-
"Hoy mga bobita I have so many bagay to kwento!!" Napatampal nalang ako sa noo ko nang marinig ko nanaman ang kaartehan ni Mariz.
"Cut the 'ka-conyohan' Mariz please," Andrea muttered emphasizing the word 'ka-conyohan' kaya nawala ang excitement sa mukha ni Mariz.
"Okay fine! Ito naman ang KJ tinatry ko lang naman eh," saad niya at inambahan ng batok si Andrea.
"What's the kwento na? Spill the tea sis!" I said while mocking Mariz. She rolled her eyes at me kaya natawa nalang kaming dalawa ni Andrea.
"So ito na nga, kanina habang palabas ako ng subdivision nakita ko si Alec! He's with a girl, but…he waved at me kaya buo na ang araw ko!" She said joyfully.
"Hanggang ngayon ba naman si Alec pa rin? Kaibigan lang naman tingin non sa 'yo," Andeng said kaya nagsalubong ang kilay ni Mariz.
"Napaka supportive mo naman! Crush lang naman eh, wala naman akong planong jowain yun."
"Weh? Wala talaga? Kami pa talaga lolokohin mo Mariz Cariño?" Napatawa kaming dalawa ni Andeng kaya nag walk out siya.
"Pupusta ako ng one thousand pesos babalik yun agad," humahagikhik kong saad.
"1,500 may dalang ice cream na isang gallon," saad ni Andeng.
"Gaish gushtho niyo?" Napalingon kaming dalawa ni Andeng nang biglang may nagsalita, sabay kaming napatawa nang makita si Mariz na lamon lamon yung isang galloon ng coffee crumble na ice cream.
"Pft you owe me 1,000 pesos Raine!"
"Alam mo Mariz napaka takaw mo talaga! Gusto mong magpa suntok?"
"Eh kashi naman shi Andeng nakakaashar," nakangusong saad niya.
"Hello pretty!" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko si Chris.
Christan Lazaro, my suitor. He's sweet and caring and syempre gwapo.
"Yawa porn!" Malutong na mura ni Mariz.
"Ano ba naman yan ang aga aga naglalandian kayo dito sa harap ko!" Dagdag naman ni Andreng.
Napatawa nalang kaming dalawa ni Chris nang sabay silang magreklamo.
"Palibhasa kasi wala kayong manliligaw!" Pang-aasar naman ni Chris sa kanilang dalawa.
"Okay na ako kahit walang manliligaw kesa naman sa meron tapos kamukha mo eww!"
Araw-araw nag-aasaran sina Mariz at Chris, pero kahit ganon alam ko naman na suportado ako ni Mariz.
"Mahal date tayo mamaya pagkatapos ng practice namin, nakapag paalam na ako kina tita," my face enlightened when he said that.
"Aww ang sweet, sige puntahan kita sa gym mamaya," I said while smiling widely.
Nang umalis na si Chris ay siya namang pag pasok ng professor namin. Nakinig lang ako at tamang take down ng mga important details ng topic.
Nang mag ring na ang bell para sa lunch time ay lumabas na agad kaming tatlo. Napag isipan namin an as McDo nalang mag lunch since laging puno ang cafeteria.
"Kumusta na nga pala sa bahay niyo Raine?" Tanong ni Andrea an nakapagbago ng ekspresyon ko sa mumukha.
"Loraine alam naming ayaw mong pag-usapan ang tungkol sa bagay na 'yon, but always remember na andito lang kami na handa kang pakinggan, okay?" Saad naman ni Mariz kaya napatango nalang ako at tumayo para kumuha ng tubig since hindi ako umiinom ng juice at soda.
I was about to go back to our table when I heard two people mumbling about something kaya binagalan ko ang paglalakad ko.
"'Di ba siya yung anak ng kabit ng daddy ni Esmeralda?" The girl with a blonde hair said while pointing at me.
"Oo, siya yun. And you know what, I think she's like her mother. Sometimes I see her hanging out with different guys, " asik naman ng babaeng mukhang sinampal ng isang daang demonyo sa pula ng pisngi.
Sinubukan kong pigilan ang sarili ko pero they crossed the line kaya I confronted them.
"Excuse me, " they both turned their gaze at me when I spoke. "Are you both gossiping about me? And please kung gusto niyong magparinig paki lakasan pa kasi kulang pa eh, bitches!" Tinapon ko sa mga mukha nila ang dala kong tubig kaya napalingon sa 'ming lahat ang mga tao.
When I walked out, narinig ko sina Andrea at Mariz na hinahabol ako.
"Loraine what happened?" Sabay na tanong nila but I refused to answer.
"Loraine Beltran. Anong nangyari?" I let out a heavy sigh when I heard Andrea's bossy voice.
"They were talking bad about my mom and me, pinigilan ko naman ang sarili ko but they're just so annoying, " I said holding my tears to fall.
"Ay bwiset naman pala silang dalawa eh! Tara samahan niyo ako at babalikan ko ang dalawang 'yon, " natawa nalang ako nang makita ko ang galit sa mukha no Mariz.
"Gaga ka talaga, halina nga kayo balik nalang tayo sa school, " tumatawang saad ko.
Sa loob ng ilang taon na nakasama ko sila puro tawa lang talaga ako kahit anong problema pa ang dinadala ko. Sila yung tinatawag na totoong 'happy pill'.
"Hoy Ricca! Ano ginagawa mo dito?" Masiglang tanong ko nang makita ko si Ricca sa tapat ng classroom namin.
"Invite ko sana kayo ngayong tatlo later, may welcome party na gaganapin for Dad,"
Ricca is also one of my best friend pero sa ibang school na siya nag-aaral kaya malayo siya sa amin pero nakakapag bonding pa rin naman kami every weekends.
"Sige mamaya pupunta kami ni Andrea, pero si Loraine hindi makakasama kasi she has a date with her so-called-suitor," Mariz uttered while mocking Chistan's voice.
"Gaga ka talaga!" Binatukan ko siya kaya ansama ng tingin niya sa akin.
"Osige ah alis na ako mukhang magsisimula na ata yung class niyo,"
"Take care, see you later!" Paalam ni Andrea.
Our class went like a blur. After our professor muttered the word "dismissed" I instantly grabbed my things and bid my goodbye to Mariz and Andrea.
The players were still shooting hoops when I arrived at the gym kaya umupo nalang ako sa bleachers para hintayin silang matapos.
Nang matapoa na ang practice nila ay lumapit agad si Christan sa 'kin to give me a peck on my cheeks.
"Iw porn!"
"Ano ba 'yan Lazaro ang harot!"
My face heated when they started to tease us.
"Shower lang ako," pagpapaalam niya. Tinanguan ko nalang siya para sabihin na 'sige'.
=)

YOU ARE READING
Kaya Pala[On Hold]
Genç KurguPATCH QUIWA SERIES 1 Totoo nga ang sabi nila; Hindi mo kailangang madaliin ang pag-ibig dahil may tamang taong nakalaan para sa 'yo.