Ravelle's POV
"Okay. Everyone is here" si Mr. Cornelio.
Umupo ako sa puwesto ko. Kumpleto na ang lahat ng officers ng student council. Ako pa nga ang nahuli.
Ang atensyon ko ay nandun sa babaeng wirdo. Anong ginagawa ng isang 'yan dito?
Pa letter 'U' ang mesa dito sa meeting hall kaya kitang kita ko lahat ng kaharap ko.
"Okay. Guys. Attention" si Mr. Cornelio na nasa gitna ngayon. "Pinatawag ko kayo ngayon para ipakilala sa inyo ang magiging bago niyong miyembro."
Itinuro niya 'yung babaeng wirdo, pinapatayo. Tumayo naman ito habang ngiting ngiti. "This is Pseudo Rosé Sahankai"
"Hi. Hi. Hi" kumaway kaway yung wirdong babae sa'min.
"She's a new transferee in our school. Today is her first day and she's already elected as a representative of her level. Makakasama niyo na siya sa Student Council simula ngayon"
"Hi. Hi. I'm Pseudo Rosé Sahankai. You can call me Psue, for short. I hope to be friends with all of you" yumuko siya sa harap namin.
"'Yan lang po ba ang dahilan kung bakit niyo kami pinatawag?" Tanong ko kay Mr. Cornelio.
"Rav!" Saway sa'kin ni Fritz. President ng student council.
Tss.
"Ah. Isa pa , malapit na yung School Festival na dinaraos naman talaga natin taon-taon. Pero ngayong taon kailangan maganda pa sa maganda ang event na'to. Dahil ngayong taon ang ika- 50 na anibersaryo ng paaralan natin at kayo..." Itinuro niya kami. "Kayo ang inaasahan kong mamumuno dito"
"Tsk. Trabaho na naman 'to" bulong ko.
"May sinasabi ka Mr. Azull?"
"Wala po" walang ganang sagot ko.
"Reklamo? May reklamo ka?"
"Wala po. Kayang kaya po namin 'yan." Pinagdikit ko yung dulo ng hintuturo at hinlalaki ko at pinakita sa kanya.
"Good. Aasahan ko kayo"
Tumayo na agad ako pagkasabi non ni Mr. Cornelio. "Oh. Mr. Azull, sa'n ka pupunta?"
Tinuro ko lang ang pinto palabas. "Hindi pa nga kayo nag-uusap usap kung ano ang plano plano niyo. Aalis ka na? Hinde. Umupo ka diyan. Tumulong kang mag-isip."
Tss. Wala naman siyang sinabing ngayon na mag-uusap usap.
Wala akong nagawa kundi ang umupo ulit at maghalukipkip. Nang tingnan ko ang gawi nung babaeng wirdo ay nakangiti na ito sa'kin at kumakaway kaway pa.
Tss. Wirdo.
"Okay. Magsimula na tayo. Para makabalik na tayo agad sa mga klase natin" lumipat kay Fritz ang paningin ko nang magsalita ito. "Tulad ng dati. Share your ideas tayo. Ilalabas natin yung laman ng isip natin tapos saka natin pagdesisyunan ang gagawin natin."
BINABASA MO ANG
Who Stained Us
Roman d'amourPosible bang magustohan ng taong gaya ko ang isang tulad niya? Kaya ko bang panindigan ang mantsa sa pagkatao niya? Matatapatan ba ng pagmamahal ko ang mabigat na pagkatao niya? Can i be the one suitable for her? Maybe? I can...