Lucas POV's
Gabi na ng makarating ako sa dorm galing sa bahay nila zoe , hindi ko siya matatanggi kung bakit ganun na lang ang mga kilos niya , saktong pagdating ko naabutan ko si klyde na nanunuod ng movie sa sala ..
" galing ka kila zoe nu ? " tanong sa akin ni klyde .
" huh ? a-ah oo pagkahatid ko kay margaret . " sabi ko sa kanya .
" nagpaliwanag ka sa nangyari sa inyo ni margaret ? bakit lucas ? ano ba para sayo si zoe ? " tanong niya sa akin .
napaisip ako sa tinanong niya sa akin kung ano ba sa akin si zoe ... " ano ? hmmm gusto ko lang linawin na wala lang yun at wala akong alam sa nangyari . " sabi ko sa kanya .
" sa tingin mo ? ano ang naramdaman ni zoe ng makita niya kayo ni margaret na magkasama sa isang kwarto ? " tanong niya pa ulit .
" bakit kylde ? tanong ko sayo , gusto mo na ba si zoe ? " tanong ko sa kanya .
" paano kung sabihin ko sayo na balak ko na siyang ligawan ? anong aksyon ang gagawin mo ? na ang isang katulad ni zoe na mahal na mahal ka ay hindi ka na kayang mahalin pa ? " sabi niya sa akin .
BINABASA MO ANG
ANG BOYFRIEND KONG ARTISTA
RomansaAno kaya ang mararamdaman mo kapag ang boyfriend mo ay isang sikat , maraming nagkakagusto , maraming tagahanga ? Pero ikaw isang ordinaryong estudyante , simpleng babae , pero sa lahat ikaw ang pinaka maswerte dahil boyfriend mo lang naman ang nagi...