Ravelle's POV
"Ravy! Ravy!" Paulit ulit niya akong tinatawag sa pangalang 'yun.
Tss. Ang ganda ng pangalan ko ginagawang baduy.
Habang unti-unti akong lumalapit sa kanya ay pinakatitigan ko lang siya. Maganda siya, di ko maitatanggi 'yon. Bagay na bagay sa kanya ang uniform ng school namin at matangkad siya.
Habang hinahangin ang buhok niya ay lumilitaw ang may kahabaang leeg niya na bagay sa maliit niyang mukha.
Nang malapit na ako sa kanya ay biglang may dumaang humaharurot na sasakyan. Dahil do'n ay hinangin ang palda niya. Sa ikli no'n ay muntikan ko nang makita ang hindi dapat makita kung hindi niya ito napigilang tumaas.
Tsk.
"Ravy!" Huminto ako nang nasa tapat na ako niya. "Sabi na't makikita kita pag inabangan kita dito. Hinanap kasi kita sa school kanina, hindi kita nakita.
"Anong kailangan mo?" Walang ganang tanong ko.
"Kailangan kong bumawi sa'yo" kumapit siya sa manibela ng bisekleta ko.
"Tss. Di mo naman kailangang bumawi"
"Para sa'yo hindi. Pero ako, kailangan kong bumawi"
Inilapit niya ang mukha sa'kin, napaiwas tuloy ako.
Tss.
"Anong pagbawi ba ang gagawin mo?"
"Ah. Pano nga ba? Eh. Kung ilibre kita? San mo ba gusto?"
"Tss." Pinedal ko ang bike ko.
"Hoy!" Sigaw niya na naman.
Huminto ako. "Sakay!"
"Ha?"
Nilingon ko siya. "Sakay"
"Talaga? Papasakayin mo ulit ako diyan sa bike mo?"
"A-ayaw mo?"
"E-eto na"
Sumakay siya sa likuran ng bike ko at kumapit sa mga balikat ko. "Pakapit ah?"
"Kahapon nga kapit na kapit ka" biro ko.
"N-nabigla lang naman ako, binilisan mo kasi bigla"
Tss.
"Kumapit ka bibilisan ko"
"Ha?"
Di ko siya sinagot at sinimulan ko na lang ipedal ang bisekleta ko ng sobrang bilis.
"Ahh!" Napairit ang nasa likod ko. Bigla ay hindi ako makahinga sa higpit ng pagkakayakao niya sa tiyan ko. "Bagalan mo!"
Unti-unti kong binagalan ang pagpedal at muli siyang lumipat sa pagkakakapit sa balikat ko. "'wag mo naman akong gulatin ng gano'n"
"Sabi ko kumapit ka lang, hindi yumakap" nakangising sabi ko.
"Binigla mo kasi ako!" Napaiwas ako nang isigaw niya 'yon sa mismong tenga ko. "Pero in fairness ah, may abs ka."

BINABASA MO ANG
Who Stained Us
RomancePosible bang magustohan ng taong gaya ko ang isang tulad niya? Kaya ko bang panindigan ang mantsa sa pagkatao niya? Matatapatan ba ng pagmamahal ko ang mabigat na pagkatao niya? Can i be the one suitable for her? Maybe? I can...