"Sige na maligo ka na." Tumayo ako at nag-unat unat.
"Gusto mo bang sa labas na tayo mag breakfast?"
Nagliwanag ang mukha niya. "Mmm."
"Sige na mag-prepare ka na." Ginulo ko ang buhok niya.
Nagtatatakbo siya paakyat ng kuwarto niya, tatawa tawang sumunod naman ako. Nang matapat ako sa pinto ni Mazelle ay naisipan kong kumatok.
"Mazelle? Gising ka na?" Tawag ko dito.
"Oh. Bukas 'yan." Binuksan ko ang pinto at sumilip. Ayun si Mazelle nakaharap sa laptop niya.
"Tuloy ba yung lakad mo?" Tanong ko dito.
"Lakad?"
"Sabi mo may lakad ka ngayong weekend?"
"Ah. Oo. Bukas pa yun."
"Edi sumama ka muna sa'min ni Hazelle ngayon, lalabas kami."
"Ah. Hindi na, kayo na lang. May tatapusin pa akong series."
"Ano ba 'yang pinapanood mo?" Sumilip ako sa laptop niya pero isinara niya ito agad.
"Wala ka na do'n!"
"Tss. Hindi ka talaga sasama?"
"Hindi nga!" Nawawala na agad siya ng pasyensya.
"Okay. Ikaw bahala." Hindi na ako nangulit. Isinara ko na lang ang pinto at pumunta sa sariling kuwarto.
Nagbihis ako ng pang alis. Simpleng T-shirt lang at white jeans. Lumabas na din ako pagkatapos at bumaba sa sala. Wala pa rin si Hazelle, mukhang pinaghahandaan niya talaga ang araw na 'to. Tiningnan ko ang wristwatch ko, mag a-alas-nuebe na.
"Sir Rav." Tinawag ako ni Ceddierick. "Sir sila po 'yung makakasama nyo ngayon."
Nasa likod ni Ceddierick ang apat na bodyguards. Talagang malalaking tao, kapwa mga naka-shades. Tuwid na tuwid ang tindig at mga naka-suit, pormal na pormal. Di mo aakalaing mga bodyguards sila.
"Ah. Sige." Wala akong masabi. Palipat lipat ang tingin ko dun sa apat na bodyguards bago tumingin kay Ceddierick.
"Sila 'yung pinaka magagaling sa lahat." Sabi pa ni Ceddierick. At hindi ata sila marunong magsalita?"
"Kuya! Kuya!" Nangibabaw ang munting tinig ni Hazelle sa buong sala. Nang lingunin ko 'to, ayun si Hazelle nagtatatakbo. Halatang excited na excited. "Kuya! Im ready!"
Ang cute ng kapatid ko. Violet lahat ng suot niya. Mula dress, sandals, pony hanggang sa bitbit niyang maliit na bag violet.
"You look gorgeous, baby girl." Tinuro ko siya at kinindatan.
"And you look awesome, kuya." Ginaya niya ako. Natawa kami ni Ceddierick habang yung apat na guards nanatiling naka poker face. Tao ba sila o Robot?
"Kuya! Ate fixed my hair for me!" Pabida nito sa buhok niya.
"Nice hair, it suits you. By the way, hindi ba talaga sasama ang ate mong 'yun?"
"I tried to convinced her, but she really don't want to."
"Ayos lang. Let's just enjoy this day. C'mon?" Inilahad ko ang kamay ko sa kanya. Itinaas naman niya ng bahagya ang palda ng dress niya at tinanggap ang kamay ko na parang prinsesa.
"Ceddierick, kayo nang bahala kay Mavelle." Paalala ko kay Ceddierick bago tuluyang lumabas ng bahay.
"Kuya, who are them?" Tukoy ni Hazelle sa mga bodyguards na nakasunod sa'min ngayon.

BINABASA MO ANG
Who Stained Us
RomancePosible bang magustohan ng taong gaya ko ang isang tulad niya? Kaya ko bang panindigan ang mantsa sa pagkatao niya? Matatapatan ba ng pagmamahal ko ang mabigat na pagkatao niya? Can i be the one suitable for her? Maybe? I can...