Zoe POV's
Maaga ako nagising dahil sobrang sakit ng ulo ko dahil sa ininom kong alak kagabi, hindi naman talaga ako umiinom ngayon lang kaya ganito kalupit ang hangover ko , at nagulat na lang din ako dahil na isang hotel na kami , lumabas ako para maghanap ng gamot sa sakit ng ulo habang naglalakad ako , napansin ko na may pintong nakabukas kaya tiningnan ko kung sino ang andun , pagkasilip ko nakita ko sila margaret at lucas na mahimbing ang tulog at wala silang mga damit tanging kumot lang ang nakatakip sa kanila nagmamadali ako makalabas ng kwarto pero bigla kong nasanggi yung isang baso dahilan para magkaroon ng ingay at nakita kong nagising si lucas ...
" ano to ?! " malakas na pagkakasabi nya para magising si margaret .
" hmmm , lucas gising ka na pala goodmorning . " sabi sa kanya ni margaret .
" zoe ? " tawag sa akin ni lucas , at dali dali siyang nagbihis at lumapit sa akin naka pants lang siya nun at walang pantaas kaya kita ko yung yummy niyang katawan ..
" hmm , sorry hindi ko sinasadya makapasok bukas kasi isasarado ko sana yung pinto . " sabi ko habang nakayuko ako .
" ay sorry nakalimutan ko isarado sa sobrang kalasingan ko . " sabi naman ni margaret na nakatapis lang siya .
" zoe , mali ka ng iniisip mo lasing ako kagabi kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari . " paliwanag sa akin ni lucas .
" huh ? ah okay lang hindi mo kailangan magpaliwanag sa akin , sige balik na ako sa kwarto gisingin ko lang si yllanna para makauwi na kami , sige bye. " sabi ko tska ako lumabas ng kwarto nila at nagmamadali bumalik ng mabangga ko si klyde na noon na may nakape ..
BINABASA MO ANG
ANG BOYFRIEND KONG ARTISTA
RomanceAno kaya ang mararamdaman mo kapag ang boyfriend mo ay isang sikat , maraming nagkakagusto , maraming tagahanga ? Pero ikaw isang ordinaryong estudyante , simpleng babae , pero sa lahat ikaw ang pinaka maswerte dahil boyfriend mo lang naman ang nagi...