. Once again, thank you!

-

Pagwawakas

"Anak, handa na ba 'yung susuotin mo para sa pictorial bukas?" Napatalikwas ako nang narinig ko ang boses ni Mama.

Buong sabado nga pala ako nakahiga o hindi naman ay naglalaro ng play station. Dinampot ko ang sando ko sa gilid ng unan ko atsaka 'yon sinuot bago bumaba.

"Hindi pa po, ma. Sabi po ni Daddy ay paplantsahin niya raw po..." sabi ko at yumakap kay Mama na nagluluto ng pancake bilang meryenda namin.

Sinimangutan ako ni Mama. "Busy si Papa, 'nak. Ikaw na ang maghanda..."

Tumango ako at hinalikan siya sa pisngi. "Sige po. Bukas po ba tayo tutulak sa Manila?"

Kumuha ako ng baso at sinalinan 'yon ng tubig atsaka 'yon ininom habang inaabangan ko ang sagot ni Mama.

"Oo. Magkikita na naman kayo ng girlfriend mo..." aniya at ngumiti nang makahulugan.

I chuckled. Ibinaba ko na ang baso at umiling dahil tinutukso na naman ako ni Mama. Amara is not my first girlfriend pero ang alam ni Mama ay siya ang una. Kay Papa ko lang sinasabi 'yung mga iba ko pang naging girlfriend dahil magkasundo kami.

"Magkasama ang school niyo sa pagpe-perform sa upcoming na event, right? Since nag-inquire 'yung school nina Amara sa LGNH, 'yung school niyo, bilang partnership for the event?" Muli akong nilingon ni Mama.

Tumango ako at hinugasan ang basong ginamit ko. "Opo... ang akala ko nga po ay hindi sasali si Amara ro'n sa event."

"Ay, bakit naman? Sayang naman dahil maganda siya at parehas kayong mahilig mag-model..."

Ngumisi ako kaya kinunotan niya ako ng noo. Hindi alam ni Mama may dahilan ako kung bakit ako nag-model at tungkol naman 'yon kay Amara pero I am kind of distracted. Pakiramdam ko tuloy masiyado pa talaga akong bata para sa pag-ibig na 'to.

Inasikaso ko na ang mga gagamitin ko para bukas sa runaway model ng school. Hindi ko alam kung magkakaroon din kami ng oras ni Amara kung magiging abala rin naman kami sa event. Although I think her family will be there.

Xarius: Pre, ready na ba kayo para bukas?

Eltyre: Bakit, ano mayroon bukas?

Lyndon: Pucha hahahahaha!

Xarius removed Eltyre from the group.

Xarius: Wag niyo i-add. Bahala siya riyan.

Andres: HAHAHAHAHA

Kinabukasan ay maaga kaming tumulak sa Maynila para sa event na gaganapin sa isang hotel. Sponsored ng Symara ang hotel na paggaganapan ng venue kaya naman mukhang bida ulit si Amara rito.

"Good morning, Mrs. Del Monfrio!" bati ng Papa ni Amara nang nagkita-kita na kami sa venue.

Masaya namang binati ni Mama pabalik si Tito. "Magandang umaga rin po! Hi, Amara!"

Ngumisi ako nang parang nanginig si Amara nang tawagin siya ni Mama. She told me she's nervous kapag nakikita niya si Mama dahil pakiramdam niya ay hindi siya gusto para sa akin.

"Hello po, Tita..." mahiyaing sabi ni Amara kaya napatitig ako sa kaniya.

Nabihag talaga niya ako sa ganiyan niyang attitude. She looks so decent and kind. Though I courted her for almost 5 months, hindi niya pa rin masiyado pinapakilala sa akin ang sarili niya. But I am not rushing her dahil mas magiging comfortable rin siya along the way. At the same time ay nadi-distract ako kasi she's always busy with something else.

Lost in the Wild Lands (La Grandeza Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon