Ravelle's POV
Mabilis na natapos ang linggo nang nasa loob lang kami ng bahay. Hindi daw natuloy 'yung lakad ni Mazelle kaya nagkulong lang siya sa kuwarto niya buong araw.
Naglaro kami ni Hazelle ng kung ano anong board at computer games. Syempre, di siya mapirmi pag walang ginagawa.
Ngayon ay lunes na naman, maaga akong nagising para pumasok ng school. Sakay ulit nung pinakamahal kong bisekleta at tinahak ko ang daan papuntang school. Hindi na ako nagsama ng mga bodyguards, para naman akong ewan kung maging sa school ay kasama ko sila, ano na lang ang iisipin ng mga kaibigan ko. Saka ligtas naman sa school, maraming bantay mapaloob at labas.
Naglalakad ako papasok nang. "Ravy! Ravy!" Napapikit na lang ako nang marinig na naman ang boses na 'yon mula sa likod ko.
Nagtuloy lang ako sa paglalakad at hindi lumingon. Maya maya lang din naman ay nasa tabi ko na siya, mula sa peripheral vision ko nakita ko siyang nakatunghay sa'kin, parang tanga. Hindi na ako nag-abalang lingunin siya.
"Ravy! Pasabay ha?!" Paalam pa nito. "Huy! Ravy!" Hinawi hawi niya ang paningin ko.
"Can you stop calling me by that?! Nakakahiya ka!" Singhal ko.
"Ay sorry naman! Di mo naman agad sinabi. Ravelle Lyrr." Nilandian niya 'yung pagkakasabi ng pangalan ko, hindi bagay!
"Tigilan mo nga!" Pagsusungit ko pa rin.
"Ganyan ka ba talaga tuwing umaga? Ang sungit!"
"Pake mo?!"
"May mens ka no?" Nilingon ko siya.
"Mens?! What the?!"
"Alam mo yun? Every month. Yung mga dugong lumalabas sayo."
"Kadiri ka!" Inunahan ko siya.
"Huy! Ravy!" Humabol na naman siya.
"Pasabay lang. Di ko kasi alam kung ano 'yung magiging tingin sa'kin ng mga estudyante dito matapos nilang marinig 'yung balitang ipinakalat ni tita tungkol sa'kin."
"Don't worry. Hindi halos naniniwala ang lahat ng estudyante dito na maggagawa mo 'yun."
"Really? How did you know?"
"I needed someone like you in my life." Pakanta kong sagot.
"Ha. Ha. Ha. Ayos ka din eh no? Magsusungit sungit ka tapos. Hihirit ka ng ganyan."
"Di ka ba nag-o-online? Suportado ka ng lahat sa social media." Sagot ko sa tanong niya. Kung di rin naman sinabi ni Railey sakin 'yun. Hindi ko malalaman.
"Really?" Tumango tango lang ako. "Eh. Ikaw naniniwala ka ba sa'kin?"
Tiningnan ko lang siya, yung malalim. "Hindi naman siguro ako magkakamali ng paniniwala sa'yo diba?"
"I don't need to convince someone to believe me. Sapat na 'yung may naniniwala sa'kin."
"I believe in you then."
Nakita kong natulala siya sa'kin. Tss.
"Psuedo!" May tumawag kay Psuedo. Isang lalaki. "Alam kong hindi mo magagawa 'yon."
BINABASA MO ANG
Who Stained Us
RomansaPosible bang magustohan ng taong gaya ko ang isang tulad niya? Kaya ko bang panindigan ang mantsa sa pagkatao niya? Matatapatan ba ng pagmamahal ko ang mabigat na pagkatao niya? Can i be the one suitable for her? Maybe? I can...