chapter 3

166 15 30
                                    


Rhys POV

Malapit nako samin ng may biglang tumawag sakin,  nang galing dun sa sasakyan na lumabas sa street namin.

Lumingon naman ako at nakita si cholo, isa sa mga kaklase ko, whoa ibang klase to, natandaan agad ako ah.

Saad ko sa isip ko at napangisi.

"Oh cholo? Bat nandito ka?" Tanong ko sakanya

"Sinundo ko yung kapatid ko, Tara uuwi kana ba? Sabay kana samin, San village nyo?"

Saad nito

Ngumiti naman ako sakanya, pinag sasabi nito?

"Wag na, malapit lang bahay namin dito" saad ko sakanya

"Nah it's okay, sa Walters condominium ka? Malapit lang yun dito yun, Tara na ihatid kana namin"

saad nya ulit. Hala sya, akala ba nya mayaman ako? Hahaha condo pa, ni pambili nga ng cellphone wala ako, condo pa kaya.

"Ano kase-" Hindi pa tapos ang sasabihin ko ng biglang nag salita ang kasama ni cholo

"Okay lang yan kuya, Sabay kana samin" saad naman nito.

Ngumiti naman ako sakanila saka naiiling na binuksan ang pintuan sa tabi ni cholo.

" so anong ginagawa mo kanina sa Callan Street? " tanong ni cholo sakin

"I li-" and again, his sister cut me off.

"Kuya cholo really hate that place, puro squatters daw kasi mga nandun"

saad pa nito sakin, oh squatters huh?

"Shh! Dani! Ang ingay mo!" Bulyaw naman ni cholo sa kapatid nya

Tumingin naman si cholo sakin saka ako  nginitian.

"Pag pasensyahan Mona si Danica, mahilig talagang maki Alam yan"
Saad nito sakin

Tumango naman ako sakanya.

"Okay lang, Pero bat ayaw mo sa callan?" Tanong ko rito.

Tumawa naman ito bago nag salita. Just like Matthew, mahilig rin pala syang tumawa.

"Marami kasing mag nanakaw dun, at isa pa, diba dun maraming krimen? Palibhasa kasi mga squatters, mga wala silang manners, at isa pa ang dudumi nila"

saad nito na syang ikina gulat ko, grabe madumi talaga?, Hindi naman lahat, at isa pa mababait naman ang mga tao dun, Hindi naman kasi maiiwasan na mag karon ng pag nanakaw, Pero grabe naman yung nilalahat nya.

Mga mayayaman talaga, grabe kung mang husga.

tumingin naman ako sakanya.

"Oh ganun ba?" Saad ko saka ngumisi.

"Nandito na pala tayo, kita nalang tayo sa school bukas" saad ko ulit at bumaba na ng sasakyan.

"Thank you!" Saad ko sakanila saka kumaway, tinanguan lang naman nya ko at umalis na.

Mag lalakad pa tuloy ako! Bat ba kasi ang bait ko? Hayst.

Habang nag lalakad ULIT ako pauwi ay may nadaanan naman akong nag titinda ng kakanin.

"Mag kano po?" Tanong ko sa nag titinda.

"Sampung piso isa" saad naman nito.

Kinuha ko naman ang wallet ko, at tinignan ito.

Bente pesos nalang pala ang laman.
Napa buntong  hininga nalang ako, kelangan kona yatang mag dagdag ng part time job.

Ngumiti naman ako sa tindera.

He's into Him (against the universe #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon