Zoe POV's
I decided na bumalik muna sa mga magulang ko habang inaayos pa namin ang nangyari mas maganda kung makakapagisip ako ng tama at kung ano ang pwedeng gawin umalis ako sa bahay namin ni lucas hindi na ako nagpahatid pa sa kanya.... bago pa man ako makasakay ng taxi pauwi tumawag muna ako sa bahay para ipaalam sa kanila na uuwi muna ako at dun muna magstay hanggang sa maayos ang lahat pero parang may iba akong nararamdaman pagkasakay ko pa lang ng taxi..
" hmm, miss? Saan po tayo?" Tanong sa akin nung driver na nakamask.
" sa train station lang po tayo.." sabi ko sa kanya.
At hindi na siya sumagot maya maya parang iba na talaga parang may mali sa nangyayari bigla siyang huminto sa may gilid ng highway..." ahh, miss, saglit lang check ko lang yung makina baka naubusan po tayo ng tubig saglit lang po check ko lang po." Sabi niya sa akin.
" okay sige ho, pero hindi naman po siguro tayo magtatagal diba?" Tanong ko sa kanya.
" hindi po madam sandaling sandali lang po to stay lang po kayo diyan sa loob." Sabi niya sa akin at bumaba na siya at chineck niya yung makina niya habang ako naghihintay ako..
Maya maya pa may biglang pumasok na dalawang lalake....." si...sino kayo?" Takot kong tanong sa kanilang dalawa .
" wag ka na lang maingay para hindi ka masaktan sumama ka na lang sa amin kung ayaw mo pati yang dinadala mo ay madamay." Sabi nung isa sa akin...
" please, nagmamakaawa po ako sa inyo wag niyong ituloy yung binabalak niyo sa akin ibibigay ko na lang yung gusto niyo wag niyo lang ako saktan.." sabi ko sa kanila.
Biglang tinakpan nung isang lalake yung bibig ko pero nagpupumiglas pa din ako hanggang sa nawalan na ako ng malay at binitbit nila ako palabas ng sinasakyan kong taxi at inilipat sa isang ban... that time hindi ko alam kung ano ang nangyayari tuluyan na ako nawalan ng malay..
[ A/N: sa isang abandunadong gusali naghihintay si marga ]
" madam, nandito na po yung pinapahanap niyo sa amin wala naman palang kapagod pagod to." Rinig ko sabi nung lalaki may hawak sa akin bago pa lang kami makapasok sa loob nagkamalay na ako nagkunwaring tulog na lang para hindi nila ako saktan.
" good, sige iupo niyo na siya diyan at igapos niyo siguraduhin niyong hindi yan makakatakas at siguraduhin niyong walang makakaalam neto maliwanag ba?!" Galit na sabi nung babaeng kausap nila hindi ko siya maaninag.
" malinaw na malinaw po madam.." sabi nila.
After nila akong igapos dun na ako nagkataon na gumising....." teka?! Ano to? Anong ginagawa ko dito?! Marga? Ano to?! Pakawalan mo ko!" Sabi ko pagkakita ko sa kanya.
" sa tingin mo ba bakit ka andito? Hyyyy zoe! Dapat kasi una pa lang alam mo na mangyayari to e alam mo ba kung di ka umeksena sa buhay namin ni lucas edi sana ako ang nasa posisyon mo ngayon at hindi ikaw?!" Sabi niya sa akin at hinawakan niya ako sa mukha.
" please marga, kung gusto mo kong patayin ako na lang wag mo na idamay pa dito yung mga anak ko!" Sabi ko sa kanya.
" ee kung sabihin ko sayo na gusto ko sila isama sa magiging hukay mo?!" Sabi niya.
" nagmamakaawa ako sayo marga please, mahal ko ang mgà anak ko saktan mo na ako lahat wag lang sila...." sabi ko sa kanya at hinawakan ko yung tiyan ko.
" pagiisipan ko zoe..." sabi niya at tumawa siya na parang witch.." zoe, zoe, naghihintay ka ba ng magliligtas sayo dito?" Tanong niya sa akin .
" marga, alam kong si lucas ang kailangan mo pero hindi mo naman kailangan pang idamay dito pati yung mga bata sa sinapupunan ko madadamay ng dahil lang sa kasamaan mo!" Sabi ko sa kanya at sinampal niya ako ng malakas dahilan para magdugo yung labi ko.
" sana in the first place naramdaman mo na yan edi sana hindi ka nahihirapan sa ganito "
at sinipa niya ako dahilan para mapatumba ako.." marga, hindi kita mapapatawad kapag may nangyari sa mga anak ko.." sabi ko habang hawak ko ang tiyan ko na nuon ay sumasakit dahil sa pagkabagsak ko.
" tignan natin kung magagawa mo pa yan zoe kapag patay ka na." Sabi niya sa akin.
Alam kong malaki ang galit sa akin ni marga pero hindi sapat para idamay niya pa yung mga anak ko patayin na niya ako gawin na niya yung gusto niya kunin na niya si lucas wag niya lang sasaktan ang mga anak ko dahil kundi kamatayan din ang ibibigay ko sa kanya kapag nangyari yun.
BINABASA MO ANG
ANG BOYFRIEND KONG ARTISTA
RomanceAno kaya ang mararamdaman mo kapag ang boyfriend mo ay isang sikat , maraming nagkakagusto , maraming tagahanga ? Pero ikaw isang ordinaryong estudyante , simpleng babae , pero sa lahat ikaw ang pinaka maswerte dahil boyfriend mo lang naman ang nagi...