Naalimpungatan ako dahil sa isang kalabog.
Di ko na lamang ito pinansin at piniling bumalik sa pagtulog ngunit muli, ay may narinig akong mas malakas na kalabog kumpara kanina.
"Damn it, ano ba yun?!"
Sa inis ay dagli akong bumangon sinuot ang tsinelas na nasa ilalim ng kama, kinuha ang jacket na nakapatong sa sofa bago dumiretso sa pinto.
Pagkalabas ko ng kwarto ay sinalubong ako ng malamig na hangin mula sa bintanang katapat ng pinto ng kwarto ko.
Dali-dali kong isinuot ang hawak kong jacket at dumiretso sa bintana para sarhan ito at napansin ko ang guardhouse na nakapatay ang ilaw.
Tss. Mga tao talaga hindi sinesryoso ang trabaho.
Nang i-lo-lock ko na sana ang bintana ay natigilan ako sa isa na namang malakas na kalabog.
Napalingon ako sa kanan ko kung saan nagmula ang ingay ngunit ang nakita ko lamang ay ang madilim na hallway.
Nag-alinlangan pa ako bago tahakin ang daan upang hanapin ang pinagmumulan ng ingay.
Bumilis ang kabog ng dibdib ko nang makitang bukas ang pintuan ng opisina ni Lolo.
Lolo.
Nanginginig ang mga paang pinasok ko ang opisina ni Lolo. Unang hakbang pagkapasok ko ay mas bimilis ang tibok ng puso ko kahit wala akong makitang kakaiba sa loob ay may kung anong dahilan para matakot ako ng ganito.
Iginala ko ang paningin sa loob ng silid pero wala akong makitang kakaiba. Dahil siguro sa dilim ng silid. Wala si lolo sa swivel chair niya kung saan nakatutuok mismo ang nag-iisang ilaw na nagbibigay liwanag sa silid.
Nanlaki na lamang ang mga mata ko nang may marinig akong impit na sigaw. Nang lingunin ko ang pinanggalingan ng ingay ay agad kong naaninag ang dalawang imahe na nakaharap sa'kin mula sa dilim.
Pilit ko lang inaninag nasa dilim, di ako makagalaw, maging ang mga paa ko'y parang naging bato na at ang mga kamay ko ay nanginginig dahil sa sitwasyon.
Di ko alam kung sino sa dalawang imahe ang lolo ko. Halos magkasing tangkad lang sila at dahil sa dilim di ko kita ang mga mukha nila.
"A-apo" hirap na hirap na sabi ni Lolo.
Dahil doon ay nabatid kong si Lolo ang nasa bandang kanan at bahagyang nasa unahan.
Bigla ay parang himinto ang mundo ko nang makitang gilitan sa leeg ng nasa likuran ang Lolo ko.
Biglang nanlambot ang mga tuhod ko at namasa ang mga mata ko habang pinagmamasdan ang nakahandusay nang katawan ng Lolo ko.
Nang ilipat ko ang paningin ko sa taong sumaksak sa Lolo ko ay patakbo na itong sumugod sa akin at bago pa ako makasigaw ay natakpan na nito ang bibig ko at sinaksak ako sa tiyan.
Nag-init ang parteng 'yon ng katawan ko kasabay ng pagtagas ng pulang likido.
Habang unti-unti akong bumabagsak sa sahig ay napagmasdan ko pa ang hitsura ng taong sumaksak sa'kin at gumilit sa leeg ng Lolo ko.
Nakasuot siya ng itim na sumbrero na may nakaimprentang mga numerong hindi ko na mabasa. Naka-mask siyang itim na may nakaburdang puting Rosas. Ang puting rosas na nakaburda ay parang nababalutan na ng dugo. At ang lahat ng suot niya ay itim nang lahat.
Nang muling magtama ang mga mata namin ay kataka- takang lumitaw doon ang pagtataka.
Muli kong nilingon ang lolo ko at doon sunod sunod na pumatak ang mga luha ko. Nang di ko na kaya ay unti-unti nang nagsara ang mga mata ko.
"No". Bulong ng taong sumaksak sa'kin.
Pinilit kong imulat ang mga mata ko.
Who are you? Pinilit kong isatinig yun ngunit di ko na kaya. Maging sa isip ay nahihirapan na akong sabihin yun.
"We are the walking Justice". Narinig kong wika ng isa pang tao. Hinanap ko ang nagsalita. At di na ako nagtaka nang may makita pa akong isang tao na prenteng nakaupo ngayon sa swivel chair ni Lolo. "Remember that. Remember us with that."
Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay tumayo siya mula sa pagkakaupo. Kahit pa hirap na hirap na ako ay pinilit ko pa ring panoorin ang mga gagawin niya.
"We Just bring Justice on this World". Mula sa bulsa ng suit niya ay kinuha niya ang isang puting rosas at inihagis sa akin. "Rest in Peace"
Inilipat ko ang paningin sa taong sumaksak sa'kin ngunit nasa malayo na ang paningin niya. Sino kayo?!
Hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay dahil sa isa pang saksak na bumaon dibdib ko...
_jamlyrr
BINABASA MO ANG
Who Stained Us
RomancePosible bang magustohan ng taong gaya ko ang isang tulad niya? Kaya ko bang panindigan ang mantsa sa pagkatao niya? Matatapatan ba ng pagmamahal ko ang mabigat na pagkatao niya? Can i be the one suitable for her? Maybe? I can...