CHAPTER FIFTY EIGHT

1.2K 71 2
                                    


Gabriella POV

"I thought nakalabas kana ng school?"

Pagtatanong ko kay schalzi dahil bigla bigla itong sumulpot sa harap ko habang naglalakad ako sa corridor.

"No, walang sino man ang makakapag drop out ng basta basta sa akademya gab kong walang solid reason. Kaya sa sitwasyon ko, mananatili ako sa akademya kahit sa ayaw at sa gusto ko. My wounds are healed, kaya I am at your command."

Mabilis kong inakbayan si schalzi dahil natanaw ko na patungo dito sa gawi namin si violet.

"Good. Then my plan will begin today."

I whispered at her.

"Understood."

Napa ngiti ako at nagpatuloy sa paglalakad, nilagpasan namin si violet sa paglalakad ngunit ang mga mata ko ay nasa kanya.

Violet.

Gagawin ko din ang ginawa mo sa kapatid ko.

...

"Wala tayong klase pagkatapos ng lunch kaya gusto kong dakpin mo si violet at dalhin sa lumang building natin noon."

"Dakpin? Bakit?"

"Just do it. And don't forget to hide your face."

Tumango naman ito sa utos ko.

"About sofia, nakilala mo na ba kung sino ang pumatay sakanya?"

Napalingon ako sa tinanong ni schalzi sa akin.

"I dont know. Hindi ko na naabutan."

Tsk. Napa irap ako sa inis.

Hindi ko nakilala kung sino ang bumaril sakanya mula sa building na iyon. Tch, ilang kalaban paba ang meron ako?

Wait...

About that, may natatanggap akong letter noon. Why did i forgot about that? It's so important.

Aish!

Ang tanga mo din gab!

Napa bungisngis ako at padabog na umupo sa upuan ko dito sa dorm ni schalzi.

"Go now, schal. Malapit ng matapos ang lunch. Make sure she take this pill."

Inabot ko sakanya ang isang pill na gawa ko. Pampatulog lamang iyon kaya mas mabuti na tulog si violet para madala sya ng walang problema sa building.

Tumango ito sa sinabi ko at kinuha sa kamay ko ang pill pagkatapos non ay umalis na siya.

Napa buga ako ng hangin at napasandal na nakapikit sa silyang inupuan. Naalala ko ang mga note na nakukuha ko noon at ilang mga litrato na nagbigay tulong sa akin.

They were so useful. Parang alam ng taong nagpadala non ang nais kong gawin kaya ako nandito. Sino ang nagpapadala?

Is he/she my ally? But, i really hope so...


Napabalikwas ako sa kinauupuan ng mag ring ang phone ko at halos napamura dahil alas singko na ng hapon.

Nakatulog ako! Aish! Napatingin ako sa cellphone at nakitang nakailang missed calls si schalzi.

Mabilis na lamang akong nag ayos ng sarili bago pinagpasyahang lumabas sa dorm ni schalzi at tumungo sa abandonadong building kung saan idadala ni schalzi si violet.

Umabot na ng kalahating oras ang pagtakbo ko para makarating sa building na ito. Napaka layo kasi nito sa school. Kaya nga abandonado kasi malayo na sa school grounds at wala nang sino man ang pumupunta dito o maski naliligaw wala.

SPECIAL ACADEMY [UNDER MAJOR REVISIONS]Where stories live. Discover now