Kabanata 22

62.3K 2K 1.4K
                                    


Umalis

Malapit nang tumulak ang oras sa alas tres nang nakarating ako sa Orange Hub, kung saan kami magkikita nina Sally. Pinauwi ko na muna si Leyton sa condo ko matapos namin tulungan si Tyler sa coffee shop niya.

Iniisip ko pa lang ang mangyayari mamaya sa dinner na 'yon ay napapagod na ako. Ang dami ko ng ginagawa at dumadagdag pa ito. Hindi ko na alam kung ano pa bang aasahan ko na mangyayari.

Nang namataan ko sina Sally at Desiry na naka-order na ng juice para sa amin tatlo ay kaagad ko silang pinuntahan. Inaasahan ko na galit sila o dismayado pero nang makita ko ang maaliwalas nilang mga ekspresyon ay nagbigay ito ng malaking pagkagulat sa akin.

Kasabay ng aking pag-upo ang aking pagbuntong hininga. Magkatabi sila sa isang pahabang sofa habang ako ay naupo sa kaharap nilang mahogany chair.

"Hi guys..." sabi ko.

"Welcome back to my channel," biglang sabi ni Sally.

Nalukot ang mukha ko nang sabay silang nagtawanan. So, hindi nga sila galit? Sabagay, alam ko naman na maiintindihan nila ako at alam naman nila kung gaano ka baliw ang kapatid ko.

"Gaga ka talaga, Sally! Magpapanggap nga tayong galit tapos pinatawa mo na agad ako!" pagalit ni Desiry kay Sally habang natatawa pa.

"E kasi no'ng nakita kong mukhang pagod ang mahal nating reyna ay naisip kong baka makadagdag pa tayo..." sabi ni Sally at binalingan na ako.

Umirap ako nang pabiro. "Well anyway, I'm sorry talaga dahil nadamay pa kayo sa kay Amara. Hire ko na lang kayo ulit, pwede na kayo ulit magsimula bukas. Ibibigay ko na ulit sa inyo 'yung na-udlot niyong projects..." sabi ko kaya tumango naman silang dalawa.

"Ano ka ba? Okay lang 'yon. Wala kang kasalanan sa mga kaartehan ng Amara na 'yan!" sabi ni Desiry.

"Korek! Gusto ko na nga siya sabunutan no'ng araw na 'yon kaso naisip ko na hindi pala ako pumapatol sa mga walang pwet..." she rolled her eyes.

Natawa kami ni Desiry. Mas naramdaman ko tuloy na na-miss ko silang dalawa. It's been a while since nakapag-bond kami at ito pa ang pag-uusapan namin.

Nagki-kwentuhan lang kami tungkol kay Amara nang bigla kong buksan ang usapin tungkol kay Leyton. Since we miss our chika overload.

"Nagda-dalawang isip nga ako, baka mamaya he's just trying to get me and may balak pala siya..." sabi ko kaya nanliit ang mga mata ni Sally.

"What do you mean may balak pala siya? Like, he's trying to kuha your loob then make iwan kapag na-get na niya ang iyong feelings? Gano'n?" aniya at sumimsim sa kaniyan orange juice.

Ngumuso ako at tumango. "Yeah, pero no'ng nakapag-usap kami ay pakiramdam ko ay sincere naman siya... but I still have the doubt though..." sabi ko.

"Nasabi mo na before ka mag punta ro'n sa meeting mo ay nakasalubong mo si Amara sa labas ng unit mo? Ang weird naman no'n na magpupunta siya ro'n para sa paper bag na 'yon..." sabi ni Desiry habang nakakunot ang noo.

She does that expression when she finds things weird. Binalingan ko si Sally na kabababa lang ng kaniyang baso.

"If may doubts ka, don't trust him. He's Leyton... he's a fucking coward who broke your heart years ago. Paano ka niyang ipaglalaban sa parents niya ngayon, kung kailan wala na siyang pag-asa? Tanga ba siya o sinasadiya niya ang lahat?" bahagya siyang umiling at tinaasan ako ng kilay.

That makes sense. May parte sa akin na gusto ko siyang pagtiwalaan pero may parte rin sa akin na hindi ko alam kung dapat ko ba 'yon gawin. I enjoyed his company dahil kahit papaano ay hindi ko naramdaman na mag-isa ako pero kung niloloko lang pala niya ako, baka hindi ako magdalawang isip na sakalin siya.

Lost in the Wild Lands (La Grandeza Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon