Kabanata 33

62.1K 2K 716
                                    


Katotohanan

Sabado nang natapos ko ang mga gagawin ko at nagpaalam ako kay Miss Glam na mag-break ng isang linggo katulad ng sinabi ni Tyler. Sobrang nakakagalak na kahit saglit pa lamang ako sa glam ay hindi naman matatawaran ang mga papuri sa akin.

Mas dumami ang nakakakilala sa akin. Dahil sa non-stop invitation sa Glam tungkol sa projects, partnership o hindi naman ay sponsorship ay naunahan ng Glam ang Symara.

Ang akala ko ay modeling lang at magazine naka-focus ang Glam. May mga products din pala ito katulad ng bags, damit, watches, shoes and a lot more that is related to fashion. Hindi ko rin namalayan na may Glam pala akong lipstick.

Ang pinagtataka ko ay walang release ang Symara for next month, kahit promotion wala. Kasi kapag napapansin namin na bumababa ang sales ay hindi kami matatahimik hangga't hindi kami makakagawa ng paraan para mabawi 'yon.

Pero ngayon... it seems a bit odd to feel that no one is taking an action about it. Napanguso ako habang nag-aayos ng gamit ko para sa pagpunta namin sa La Grandeza.

"Okay lang kaya sila?" I asked myself.

I sighed at umiling. I shouldn't be thinking about them. Baka nga may pinaplano na sila pero mukhang pinaghahandaan nang mabuti.

Napatigil ako sa paglalagay ng mga damit sa duffle bag ko nang biglang tumunog ang aking phone. It was a text message from Az.

Unknown Number: I am going to Manila today. Can I invite you to have a lunch or dinner?

I chuckled. Why's he bothering me? Hindi ba niya napapansin na I am not really interested on him?

Sydney: That's great because I am going to La Grandeza today. Have a nice lunch.

Hindi ko na pinansin ang phone ko nang tumunog muli siya habang abala ako sa pag-iimpake. I don't know why am I doing this? Hindi ko alam kung bakit sasama ako kay Tyler... I just felt he needs someone to lean on.

Alam ko kasi 'yung pakiramdam na gano'n. Parang nakaka-suffocate kapag gusto mong i-express ang sarili mo pero hindi mo magawa dahil walang makikinig sa'yo...

Nang matapos ako mag-impake ay nag-make up na ako. Pinili kong mag white floral v neck long sleeve dress para mas maging komportable ang aking pag galaw.

Nang matapos ako sa lahat ng gagawin ko para sa sarili ko ay nagmadali na ako papunta sa parking lot ng condo building ko dahil hinihintay na ako ni Tyler doon. We will be using his car.

Nadatnan ko siyang nahilig sa nguso ng kaniyang Fortuner. Kaagad niya akong tinulungan sa aking bag habang nakangiti.

"I am sorry naghintay ka pa..." sabi ko pero kaagad siyang umiling.

"No, it's okay..."

Naging tahimik lang ang biyahe namin dahil mukhang nire-reserve niya ang mga kwento niya pagdating namin sa La Grandeza. Sa tuwing naalala ko ang La Grandeza, masaya at malungkot na alaala lang ang bumabalik sa akin.

It was the place when I felt I am free to voice out my thoughts. It was also the place where I felt special and valued... that's because of Rius. But at the same time, it was also the place where the chaos worsened.

Mapait akong ngumiti at binalingan si Tyler na seryosong nakatitig sa daan. Hindi ko maipagkaila sa sarili ko na nami-miss ko si Rius pero wala akong nakikitang balita tungkol sa kaniya pero mas maganda rin kapag nahihirapan... kasi alam kong nasa process ako.

"Saan pala ako mag-stay?" I asked him.

"Oh..." sinulyapan niya ako pero muli rin ibinalik ang mga mata sa daan. "You will be staying in my room, sa baba na ako..." he said.

Lost in the Wild Lands (La Grandeza Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon