-
Nang magising ako agad akong nilapitan nina Mama at Papa kaya napahagulgol ako ulit.
"Ma, sorry kung wala ako don nung kailangan ako ni Leia. Kasalanan ko lahat ng mga nangyari sa kaniya. Ate niya ako kaya dapaat inalagaan ko siya. Ma, I'm so-"
"Anak hindi, hindi mo kasalanan 'yon," umiiyak niya ring saad.
"Bakit 'to nangyayari sa 'kin? Ano bang ginawa kong mali? Gusto ko lang namang maging masaya, gusto ko lang na maging buo tayo ulit,"
"Anak wala lang kasalanan. Lahat ng problema na 'to kami ang may kasalanan, malalagpasan natin 'to, kasama mo kami ng Papa mo sa lahat. Hinding hindi ka namin iiwan anak," sagot ni Mama sa 'kin at niyakap ako. Sumali na rin sa pag yakap si Papa at pinipigilang umiyak.
Alam kong nahihirapan at nasasaktan rin siya ayaw niya lang ipakita kasi gusto niyang maging matatag para sa amin ni Mama.
Umalis saglit si Papa para bumili ng pagkain kaya naiwan kami ni Mama.
"Loraine, we filed a case against Christan," parang kumulo ang dugo ko nang marinig ko ang pangalan ng hayop na 'yon. I'll make sure that he'll rot in jail.
Tinanguan ko lang siya at hindi pinahalata ang mga luhang tumulo sa mga mata ko.
"Kailangan mong magpakatatag, Loraine, we'll survive this," she said kissed my forehead.
Lumipas ang ilang araw at naging ilag ako sa mga lalaki, pati konting paghawak sa 'kin ni Papa nagwawala na ako kaya si Mama ang lagi kong kasama dito. Lahat ng mga nurses at doctor na nagche-check sa 'kin pinalitan ng mga babae.
What happened to me was traumatic, and I don't know how to survive everything, lalo na ngayon na wala na si Leia.
"Anak makakalabas ka na raw bukas," napangiti ako nang marinig 'yon. Nakakadepress ang mag stay sa hospital, wala akong ibang iniisip kun'di si Leia. I wanna see her, miss na miss ko na siya.
Nang mag-aalas sinco na ay bumisita sina Andrea at Mariz, naka uniform pa kaya napag alaman ko agad na galing pa sila sa school.
"Kumusta na pakiramdam mo?" Tanong ni Andrea at umupo sa gilid ko.
"Medyo okay naman," malamyang sagot ko.
"Bukas makakalabas ka na, pupuntahan ka namin sa inyo para ibigay yung notes na sinulat namin para sa 'yo, para naman makahabol ka sa mga lessons," saad naman ni Mariz na nakaupo sa paanan ko.
Laking pasasalamat ko at nandito sila para sa 'kin. Alam kong may kaniya-kaniya rin silang gagawin pero inuna pa rin nila ako.
Nagtagal sila ng mga ilang oras para makipag kwentuhan sa 'kin para raw hindi ako mag-isip ng kung ano-ano, less stress raw dapat para mabilis gumaling. Effective naman ang ginawa nila, for the first time since the incident happened tumawa ako, sumaya ako, hindi ako nakapag isip ng mga negative thoughts.
Tama nga ang sabi ng iba, ang guardian angels mo they disguise as your best friends, at sina Mariz at Andrea ang mga 'yon. Sila yung mga may pusong anghel pero anyong demonyo.
"Loraine uuwi na kami, kita kits bukas!" Nang makalabas na sila ay nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga.
Sana bukas makayanan ko lahat.
Kinabukasan ay maaga akong nagsising, I'm excited to get out of here but at the same time I'm terrified, paano kung mangyari ulit sa 'kin yung ginawa ni Christan?

YOU ARE READING
Kaya Pala[On Hold]
Teen FictionPATCH QUIWA SERIES 1 Totoo nga ang sabi nila; Hindi mo kailangang madaliin ang pag-ibig dahil may tamang taong nakalaan para sa 'yo.