Hi! Para maging inform sa mga bawat update or annoucement. Please do visit and follow my twitter account. My username is @JosevfTheGreat. I am posting my annoucement there. Thank you!
_
Leave
Natigila't napakunot ang noo ko sa sinabi ni Detective. Paanong si Leyton ang suspect niya?
"Why?" I asked.
He chuckled. "It's just a suspect... they didn't let me in when they found out that I am a detective. Masiyadong halata..."
"Oh, hindi ka pa sure. Suspect pa lang?" I clarified his statement.
"Yes and now it makes me think na there's something about this. How could this be?"
Ngumuso ako at sinarado ang pintuan ng kotse ko matapos akong makababa. Bigla ko rin tuloy naisip na this is Leyton's plan... he had this suspicious act towards Desiry and gusto niya laging naiiwan sa bahay kapag aalis so that he could be alone.
I am now suspicious about him if I will consider his actions. This is just too simple to rely on pero it could be a way for something deeper. I will wait for Leyton's statement about this... if he's not guilty about this, he will agree to be interviewed.
"That makes a point but I would like to hear from him first. The idea you've catered could be an avenue for this but it has to make sense. I also observed him when he was staying with me in my unit and I am kind of suspicious na rin about him..."
"I'll try to set an appointment tomorrow or if I could talk to him today, I will. I'll contact you later."
Pinatay na niya ang tawag at naglakad na ako pabalik sa loob ng ospital. I don't know what will be my reaction kapag nalaman kong si Leyton ang gumawa nito. We've already talked about our relationship and I just think this doesn't make any sense.
Kapagkabalik ko sa room ni Rius ay may nurse na nagche-check sa kaniya. Napatingin sina Tita sa akin na tahimik lang ding pinapanood 'yung nurse.
"Mga kailan kaya siya magigising?" biglang tanong ni Tita.
"Until he recovers po..."
Nasulyapan ko muli ang bigat sa ekspresiyon ni Tita. I am worried about her and Tito isn't with her to at least hug her. Sinisisi ko na naman tuloy ang sarili ko... I am overthinking again.
Binalingan ko si Rius nang nakalabas na ang nurse. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kaniya. Kailan ka kaya magigising? Gumising ka na dahil maraming naghihintay sa'yo... kahit huwag ka nang gumising para sa akin, gumising ka na lang para sa kanila.
"Wake up when you're ready to do so. They are waiting for you..." I am also waiting but I'll be in the back. I smiled bitterly and hinipo ang kaniyang pisngi.
Tinitigan kong mabuti ang kaniyang mukha... kinabisado ko kung gaano kaperpekto ang bawat bahagi ng kaniyang mukha. Baka hindi ko na ulit makita 'to... masiyado nang nagiging buo sa sarili ko ang paglisan.
"Hihintayin ko 'yung pag gising mo pero hindi ko alam kung kaya kong magpaalam."
I bit my lower lip when I felt my eyes getting teary again. Natatakot ako pero gusto kong maging malakas. Gusto kong hindi matakot o mag-overthink ng mga bagay dahil ito 'yung mga nagpapahina sa akin.
"You're leaving him?"
Napatingin ako kay Tita nang narinig ko ang kaniyang boses. She frowned, looking confused.
I sighed at unti-unting tumango. "I will leave him... again. Kahit ano po pa lang pilit natin sa isang bagay para maging tugma, kung hindi ito para sa isa't isa... hindi ito kailanman magiging iisa." I smiled bitterly.
BINABASA MO ANG
Lost in the Wild Lands (La Grandeza Series #3)
RomansSydney James Wantirano is a woman of contrasts. With a fiery, untamable spirit and unyielding principles, she commands respect and admiration. Yet, behind this formidable exterior lies a tender heart that remains devoted to her parents, despite thei...