Ravelle's POV
Sa wakas tumunog na ang bell. Hudyat ng pagtatapos ng klase ngayong araw.
"Rav, mauuna ka na naman?" Si Clark. close friend ko.
"Yah. Yah. May piano lesson pa ako kay Ms. Valley." sagot ko habang inaayos ang mga gamit ko.
"Mukhang nag-eenjoy ka diyan ah?. Baka naman type mo 'yang si Ms. Valley?" Si Railey. Isa ko pang kaibigan na ngayon ay nakaakbay na sa'kin.
"Brad. Six years ang tanda sa'kin nun. Alam mo yun?" Singhal ko.
"Age is just a number brad. Alam mo yun?"
"Oo. At ayaw ko ng mga bagay na may kinalaman sa math."
"Nako Rail. Hayaan mo na yang kaibigan natin. Baka madala yan sa sinasabi mo at kay Ms. Valley niya magamit yung mga daliri niya imbes na sa piano." Si Clark kay Railey. Nagtawanan ang dalawa.
Sinamaan ko naman ng tingin si Clark. "Alam mo Clark. 'wag mo ko igaya sayo na malikot ang mga daliri at kung saan saan sumusuot"
Tss.
"Oh easy brad. Binibiro lang eh"
"Sige na mauna na ako. Ingat kayo pauwi" paalam ko.
"Ingat Piano Boy" pahabol pa ni Railey. Napapabuntong hiningang napailing ako.
Di ko na lang sila nilingon. Dumiretso ako sa locker. Inayos ang mga gamit at saka naglakad palabas ng school.
Sakay ng bisekleta ko, tinahak ko ang daan pauwi. May kotse ako pero mas gusto kong gumamit ng bike. Di naman kalayuan ang bahay ko sa school na pinapasukan ko. Bukod don ay magagandang tanawin ang nakikita ko habang nasa daan. Mga puno. Lawa. Isang tulay na nasa ibabaw ng malapad na ilog kung saan minsan ko nang pinanood ang paglubog ng araw.
Huminto ako sa isang bakery shop na madalas ko ding daanan bago umuwi.
"Tulad ng dati sir?" Tanong ng tindera.
Tinanguan ko lang siya at nginitian ng matamis. Pagkabalot ng binili ko ay lumabas na ako ng bakery shop at muling sumakay sa bisekleta ko.
Kagat kagat ang isang tinapay ay pinedal kong muli ang bisekleta ko pauwi.
Sa isang intersection ay biglang may dumaang bata sa harap ko. Mabuti na lamang ay nakapreno agad ako.
Muli kong pinedal ang bisekleta nang may humarang namang babae sa akin. Nakaharang ang dalawang kamay sa akin habang nakapikit.
Tss. Ano bang problema ng mga tao ngayon? Mabuti na lang malakas ang preno ng bike ko. Tss.
Unti unti siyang nagmulat. Halata sa mukha niya ang pag-aalala."A-ano. Please. Tulungan mo ako. Y-yung bata."
Sandali pa siyang naghabol ng hininga.
"Y-yung bata. Kinuha yung wallet ko."
Mukhang yung batang tumakbo sa harapan ko kanina ang tinutukoy niya. Tiningnan ko pa siya. Halata talaga ang pag-aalala sa mukha niya. Nakikiusap ang mga mata niya. Kung ano mang halaga ang laman ng wallet niya ay mukhang mahalaga sa kanya.
BINABASA MO ANG
Who Stained Us
RomancePosible bang magustohan ng taong gaya ko ang isang tulad niya? Kaya ko bang panindigan ang mantsa sa pagkatao niya? Matatapatan ba ng pagmamahal ko ang mabigat na pagkatao niya? Can i be the one suitable for her? Maybe? I can...