Chapter 12

1.6K 34 7
                                    

Shakainah's

Naka abang sakin si ezra boung oras na nag bake ako ng chocolate cake,ewan ko nga bakit siya nandtio sa bahay eh ang alam ko bibigyan niya si Hana ng gift hmm.

Napatigil ako sa pag iisip ng tumunog ang oven ibig sabihin luto na ang cake, agad-agad akong lumapit dito at kinuha iyon nilagay ko muna sa sink para palamigin, di naman kase masarap pag sobrang init na. Nag hiwa ako ngisang hiwa at masayang nag lakad papalapit kay ezra.

"Ok done!" Masayang sabi ko at nilapag sa counter table ang platito na may laman na cake

"Sure ka masarap to ah"

"Oo naman, sure pa siya sure" nakangiti paring sagot ko, humiwi sa ezra ng katantamang laki ng cake na gawa ko akmang isusubo niya na ng biglang mag tumawag sa phone niya na nasa ibabaw nv lamesa.

Si hana...

Bahagyang tumayo si ezra at medyo lumayo, pero marieinig parin naman ang boes ni ezra dahil may kalakasan eto tska isa pakami lang naman dito sa bahay.

"Hi hana" bati ni exra sa kausap "ah yeah, how are you" tanong ni ezra kay hana na kahit naka talikod siya saken ay alam kong nakangiti siya "yes, napuntahan kona kahapon kukunjn mo nalang yon" kaya ba wala dito si ezra kahapon kase inasikaso niya si hana? Well obvious naman.

"Hmm haha, ok fine kung di mo kaya ako nalang kukuha,mag pa hinga kana you need to rest" parang tatay  na sabi ni Ezra, may sakit ba si Hana? Hindi ko naman maiwasan ang hindi mangamba dahil kahit trinaydor niya akomahal ko parin siya "yeah right, sige pupuntahan kita dyan, yes ngayon agad... byee...i.... love you" sunod sunod na sabi ni ezra

Pota naman parang binasag puso ko don sa i love you ah.

I wish i was the one who will receive that sweet i love you of yours Ezra.i wish

Nang binaba na ni Ezra ang phone niya dali dali akong tumalikod at bumalik sa pwesto ko kanina kuwnwarj di ko narinig

Kunwari di ko alam sino kausap niya

Kunwari di ko alam yung iloveyou Han nila

Kunwari di ako nasaktan

Nang pabalik na siya s aupuan niya kanina nag kunwari akong busy sa pag hihiwa ng cake, umupo siya tska kumain ulit bago siya nag salita.

"May pupuntahan pala muna ako" biglang sabi niya tumingin naman ako sa kanya na parang nag tatanong "Ahh uuwi ako before dinner sabay natayong kumain" napatingin ako sa kanya matapos niyang sabihin ang mga salitang iyon at bahagyang napa ngiti

"Sure ka?"

"Oo naman haha"

"Promise yan ah, anong gusto mong ulam mag luluto ako" masayang sabi ko habang inaabangan ang kanyang sagot "hmm gusto ko ng adobo" naka ngiting sabi niya habang tumataas taas pa ang mga kilay niya "ano, di mo kaya?" Sabi pa niya

"A-anong hindi, kaya ko! Sge yan ang lulutuin ko" sabi ko at ngumiti naman siya ng malapad "sge, magbibihis muna ako" sabi niya at umakyat na sa taas para pumunta sa kwarto niya.

Pumunta naman ako ka agad sa ref para mamili ng mga ingredients sa adobo, adobong manok lulutuin ko kase mas master ko yun kesa sa adobong karne tho alam ko naman na pareha lang sila ng proseso pag niluluto pero ewan ko feel ko may pag kakaiba eh.

Nakita kong bumaba si Ezra naka porma na siya puting polo tska black shorts tas nike white rubber shoes, para namang mag de-date tung isang to.

Lumapit siya sakin at sandaling tinignan ang ginagawa ko "alis nako" biglang sabi niya hinarap ko naman siya at ngnitian "sure mag ingat ka ah" nakangiting sabi ko

"Tsaka hihintayin talaga kita sabay tayong mag dinner" sabi ko

"Yeah,sure" sabi niya at tinalikudan na ako "byee" sabi niya ng naka talikod at nag lakad na siya papunta sa door, tinanaw ko siya hanggalmalawa siya saking paningin.

Masaya naman akong bumalik sa ginagawa ko hinuhugasan ko na lahat ng kakailanganin ko, well kahit naman hindi sumabay sakin si ezra mag dinner.

Kailangan kong mag luto kasi bukas pa ang dating ng mga yaya at drivers ging day off nila kaya kailanagn kung mag luto para may makain ako.

Pag ka tapos kung hugasan lang ng gagamitin ko hiniwa kuna lahat Ng ingredients na kailangan hiwain.

Pag ka tapos nun nag simula na akong mag luto, natutu akong mag luto eh kamakailan lang din siguro matapos naming ikasal ni ezra  nag practice na akong magluto kaya ngayon marami na akong alam na lutuin.

Tska kailangan ko to in the future kase mag kakaanak na ako and gusto ko lagi ko siyang ipagluluto para masaya siya saken haha kaya pursugido akong matutu magluto para sa anak ko.

Nang matapos akong mag luto hinanda ko na ang table.

"Ayan, perfect!" Maligayang sigaw ko matapos kong ayusin ang lamesa tinignan ko ang wallclock 7:30 na maaga pa naman kaya habang wala pa si ezra nanood muna ako ng netflix para mabilis ang oras.

Dalawang movie na ang natapos ko pero wala padin si ezra tinignan ko ang ulet ang wallclock 10:46 na ng gabi kumakalam na ang sikmura ko pero wala parin si ezra, tinignan ko ang phone ko baka sakaling may text siya or missedcall, ngunit matapos kong tignan ni isang text ay wala.

Kumakalam na ang sikmura ko at kung hindi pa ako kakain eh  magugutom ang baby ko at nakakasama yon kaya kailangan ko ng kumain.

"Kain na tayo baby, baka di na dumating daddy mo haha" natatawang sabi ko sa sarili ko habang hawak aking tyan nag lalakad papunta sa dining table. Pilit akong ngumiti ng maka upo ako sa upuan kahit naiiyak na talaga ako.

Bat ba ganyan si ezra ang paasa niya kung hindi naman pala siya makaka uwi sana nag text man lang siya para di na ko nag hintay kase makakasama yun sa baby tska masyado ng malalim ang gabi sabi pa naman ng doctor matulog ako ng maaga para sa health ng baby.   

Hindi ko alam may tumulo na palang mga luha sa mukha ko pilit ngiti ko iyong pinunasan at nag simula ng kumain.

Matapos kung kumain pumasok kaagad ako sa kwarto ko at nahiga sa kama, gusto kong umiyak ng umiyak.

"Tangina mo Ezra, paasa ka" mahinang sabi ko bago nilublub akong mukha sa unan at don umiyak ng umiyak hanggang sa naka tulog ako...

For hire: Baby makerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon