Chapter 03

1 0 0
                                    

Ravelle's POV

"Si Ms. Valley?" Tanong ko nang makapasok ako sa bahay.

"Hindi po siya makakapunta ngayon sir" si Ceddierick ang sumagot. Servant namin.

Nakahinha ako ng maluwag. Mabuti naman at ngayon naisipan ni Ms. Valley na umabsent.

"Bakit daw?"

"Nilagnat daw po 'yung anak niya, kailangan dalhin sa ospital"

"Ah."

Niluwagan ko yung necktie na suot ko at umupo sa pagkalaki-laking sofa sa ginta ng pagkalaki-laki naming sala.

Tumayo si Ceddierick sa harapan ko at tiningnan ang relos niya. Ayun na naman ang napakapormal niyang aura. "Mukhang ginabi ka ngayon sir ah?"

"Tss. May wirdong babaeng humarang sa'kin"

"Babae?. Wirdo?."

Ano nga bang pangalan nun?

"Ah. Wala." Inayos ko yung sapatos ko sa lagayan. "Sige na aakyat na muna ako sa kuwrto"

"Sige Sir. Tawagin ko na lang kayo mamaya pag handa na ang hapunan"

Tiningnan ko na lang siya saka umakyat sa kuwarto ko.

Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sa'kin ang madilim kong kuwarto.

Sigh.

Kinapa ko yung switch ng ilaw saka pa lang nagliwanag yung silid. Pumasok ako, basta na lang inihagis ang bag sa kama at hinubad ang uniporme.

Maya maya ay may naramdaman akong pumupulupot sa paanan ko. Nang babaan ko ito ng tingin ay nagliwanag agad ang mukha ko.

Bigla ay lumabas ang ngiti sa mukha ko at nagbago ang malungkot na mood ko. "Drift!"

Yumuko ako at binuhat yung pusa ko. Ipinantay ko siya sa mukha ko at nginitian ng abot tenga habang siya naman ay pilit na inaabot ang mukha ko.

Haha. Ang cute talaga.

Ilang segundo ko pa siyang binuhat bago inilapag sa kama at doon muling hinaplos haplos ang balahibo niya.

Haha. Ang cute!

"Kumusta ang araw mo Drift? May mga nabingwit ka bang chicks ngayon? Ha?" Kinausap ko yung pusa.

Siyempre, hindi siya sumagot. Nakatingin lang siya sakin, bilog na bilog ang mga mata niyang hazel brown.

Ang cute!

Pinanggigilan ko pa siya. Bahagya ko pang binilisan ang paghagod sa balahibo niya.

Nang makuntento ako ay humiga ako sa kama habang nasa batok ang pareho kong mga kamay. Pinikit ko ang mga mata ko, gusto ko munang umidlip.

Maya maya ay may naramdaman akong pumatong sa dibdib ko. Pagmulat ko, ayun si Drift nakatunghay sa mukha ko. Napangiti na lang ako.

"Anong problema mo?". Nakanguso kong tanong kay Drift.

Hindi siya sumagot. Pumikit lang siya at natulog sa dibdib ko.

Di ko alam kung bakit biglang sumagi sa isip ko yung wirdong babae kanina.

Tsk. Nakailan yung babaeng 'yun sa'kin ah.

Who Stained UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon