Kabanata 10

87.6K 2.6K 1.6K
                                    




More

"Where are we going? Paano 'yung mga kaibigan natin?" sabi ko pero hinahayaan ko siyang hilahin ako papunta sa kung saan.

Tumigil siya sa paglalakad at tinitigan ako. The way he stares at me tells me something, may gusto siyang sabihin pero pakiramdam ko ay nagdadalawang isip siya.

"Kanina ko pa napapansin na you're not really okay, kaya sinusubukan kong maging playful... but I think you need someone para makinig sa'yo..." umigting ang kaniyang panga.

Bahagyang tumikom ang bibig ko at hindi ko mahanap ang tamang salitang bibigkasin ko. He's really surprising, paano niya 'yon napansin?

"No'ng una ay inisip ko na baka may iniisip ko lang or something pero when I saw you burst into tears, I was right... you're not okay..."

Para akong hinihele sa kaniyang boses. He really has a deep voice and his adam's apple is moving along while he speaks. Wala akong nakikita sa mga mata niya kung hindi ay pag-aalala.

I sighed. "So saan mo ako dadalhin?" banayad ang boses ko, bahagyang naalo pa sa mga mata niya.

"To my condo, is it okay?" he smiled a bit.

Nanliit ang mga mata ko. "May condo ka?" sabi ko.

"Probably, that's why I am bringing you there, Sydney..."

Umirap ako. I am not actually asking, I am just surprised na may condo pala siya rito. Akala ko ay diretso uwi siya sa La Grandeza, minsan nakakainis din talaga 'tong lalaking 'to e.

"Let's go?"

"How about my car?" sabi ko kaya napanguso siya.

Bigla siyang nag-isip pero mas tatagal pa kaya umirap na lang ako at hinawakan siya sa kaniyang braso dahilan para mapatingin siya ro'n. Napansin ko agad ang pag-angat ng kaniyang labi.

"Kukuhanin ko na lang bukas, or ipapakuha ko kay Sally." Tumango siya at naglakad na kami papunta sa BMW niya.

Habang nasa biyahe ay tahimik lang ako dahil I felt awkward since mukhang narinig niya 'yong mga sinabi ko kanina. I am not ashamed of it pero parang ayaw ko munang makilala niya ako in that way, atsaka na kapag mas naintindihan niya na 'yung pinagdadaanan ko.

May mga tao kasing huhusgahan 'yung sitwasyon natin na akala nila ay madali lang 'to para sa atin kasi hindi pa naman nila nararanasan. Huwag na lang natin husgahan ang mga bagay na hindi pa naman natin alam. It's better that way.

Nakikita ko sa peripheral vision ko na pasulyap-sulyap si Xarius sa akin but he's not talking. I really love how he respects my boundaries, I like manners.

Kapagkarating namin sa building ng condo niya ay napansin kong bahagyang malapit lang din naman ito sa condo ko pero ilang minuto rin ang lilipas bago matunton ang sa akin.

Sumunod lang ako sa kaniya hanggang sa makarating kami sa floor ng kaniyang unit. Hindi pa rin kami nagkikibuan kaya hindi ko na rin tuloy alam kung magsasalita ako o mananahimik na lang talaga ako.

Bumalot sa aking tainga ang tunog ng pag-unlock ng kaniyang pinto. Nginitian niya ako at pinauna akong pumasok. Narinig ko na lang mula sa aking likuran ang pagsara ng pinto nang naramdaman ko na rin ang kaniyang presensyang lumapit sa akin.

Napapikit ako nang naamoy ko ang amoy ni Xarius sa buong unit. Nakakabaliw 'yung amoy niya, ang gwapo pa rin kahit pabango. Nakakainis.

"Luh, bakit ka nakapikit? Gusto mo bang i-kiss kita?" napadilat agad ako nang narinig ko ang pagsasalita ni Xarius.

Nadatnan ko siyang nakangisi at nakatayo na sa harapan ko. Umirap ako at hinampas siya sa braso.

"Nabanguhan lang ako sa amoy!" muli akong umirap.

Lost in the Wild Lands (La Grandeza Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon