Ravelle's POV
Pagkapasok ko ng bahay ay bumungad sa'kin si Ms. Valley.
Buhay pa pala siya?.. Napailing na lang ako sa tanong ko sa isip.
"Oh. Ravelle nandito ka na pala. Magbihis ka na para makapagsimula ma tayo." Si Ms. Valley na kasalukuyang namimili ng piyesang ituturo sa'kin.
"Ah opo. Magaling na po ang anak nyo?" Tanong ko habang paakyat ng hagdan.
"Oo. Maayos na ang lagay niya. Pasyensya ka na ilang araw tuloy akong hindi nakapagturo sa'yo."
"Ayos lang po." Ayos na ayos.
Umakyat na ako ng kuwarto. Pagkapasok ay isinalampak ko muna ang sarili ko sa kama. Akala ko makakapagpahinga na ako.
Bumangon din agad ako at nagbihis. Pagbaba ay nag-aabang na si Ms. Valley sa tabi ng piano. Lumapit ako at umupo.
"Here." Iniabot niya sakin ang piyesang tutugtugin ko. "Ode to Joy by Beethoven."
Natugtog ko na 'to noon kaya pamilyar na sa'kin. Madali na lang 'to.
May iilang napuna si Ms. Valley sa pagtugtog ko na inilinaw naman niya. Ang totoo marunong na naman ako umaral ng mga nota, kaya ko na din tugtugin ang isang kanta kapag narinig ko na, hindi ko nga alam kung bakit nag-aaral pa ako eh.
Maaga kaming natapos. Kaya maaga din akong nakapagpahinga. Pumasok ako sa kuwarto at ginawa 'yung lintik na narrative report kuno.
Habang nagta-type ako sa laptop ay pumasok si Hazelle.
"Kuya. Can you help me with this?.." natawa na lang ako dahil nahihiya pa siya habang sinasabi 'yun.
"Sure babygirl. Come here." Lumapit siya at inabot sa'kin ang notebook niya. Itinuro ko kung pano gagawin yun at siya ang pinag sagot ko. Nakuha niya naman agad kaya madali siyang natapos.
Nang lumabas si Hazelle ay pinagpatuloy ko ang ginagawa ko, maya maya lang ay tumalon si Drift mula sa bintana at nanggulo sa ginagawa ko. Nagpalakad lakad siya mga keyboard kaya kung ano ano na ang nasa narrative na ginagawa ko.
Huminto muna ako at nilaro ang pusa hanggang sa makatulog, saka ko pala muli napagpatuloy ang ginagawa.
Tinawag ako para sa dinner. Halos kaunti lang ang kinain ko para matapos agad, nang makabalik ako sa ginagawa ay binilisan ko na 'to para matapos agad.
Kinabukasan ay maaga akong pumasok, gaya ng inaasahan pagkapasok ko pa lang ay busy na mga estudyante ang bumungad sa'kin.
Dumiretso na agad ako sa Student Council office at ibinigay kay Mr. Cornelio ang pinapaggawa niyang Narrative report.
"Ravy!" Ang lakas agad ng boses niya, ang aga aga.
Hinarap ko siya at tiningnan ng malalim. "Ang ingay mo."
"Di ka pa rin sanay?" Tumawa pa siya.
"Malapit na." Natatawa ding ani ko.
"Pala naman eh. Halika na! Marami pa tayong gagawin". Lumapit siya sa'kin at hinila ako sa braso.
"Nasasanay ka na kakakapit sa'kin ah." Mapanlokong ani ko.
Pabagsak niyang binitiwan ang braso ko. "Edi 'wag!"
"Ito naman. Oh!" Iniabot ko sa kanya ang braso ko. Pero di niya na 'yon pinansin.
BINABASA MO ANG
Who Stained Us
RomancePosible bang magustohan ng taong gaya ko ang isang tulad niya? Kaya ko bang panindigan ang mantsa sa pagkatao niya? Matatapatan ba ng pagmamahal ko ang mabigat na pagkatao niya? Can i be the one suitable for her? Maybe? I can...