Ravelle's POV
Nakakailang pedal pa lang ako nang marinig ko na naman ang boses ng babaeng yon.
"Hoy, teka lang!" Sigaw niya pero patuloy pa rin ako sa pagpedal. Wala na akong balak na magpagod para sa kanya.
"Hoy, Mr. Cute!" Sa tono ng pananalita niya ay mukhang hinahabol niya ako. Hindi naman ganon kabilis ang pagpedal ko dahil ang pagod na nakuha ko sa paghabol sa bata kanina ay ramdam ko pa.
Tss. Bahala ka diyan.
"Mr. Cute. Ah-" napasigaw siya.
Dahil do'n ay napahinto ako at nilingon siya. Hindi naman siya nadapa pero mukhang nakabunggo siya ng tao.
Tss.
"Miss. Mag-ingat ka naman. Baka mapano 'tong anak ko oh!" Anang babaeng nabunggo niya.
"Sorry po. Pasensya na" paumanhin niya sa nabunggo habang nakayuko pa.
Ilang segundo pa siyang nakayuko bago nagtuloy sa paglalakad ang babaeng nabunggo niya.
Nang mag-angat ng tingin ang wirdong babae ay nagtama agad ang mga mata namin.
Tss.
Haharap na sana muli ako nang manlaki ang mga mata ko dahil patakbo siyang sumugod sa akin na parang ninja.
"Huli ka!" Nangunot naman ang noo ko nang kunin niya ang kamay ko. "Tara!"
Anong tara?!
"Hoy! Hoy! Sa'n mo'ko dadalhin?! Anong tara?!" Binawi ko sa kanya ang kamay ko.
Nang tingnan ko siya ay nakatingin siya sa kamay ko na kanina ay hawak niya bago nag-angat ng tingin sa'kin at mataray na namaywang.
"Sumama ka na lang!" Kinuha niyang muli ang kamay ko saka sapilitang hinila.
Pinigilan ko siya. "Teka lang. Sa'n mo ba ako dadalhin?! Ha?!"
"Kakain lang tayo"
"Teka lang. Pumayag ba ako?!"
"Hinde. Kaya nga sapilitan na kitang isasama."
Iba din ang kapal ng mukha nito ah!
"Yung bisekleta ko!" Tinuro ko yung bike ko.
"Um.." aniya na parang may iniisip.
"Boy!. Boy!." Pagtawag niya sa isang batang nakatambay malapit sa bike ko.
"Pakibantayan lang 'yang bike na 'yan" sabi niya sa bata habang nakaturo sa bike ko. "Mayaman ang may-ari niyan. Bibigyan ka niya mamaya ng malaki basta bantayan mo lang 'yan habang hindi pa siya bumabalik."
Kinunotan ko siya ng noo. "Ayokong gumastos!"
"Maliit na halaga lang naman!" Kinindatan niya pa ako. "Tara Na!" Hinila niya na naman ako.
"Sa'n mo pa kasi ako dadalhin?!"
"Diyan lang! Malapit lang naman."

BINABASA MO ANG
Who Stained Us
RomancePosible bang magustohan ng taong gaya ko ang isang tulad niya? Kaya ko bang panindigan ang mantsa sa pagkatao niya? Matatapatan ba ng pagmamahal ko ang mabigat na pagkatao niya? Can i be the one suitable for her? Maybe? I can...