Scared
"I still have to go with Tyler today kaya baka mauna ka na sa runaway..." sabi ko habang nakatingin sa kaniya na abala sa pag-ubos ng smoothie ko.
Hiningi niya 'yung smoothie ko para share raw kami sa straw. Para lang akong nag-aalaga ng pinsan o pamangkin kong bata. Pinapabayaan ko na lang dahil cute naman siya.
Inilapag na niya sa lamesa ang baso nang naubos 'yon. Kinunotan niya ako ng noo atsaka napanguso.
"Can I come then? Behave lang ako..." he smiled like a baby para pumayag ako.
"Hindi ba ma-awkward-an si Tyler?" sabi ko kaya bigla rin siyang napa-isip.
I bit my lower lip dahil paulit-ulit kong naririnig 'yung sinabi niyang behave lang siya. Gusto kong sumigaw. Nakatingin lang siya sa akin na para bang nag-iisip kung paano niya sasagutin ang sinabi ko.
I chuckled. "Mauna ka na kasi sa runaway, magkikita naman tayo ro'n."
Umiling agad siya. "Amara will be there, baka mawala lang ako sa mood," aniya at bahagyang sumimangot.
"So paano nga hindi ma-awkward-an si Tyler sa'yo?" pag-uulit ko ng tanong.
"Sa likod lang ako, you guys can continue what you have to do."
Kinuha ko ang phone ko para i-text si Tyler na isasama ko si Xarius. Okay lang naman na sumama siya, okay lang din naman na hindi so dahil gusto niya naman at mukhang okay lang... bakit hindi?
Sydney: Xarius wants to come, is it okay? I am done eating na rin pala.
Tinitigan ko lang ang phone ko para kapag nag-reply na si Tyler ay aalis na kaagad kami ni Xarius. Ramdam ko ang paninitig ni Xarius sa akin kaya sinulyapan ko siya.
Nakangisi siya at nakatingin sa balikat ko.
"Bagay pala sayo 'yung off shoulder, lagi ka mag gan'yan para mabilis tanggalin..."
Napangiwi ako. "Kaya kong tanggalin lahat ng damit ko kahit anong suotin ko." I said, dodging the green joke.
He chuckled. "Joke lang. Seryoso, ang ganda mo sa ganiyan. Simple lang, bagay na bagay tayo kapag ganiyang suot mo..." ngumuso siya at humawak sa kaniyang baba habang nakapatong ang kaniyang siko sa lamesa.
Mabuti na lang ay hindi ko na kailangan sagutin ang sinabi niya dahil nag-text na si Tyler. Iniwas ko agad ang tingin ko sa kaniya, he was smirking playfully! Ang lakas nanaman ng topak.
Tyler: That's great at least you have him, hindi mo na maiisip 'yung kanina. I am done too, kita na lang tayo shop.
Napanguso ako. Bigla ko rin tuloy naisip na si Xarius ba talaga ang laging magpapawala ng bigat sa dibdib ko? Sa tuwing malungkot ba ako si Xarius lang ang makakapagpasaya sa akin? Am I too being dependent?
Siguro hindi naman, I am not dependent to Xarius. Bigla na lang siyang lumilitaw even though I can handle myself naman. I've been living for 23 years already and hindi pa ba ako masasanay sa gulo ng mundo? It's just nauseating but that's the reality.
"You can come raw..." sabi ko kaya tumango siya.
Kapagkalabas namin sa restaurant ay hinahanap ko ang kotse niya pero nang tingnan ko siya ay nakangiti lang siya.
"Where's your car?" sabi ko kaya napakamot siya sa ulo niya.
"Iniwanan ko sa gym para isasabay mo ako..." he chuckled at ngumiti sa akin.
Wala na akong nagawa at hinayaan na siyang makisabay sa akin. Mangangamoy siya sa kotse ko! Although okay lang naman dahil mabango naman siya.
Habang nasa biyahe ay napatingin ako sa kaniya na nililibot ang mga mata sa loob ng kotse ko. Anong ginagawa niya?
BINABASA MO ANG
Lost in the Wild Lands (La Grandeza Series #3)
RomanceSydney James Wantirano is a woman of contrasts. With a fiery, untamable spirit and unyielding principles, she commands respect and admiration. Yet, behind this formidable exterior lies a tender heart that remains devoted to her parents, despite thei...