chapter 26

111 10 28
                                    

"Thank you po sa pa breakfast, ang sarap nyo po mag luto" puri ni cholo Kay Lola.

"Walang anuman hijo"

Tumingin naman sakin si cholo bago muling nag salita

"Hmm, ano po kase... Isasama kopo Sana sila Rhys at aliyah sa mall, iyon ay kung papayag  po kayo"

Gulat na napatingin naman ako Kay cholo.

Anong gagawin namin sa mall?

"Aba'y oo naman, sandali lang at paliliguan ko muna si aliyah, siguradong matutuwa ang bata nayon"

Saad ni lola, saka pumasok ng kwarto para tignan si aliyah.

"Anong gagawin natin sa mall?" Tanong ko sakanya

Ngumiti naman Ito sakin saka bumulong.

"I'll buy something important" saad nito ng may ngiti parin sa labi.

Inismiran ko nalang sya.

This guys, will the reason Kung bakit maaga akong mamatay sa kilig! Napaka gwapo Naman kase!

Sana all!

PAG dating namin sa mall, mababakas sa mukha ni aliyah ang excitement.

"Kuya sa jollibee tayo kakain ah"  Saad nito, habang buhat buhat ko sya.

Tumango Naman ako sakanya.

"Yey!"

"Aliyah? Do you Want toys?" Tanong naman ni cholo sakanya.

"Laruan po?"

"Yes"

"Opo, gusto kopo" tumingin naman sakin si aliyah saka muling ibinalik ang tingin Kay cholo

"Pero isa lang po, sabi kasi ni kuya bad daw kapag nag papabili ng gamit sa iba" magiliw na saad nito

"It's okay, you can buy all the toys that you want, I'll pay for it" saad ni cholo saka ginulo ang buhok ni aliyah.

Tumatawang pumalapak naman si aliyah,

"Babayaran kita pag nag sweldo nako" saad ko Kay cholo.

Kumonot naman ang noo nya dahil sa sinabi ko

"Why? No need to payback, nag tatrabaho ka parin sa resto ni kuya?" Marahang tanong nito

"Hmm, weekends lang ang pasok ko dun"

"Maayos naman ba ang trato sayo ni kuya?"

Napatingin naman ako sakanya

Saka nag tatakang sumagot

"Oo naman, bakit ba?"  Tanong ko rito

"Wala naman"


Sa toy store kaagad kami dumiretcho.

"Aliyah? Go and choose everything you want" saad ni cholo.

Masiglang tumabko naman si aliyah para mag hanap ng laruan.

Sinundan ko naman Ito.

"Aliyah wag kang malikot ah? Baka maka basag ka, ikaw ang ipang babayad ko" saad ko sakanya.

"Hindi kuya. "

"Aliyah come here" tawag ni cholo sakanya

"Po?"

"You want this doll house?" Tanong ni cholo sakanya.

" wowww, ang ganda po! Iyan nalang po ang gusto ko" saad ni aliyah.

He's into Him (against the universe #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon