Ravelle's POV
Kinabukasan nga ay nagsimula na ang paghahanda namin para sa gaganaping School Fest.
Lahat ng miyembro ng student council ay sobrang busy, at yun ang ayaw ko. Ang mapagod. Nilibot namin ang buong school para lang magtanong kung sino ang nag-paparticipate sa section nila para sa gaganaping pageant.
Nang matapos ay isinalampak ko ang sarili ko sa isang upuan sa student council office.
"Nakakapagod!" Si MarkyJan na umupo din sa isang swivel chair.
"Buti naman natapos na tayo." Sabi ko habang nakatingala sa kisame.
"Anong tapos?" Napatingin ako kay Psuedo nang magsalita ito.
"Bakit?"
"Aayusin pa natin 'yung stage at schedule. Hindi lang 'yun ang gagawin natin."
"Ano?!"
"Uulitin ko pa?"
"Tsk." Sumandal ulit ako. "Napapagod na ako."
Nasa ganon kaming sitwasyon nang dumating si Fritz. May dalang mga papel.
"Secretary!" Tawag nito. "Secretary!"
Nakadungaw na siya sa'kin maya maya. "Bakit ba?"
"Pinapaggawa ka ni Sir ng Narrative tungkol sa preparation natin. Araw araw 'yan."
"Ano?!"
"Wag kang tumutol, si Sir ang nag utos niyan. Gawin mo."
"Buwiset naman oh!"
"At saka kayo na din ang bahala dun sa poster ng Pageant. Kami na sa sash at rewards."
"Ang dami naman!"
"Hoy! Marami rin kaming ginagawa!"
"Tss."
"Sige na. Pumunta lang ako dito para sabihin sa'yo yung sa narrative report. Psue ikaw nang bahala sa dalawang 'yan." Tukoy sa'min ni Fritz.
Nang makalabas si Fritz ay tumayo si Psuedo. "Bukas na kaya natin asikasuhin 'yung stage? Yung poster na lang muna 'yung ngayon."
"Oo tama. Para dito na lang muna tayo ngayon sa loob." Pagsang-ayon ni Markyjan.
"So sino marunong maggawa? Hindi ako marunong gumamit ng Photoshop." Tanong ni Psuedo
"Sino pa ba? Edi 'yung secretary." Tiningnan ko ng masama si Markyjan. "Oh bakit? Ikaw ang taga-gawa ng mga ganyan, kaya sa'tin binigay ni Fritz yan eh kasi nandito ka."
"Tss."
"So ikaw ang maggagawa?" Lumapit si Psuedo.
"Anong ako? Tayo!" Pagtatama ko.
"Oo nga pero ikaw lang ang marunong. Mag-a- assist na lang kami."
"Ano pa nga ba? Tss."
"Good. Tara na. Simulan mo na!" Hinila niya ang braso ko patayo. Gusto kong kumawala pero nilalabanan niya.
"So pano?" Tanong niya pagkaupo ko sa harap ng desktop.

BINABASA MO ANG
Who Stained Us
RomancePosible bang magustohan ng taong gaya ko ang isang tulad niya? Kaya ko bang panindigan ang mantsa sa pagkatao niya? Matatapatan ba ng pagmamahal ko ang mabigat na pagkatao niya? Can i be the one suitable for her? Maybe? I can...