Chapter 06

1 0 0
                                    

Ravelle's POV

"Rav! Son!" Nilingon ko ang kitchen kung saan nanggaling ang pamilyar na boses. "Anak!"

"Mom" hindi makapaniwalang usal ko.

"Honey!" Masayang sabi ni mommy bago patakbong lumapit sa akin at ginawaran ako ng mahigpit na yakap.

"Mom? You're here?"

"Ayaw mo bang nandito si mommy?"

"No. It's not that. It's just that... You're really here? Hindi kayo nagsabi?"

"Biglaan din son. Nang mabalitaan namin kanina ng daddy mo ang nangyari kay Gov, kumuha agad kami ng ticket pauwi."

"Ah. Where's dad?"

Di pa man nakakasagot si Mommy ay natanaw ko na si daddy sa hagdan, buhat buhat si Hazelle kasama si Mazelle. Sandali akong humiwalay kay Mommy para lumapit kay daddy.

"Dad." Salubong ko dito.

"Oh. Ravelle" bahagya niya akong niyakap at muling binalingan ng tingin ang mga kapatid ko.

"Daddy, I always got the highest score in every subjects." Pagmamalaki ni Hazelle.

"That's my girl. Keep up!"

"Yes daddy!"

"How. 'bout you Mazelle? How's your studdies?"

"Completely fine, dad."

Napabuntong hininga na lang ako. Naramdaman ko na lang na lumapit sa'kin si Mommy at hinawakan ako sa braso.

"I know you're doing your best at school, honey." Hinawi hawi niya ang buhok ko.

"Are you proud of me?" Wala sa sarili tanong.

Natigilan ng bahagya si mommy. "Off course honey, I'm so proud of having a son like you."

Pilit akong ngumiti. "How 'bout dad? Do you think he feels the same too?"

Matagal bago nakasagot si Mommy. "He's not that showy. But I know he feels the way as I am for you. Trust me" alam kong sinasabi niya lang 'yon para hindi ako mag-isip pa ng kung ano-ano.

"I'll just go to my room." Paalam ko.

"Okay honey. Tawagin na lang kita for dinner."

"Mmm." Humalik ako sa pisngi niya. Umakyat ako at pumasok ako sa kuwarto. Wala do'n si Drift.

Saan naman kaya nagsuot ang pusang 'yon? Gabi na.

Nagbihis lang ako sandali at nagligpit ng gamit. Maya maya ay bumaba din ako agad.

"Oh, honey. Hindi pa ready ang dinner, bumaba ka agad?" Si mommy na kasalukuyang tumutulong kay Nanay Lisa sa paghahanda ng hapunan.

"Wala naman akong gagawin sa kuwarto." Lumapit ako sa kanila at tumulong sa paglalagay ng mga kutsara at tinidor sa tabi ng mga plato. "Saka minsan ko lang makasama ang Mommy ko, susulitin ko na."

"Ang sweet naman talaga ng anak ko." Kinurot niya ang pisngi ko.

"Mom! 'wag 'yan!" Reklamo ko.

"Dati lang tuwang tuwa ka kapag kinukurot kurot ko yang mga pisngi mo." Natatawang sabi ni Mommy. "Pisngi sa mukha at pisngi sa pw-"

Who Stained UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon