-
Weeks had passed and I became busier than I ever thought or maybe I took this advantage to make myself think about other things. I guess this research paper is less stressful than my other problems.
Hindi ko na masyadong nakaka usap sina Andeng kasi pati sila nagging busy na rin. Si Jake naman madalas na ang pagbisita dito sa bahay and as days pass by mas lalo silang nagging close ni Papa, tinuruan niya pang maglaro ng xbox, lucky I have him kasi 'pag ako lang mag-isa at may ginagawa pa ako para sa school baka hindi ko na mabigyan ng pansin si Papa.
Naalala ko nanaman yung bonding nilang dalawa last week.
Nagising ako dahil sa ingay na galing sa kusina at sa pag-aakalang kung ano na ang nangyari kay Papa ay napatakbo ako papunta sa pinanggagalingan ng ingay.
"Papa?!" Natatarantang sigaw ko. Nanlaki ang mata nila nang marinig ang sigaw ko. They just stared at me like they saw a ghost and the atmosphere got awkward but it immediately diverted when they started laughing at my face like they saw a clown.
Nagluluto pala sila ng pam-breakfast at sa sobrang pagtawa nila ay biglang nahulog yung plastic container na hawak ni papa.
"Anak why don't you go to the bathroom and clean your face, may laway ka pa sa bibg mo oh," pigil na tawang saad ni papa.
"Tito hindi mo naman sinabing ganyan pala 'yan 'pag bagong gising," natatawang bulong ni Jake kay papa.
"Aba hoy! Naririnig kita ah," Sigaw ko kaya napatawa nanaman sila nang malakas. At talagang pinagtutulungan pa ako!
Bumalik ako sa loob ng kwarto para kumuha ng towel panligo. After taking a bath they called me because it was time to eat already. They cooked Adobo. Ngayon ko lang din naalala na Sunday pala, gan'to kasi lagi ang nakakasanayan naming, Sunday morning heavy breakfast tapos quality time with the fam, sa hapon maglalaro, magkukwentuhan tapos sa gabi pupunta sa church para magsimba.
"Okay ka lang ba?" I got startled when someone suddenly whispered in my left ear. Andito na pala si Jake.
"Kararating mo lang ba?" Tanong ko.
"Oo, inaya ako ng papa mong maglaro ng basketball. After that gusto kitang yayain ng date,"
I noticed that he was wearing his basketball attire, he looked hot in it. Pwede bang walang damit na lang? Ay cheret.
"Sige," teka anong sabi niya? Date? As in date na 'date'?
"So payag ka?"
"H-Ha? Did I say yes? U-Uhh okay," gago bakit ba kasi ang smooth niyang mag manage ng conversation hindi ko tuloy namamalayan mga naisasagot ko. Geez.
When Papa called him already I got back to editing my papers so I could go out with him later without worrying about it.
After an hour naramdaman kong kumalam ang tiyan ko kaya pumunta akong kusina para mag timpla ng juice at gumawa ng cheese sandwich. Nang pabalik na ako sa table ay biglang pumasok sa loob ng bahay si Papa habang tumatawa at topless na si Jake.

YOU ARE READING
Kaya Pala[On Hold]
Teen FictionPATCH QUIWA SERIES 1 Totoo nga ang sabi nila; Hindi mo kailangang madaliin ang pag-ibig dahil may tamang taong nakalaan para sa 'yo.