chapter 7

122 14 13
                                    

"Cinema tayo" nanlaki ang mata ko na tumingin sakanya.

"Ah,ano kase...let's - let's watch cinema together" saad pa nito saka ngumiti ng tipid sakin

"Ayoko" ayokong manood dahil wala akong pera

"Why?" Tanong nito

"Wala namang magandang ipapalabas ngayon" 

pero ang totoo ay showing ngayon isang boy love movie at gusto ko iyong panoorin.

"Libre ko" tumingin naman ako sakanya at ngumisi

"Sige ba" grab the opportunity na. HAHAHA

"Ang yaman mo pero gusto mo lagi kang  nililibre, sa susunod ako naman I libre mo"

Hindi ako mayaman, ilang beses ko ba dapat sabihin yun sakanya? Mukha lang mayaman pero mas mahirap pa ako sa daga.

"Hindi ako mayaman,  sige ba, San mo ba gusto?" Tanong ko sakanya, pag nag kahit saan  to, sa may palengke ko sya dadalhin.

"Kahit saan" see, kahit saan daw,  siguro ay pwede na ang fishball o isaw sakanya.

Kanina pa tanong ng tanong si cholo kung panonoorin ba talaga namin ito.

"Are we really gonna watch this?" Tanong ulit nito

Maganda naman itong movie e, it's entitled...

'Call me by your name '

It's a bromance love story, gustong gusto ko ang characters nila elio at oliver.

Hindi naman siguro masama kung manonood kami ng ganito, and besides, Cholo and I are not gay. Gusto ko lang kasi talagang mag explore.

Para naman Hindi nakaka inip pag iisa lang ang pinapanood.

Kadalasan kasi sa mga romance na movie, laging babae yung kawawa, laging sila yung sinaktan.

Little they don't know, na nasasaktan din ang mga lalaki, that's why gusto Kong panoorin ito.

"Hmm, ayaw mo ba" tanong ko sakanya umiling naman lang naman ito.

Itinuon ko ang pansin ko sa palabas. Pero sadyang na didistract ako sa titig ni cholo.

Ano bang problema nito ?

Napa tingin naman ako Kay cholo ng kissing scene ang nasa big screen.

Parang tinakasan ako ng dugo ng nag ka titigan kami. Parang may Mali sakin.

Ibinalik ko nalang ang tingin ko sa palabas.

Hanggang sa matapos ito, Hindi parin naalis ang kaba ko.

Pag katapos namin manood ng cinema ay nag punta naman kami sa likod ng mall kung nasaan ang parang magandang perya

Kung nandito si aliyah, siguradong matutuwa sya.  Gusto gusto nya sa mga ganito.

Habang naka sakay ako sa puting  kabayo,  Hindi ko napagilan na mag balik tanaw, ang sarap lang ulit maging  bata.

Sana ay Hindi nako tumanda, kung alam ko lang...

"Picture?" Sabi ni cholo, sabay labas ng cellphone nya. It's Iphone. Ang masasabi ko lang ay SANA ALL.

Ako nga di keypad lang e.

Naka ilang click sya bago itinago ulit ang cellphone nya.

Sasakay pa sana kami sa isang rides, ng mapag tanto ko na, gumagabi na pala, kung Hindi ako Napa tingin sa langit ay Hindi ko mamalayan.

Hinalukat ko naman ang cellphone ko sa bag,  at tinignan ang oras

Napa pikit ako ng mariin ng makita ito.

He's into Him (against the universe #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon