08

2 0 0
                                    

-



Weeks had passed and my routine was, gising ng maaga, punta sa cemetery, punta sa school, uwi sa bahay. No more gala and walwalan after school kasi kahit nasasanay na akong nakakakita ng lalaki naghehesterical pa rin ako 'pag may dumidikit sa 'kin or humahaplos.



Nabalitaan ko rin kay mama na dineny ng judge ang kasong sinampa namin kay Christan, we'll I wasn't surprised about it kasi mayaman sila, Mayor ang tatay niya kaya konting pera lang under the table mababaliktad ka na.



Nakabihis na ako para pumunta sa school nang may bumusina sa labas ng bahay. Paglalabas ko nakita ko si Mariz na nakangiting naghihintay sa gate.



She's wearing short shorts and a sando, kitang kita pa ang tali ng two piece top niya.



"Hoy may pasok ngayon diba? Ba't ka naka ganyan?" She didn't bother to answer my question and just pulled me back inside the house.



"Let's not go to school today, pupunta tayo sa resort ng daddy ni Andrea,"



Pinaupo niya ako sa kama at hinalungkat ang mga bikini ko na nasa drawer.



Hindi na ako nakapalag nang pinagbihis niya ako at siya pa mismo nag pack ng gamit para sa 'kin.



"Bakit andami mong nilagay na damit sa bag? Ilangs ara-"



"Tatlo! 'Wag na magtanong kanina pa nandon si Xav-ay wala hehehe sakay ka na,"



Ang weird talaga minsan ng babaeng 'to ansarap pektusan ng isang daang beses.



Si Andrea ang magd-drive since hindi naman siya tamad. Napapansin ko na nagbubulungan sila at humahagikhik pa kaya I rolled mg eyes and put the airpods in my ears.



Mabuti nalang talaga at dinala ko ang iPod ko makakatulog ako ng konti sa biyahe kasi medyo malayo layo rin yung resort.



Nakatingin lang ako sa bintana nang biglang nag play ang kantang KLWKN by Music Hero. Ito yung tugtog nung nasa Intramuros kami.



Biglang uminit ang mata ko and my tears are starting to fall from my eyes. I wiped them out nang maalala ko ang ginawa niya sa 'kin, pinindot ko ang next at pumikit na lang.



Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.



"We're here!!"



"Ay shutangina!"



Napatawa silang dalawa mang makita sa video ang reaction ng mukha ko. Paano ba naman, sinigawan ako ni Mariz ng napakalakas sa mukha ko tapos may nirerecord pang video si Andrea.



"Patay ka sa 'kin ngayon Mariz Cariño!!" Napatakbo siya nang marinig ang sigaw ko kaya hinabol ko siya.



Para kaming mga bata na naghahabulan sa kahit sobrang init. She ran inside the house so I followed her pero napatigil ako nang makita ko si Xavion na tumatawa habang nakatingin sa amin.


What is he doing here?



He's wearing a swimming trunk and black polo na naka unbotton lahat ng butones kaya exposed ang ganda ng katawan niya.



"Hi,"



Napabaliktawas ako nang batiin niya ako. Kailan ba siya nakalapit sa 'kin? Geez kanina pa pala ako nakatitig sa kaniya, jusko Loraine 'wag kang magpalinlang sa katawang 'yan.



Kaya Pala[On Hold]Where stories live. Discover now