Ravelle's POV
Ang buong atensyon ko ay na'kay Psuedo pa rin, umupo kami sa bandang likuran kaya alam kong hindi niya pa ako nakikita. Nakatingin lang siya sa malaking portrait ni Governor Caraig.
Bakit naman ikaw ang tinuturo nilang pumatay sa tito mo? Maggagawa mo ba 'yun?
Gusto ko siyang puntahan at kausapin pero may pumipigil sa'kin. Saka ayaw kong lumayo sa mga kapatid ko. Maya maya lang ay may lumabas na babae sa isang pintuan sa loob, mugtong mugto ang mga mata. Kung di ako nagkakamali siya ang esposa ng Gobernador.
Lalapit sana dito si mommy nang sa di inaasahan ay bigla itong sumigaw. "Ikaw!" Dinuro nito si Psuedo. "Ang kapal ng mukha mo! Bakit nandito ka pa?!"
Galit na galit ito. Halos magsilabasan na ang lahat ng ugat sa leeg at sa sentido. Gusto niyang sugurin si Psuedo pero pinipigilan siya ng anak. "Ang kapal ng mukha mong matapos mong patayin ang asawa ko, magpapakita ka pa dito?!"
"Ma! Tama na. Nakakahiya sa kanila." Awat ng anak na lalaki sa ina bago binalingan ng tingin si Psuedo. "Bakit ba kasi nandito ka pa?!"
"Alam kong malaki ang galit mo sa asawa ko!" Pagpapatuloy pa ni Mrs. Caraig. "Ikaw! Ikaw ang pumatay sa kanya! Bumalik ka dito para patayin siya!"
Galit na galit si Mrs. Caraig pero parang bale-wala lang 'yun kay Psuedo. Prente pa rin siyang nakaupo habang nakapandikwatrong pambabae at naka-krus ang mga braso.
"Umalis ka na!" Nakawala sa pagkakahawak ng anak si Mrs. Caraig at patakbo itong sumugod kay Psuedo. Pero bago makadapo ang mga kamay niya kay Psue ay biglang tumayo si Psuedo kaya sumubsob ang mukha niya sa kaninang kinauupuan ni Psuedo. "Hayop ka!"
Sasampalin na sana ng ginang si Psuedo nang nasalo ni Psuedo ang kamay nito. "Hindi nga po ako ang pumatay sa asawa nyo tita. Kung ayaw nyong maniwala, paimbestigahan nyo ako hindi 'yong nailabas nyo agad sa pres."
"Wag ka nang magsalita!" Kumakawala ulit si Mrs. Caraig sa pagkakahawak ng anak pero hindi na siya binitawan nito.
"Waaah!" Nagulantang ang lahat sa isang malakas na sigaw ng isang babae mula sa labas. Maging si Mrs. Caraig ay nahinto sa pagwawala. Nagkagulo ang lahat, umugong ang bulungan. May mga pulis na nagsilabasan mula sa kung saan pinapakalma ang tensyon na namuo sa buong mansyon.
"Mahaaaal!" May narinig muli kaming humahagugol na sigaw mula sa labas. Unti-unting naglabasan ang mga tao papunta sa likod ng mansyon kung saan nagmumula ang sigaw. Pinipigilan sila ng mga pulis pero wala ding naggawa ang mga ito.
Di ko napigilan ang mga paa ko na sumunod sa mga ito. Madilim sa likod ng Mansyon, may nga ilang puno pero liwanag lang sa loob ng mansyon ang nagbibigay liwanag dito.
"Oh, my God."
"What happened?"
"Sa tingin mo yung pinagbibintangan ni Mrs. Caraig ang gumawa nito?"
"No. That can't be. Hindi umalis 'yung babaeng yun sa kinauupuan niya."
"Whay the hell is happening in this world?"
Dinig kong usapan ng dalawang ginang sa paligid. Nakisingit ako sa mga tao do'n para malaman kung ano ang nangyayari.
Nang makapunta ako sa unahan ay naitakip ko na lang ang isa kong kamay da bibig. Kahabag-habag ang nakikita ko ngayon. Di ko alalaing isa ako sa magiging saksi sa karumal dumal na krimeng ito.

BINABASA MO ANG
Who Stained Us
Storie d'amorePosible bang magustohan ng taong gaya ko ang isang tulad niya? Kaya ko bang panindigan ang mantsa sa pagkatao niya? Matatapatan ba ng pagmamahal ko ang mabigat na pagkatao niya? Can i be the one suitable for her? Maybe? I can...