Chapter 5

137 13 23
                                    

Patapos na kami ni cholo ng biglang mag ring ang cellphone nya.

Sinagot naman nya ito.

"Babe? What's wrong?" Saad nito sa kausap.

Babe? Sus ano yun biik?

"Lunch break namin ngayon,  nasa café ako near our school"

"Okay, okay, I'll pick you up later, after class. What-? No, just wait me in your school I'll pick you up"

"Bye, I love you too" muling saad nito bago ibinaba ang cellphone.

"Sorry, that's my girlfriend maurize" saad nito na may ngiti sa labi.

"Okay lang" saad ko sakanya at nag patuloy na sa pag tuturo.

Pag katapos ko syang turuan ay nag aya naman sya mag punta muna kami saglit sa SM downtown.

Tumango nalang ako sakanya.

"Anong bibilhin mo?" Tanong ko sakanya.

"Make up kit? Shirt? I don't know, Basta bibilhin ko ang magugustuhan ko"

Saad nito, tinaasan ko naman sya ng kilay.

"Make up kit?" Pag uulit  ko sa sinabi nya.

Tumango naman ito.

"For my girlfriend" saad nya saka nag patuloy na sa pag lalakad.

Habang nag lalakad kami ay Hindi ko maiwasang mapatingin sa mga tao sa paligid namin.

Marahil ay ngayon lang din sila naka kita ng living anime na nag lalakad.

Yes, para sakin isang totoong anime ni cholo.

Yun nga lang ay singkit ang kanyang mga mata.

Huminto naman kami sa isang store.

Puro pampaganda ang nandito.

Noong isang linggo ay nag punta kami ni Hannah dito, bibilhin ko sana yung Korean mask na nakita ko, kaso  kulang naman ang pera ko.

Kumuha naman si cholo ng isang maliit na basket. At nag Simula ng pumili ng mga make up.

"Dapat ay si kira at Hannah ang isinama mo dito" saad ko sakanya.

"Nah, okay lang. Lagi ko namang binibilhan si maurize ng ganito. Kaya Sabay na ako" saad pa nito saka inilagay ang make up cleanser sa basket na hawak nya.

Napailing nalang talaga ako.
Pag ako nag ka girlfriend dapat street food lang ay okay lang sakanya. Kailangan matipid syempre.

Dahil mabubusog naman sya sa pag mamahal ko.

"Okay na siguro to" saad ni cholo, Sabay pakita sakin ng basket na hawak nya.  Punong puno ito. Literal na puno.

Huh! Ibang klase talaga.

"Wala kabang  bibilhin?" Tanong pa nito sakin

"Wala naman" saad ko lang sakanya.

"Sure ka?" Tanong ulit nito.

Tumango naman ako sakanya.

"Okay" saad nito saka nag punta na sa counter.

Hula ko ay mahigit 3,000 ang pinabili nya. Ang mamahal naman kasi

Lumabas nalang ako ng store para doon sya hintayin.

"Rhys?"  Napalingon naman ako sa tumawag sakin.

It's Thea,the girl who broke my heart so many times.

Hindi ko sya ex, naka fling lang. Dati ko syang niligawan pero nung may nanligaw din sakanya na mayaman,

Ano paba ang ini-expect ko? Syempre pinili nya yung may kotse.

Well that's life,mas  pipilin kung saan ang mas madali.

"Rhys" tawag ulit nito.
This time ay nginitian ko na sya.

"Kamusta kana? It's been 2 years ng huli tayong nag kita" saad nito Sabay balik sa aking pisngi.

Sa gulat ko ay napa atras naman ako.

"Oh!  Sorry " saad pa nito saka tumawa " nasanay lang ako, ganyan kasi tayo dati" saad pa nya.

"Dati  yun, past na, wag monang balikan" saad ko sakanya.

Mag sasalita pa sana sya ng may biglang tumapik sa balikat ko.

Pag lingon ko naman ay nakita ko si cholo na seryoso ang mukha na naka tingin Kay Thea.

"Hi? Kaibigan ka ni Rhys?", tanong ni thea sakanya, na parang Hindi natatakot sa titig sakanya ni cholo.

Tumango lang naman si cholo dito.

" great, I'm Rhys friends too. Diba Rhys?" Saad nito saka tumingin sakin.

"Hmm, mauna na kami. See you when I see you" saad ko sakanya saka hinila na si cholo palayo.

Nang masiguro ko na nakalayo na kami Kay thea ay saka lang ako huminto.

"Ah Rhys?" Saad ni cholo
Lumingon naman ako sakanya at itinaas ang dalawang kilay.

"Yung ano ko" saad nito.

"Ah?" Naguguluhang tanong ko.

Nakita Kong lumunok muna ito bago muling nag salita.

"Ahmm, yung kamay ko, baka pwedeng paki bitawan na" saad nito saka ngumiti ng tipid.

Sa gulat ko ay agad ko namang binitawan ang kamay nya at dumistansya kaagad sakanya.

CHOLO POV

Palabas nako ng Watson's ng mahagip ng mata ko si Rhys.

Naalala ko na gusto pala nya yung Korean mask.dahil kanina pa nya ito tinitignan.

Kaya naman binalikan ko ulit ang lalagyan ng mga mask, at  kumuha ng tatlo.

Pag katapos ay nag bayad nako.

Malapit nako sa labas ng Watson's ng mapansin ko na may kausap na babae si Rhys.

Matangkad na mestiza. Lalapitan kona sana sila ng biglang halikan nung kausap nya si Rhys.

Nag salubong naman ang kilay ko dahil dun.

Girlfriend ba nya yun? PDA masyado. At isa pa Hindi sila bagay, masyadong gwapo si Rhys para sakanya.

He's into Him (against the universe #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon