SomewherePinahid ko ang mga luhang tumutulo mula sa mga mata ko bago ako pumasok sa loob ng club. The ravel music proudly entered my ears and the familiar smell of alcohol and cigarettes spread over my nose. Iniwasan ko ang mga taong nadadaanan ko dahil kahit hindi pa gano'n kalalim ang gabi ay marami na rin ang nagsisidatingan dito.
I sighed nang nakita ko na sina Sally na masayang nagku-kwentuhan, I should not brought this up because we should have fun. Masaya ko silang binati nang mamataan nila ako.
"Andiyan na si Sydney!" sabi ni Sally at tumayo para bigyan ako ng isang beso at gano'n din ang ginawa ni Des.
I sighed at sinubukan ngumiti. Hindi ko 'yon pinakita sa kanila at nanatili lang ang maliwanag kong mukha. Matagal ko ng tanggap na I am different at ampon lang ako, hindi ko na dapat nilulubog ang sarili ko dahil nanaman dito. This will be my forever scar but tragedy should not be our weakness instead, it should be our strength.
Pero minsan hindi ko maiwasang hindi masaktan sa tuwing naalala ko 'yon. Hindi naman natin deserve makuha 'yung mga bagay na tulad nito, 'yong mga bagay na paulit-ulit tayong sisirain... kaya nga lang, may mga bagay talagang hindi na natin maiaalis sa mundong 'to and that is our flaws.
"Saan ka ba galing at hindi ka kaagad dumiretso rito?" sabi ni Desiry.
I chuckled at umirap. "May dinaanan lang ako pero ano, what's up? Ang tagal na natin hindi nakapag-bonding..." sabi ko, iniba ang topic.
"Ang busy ko rin kasi since itong project sa company, dalawa kaming kinuha ni Sally. Super arte ng architect at ayaw tanggapin ang mga designs namin kaya minsan gusto ko na lang siyang sabunutan dahil lahat ng mga pinaghihirapan namin ni Sally ay binabaliwala niya!" Des picked up her wine glass and took a sip on it.
Tumango ako dahil kahit ako rin naman ay nafu-frustrate sa project namin ngayon plus may launching pa kaya nahihirapan din ako. Dumadagdag pa itong nararamdaman ko.
"Ikaw ba, kumusta 'yong sa huge project niyo sa La Grandeza? Balita ko umaariba nanaman itong bitchesa mong sister ha?" ani Sally at inabutan ako ng isang basong scotch.
I rolled my eyes then scoffed. "Palagi naman, wala namang bago ro'n. She always wants what I have kahit umaapaw na ang mayroon siya. Ayaw niya akong nakikitang umaangat... too fucked up." Napa-iling ako.
Sally chuckled. "Alam mo 'yang kapatid mo, siya na nga itong bukod pala sa lahat tapos naiinggit pa sa'yo. Maganda naman siya, mayaman, sikat at paborito ng parents niyo... so ano pang kinukuda ng vagina niya?" ani Sally.
Des and I laughed dahil sa bibig ni Sally. "Ano ka ba? Alam mo namang swerte itong si frenny natin sa boys!" napakunot ang noo ko nang maghagikhikan silang dalawa ni Sally.
"Oo nga! Ikaw ha? Hindi mo sinabi sa amin na sumama ka na pala sa samahan namin ni Desiry. Samahan ng mga nabudol ng mga magkakaibagan ha?" Sally pouted her lips habang nanliliit ang mga mata sa akin.
I scoffed. Si Xarius ba ang sinasabi nila? I remember that I saw Lyndon and Andres with Xarius sa feed ni Andres. So they are friends nga pala, ngayon ko lang din naalala.
"Alam niyo kayo, hindi ko 'yon boyfriend atsaka hindi ko siya type. Pwedeng best friend kami pero..." I rolled my eyes. "No, hindi ko siya magiging boyfriend."
Humalakhak silang dalawa ni Sally. "'Yan din ang sinabi namin ni Desiry kaya alam mo girl, malakas talaga ang kamandag ng mga magkakaibigan na 'yan kaya welcome to the club!" she raised her both hands and waved it in the air.
Napangiwi ako. Mahuhulog ba ako ro'n? I am just comfortable around him pero I don't think na magugustuhan ko siya? I don't know, hindi ko rin naman sure. Who knows?
BINABASA MO ANG
Lost in the Wild Lands (La Grandeza Series #3)
RomanceSydney James Wantirano is a woman of contrasts. With a fiery, untamable spirit and unyielding principles, she commands respect and admiration. Yet, behind this formidable exterior lies a tender heart that remains devoted to her parents, despite thei...