Gian’s POV
Nagising ako dahil sa sobrang sakit ng ulo. Naparami yata ang inom ko kagabi at halos hindi ko na maalala kung paano ako nakauwi at nakarating sa kwarto ko.
Pagtanggal ko ng kumot eh napansin ko na nakasuot ako ng putting sando at boxers. Sa pagkakatanda ko eh umattend ako ng gathering na walang panloob kaya nagtaka ako kung paano ako nakapagsuot ng boxers at sando.
Lumabas ako para makapagpahangin at makakain dahil gutom na gutom ako dahil sa hangover.
Pagkalabas ko ng pinto ay agad kong napansin ang pagtunog ng mga kubyertos sa kusina tanda na may tao at malamang naghahanda ng pagkain.
Agad akong nagtungo ditto at nadatnan ang isang topless na lalaki na tanging boxers at apron lang ang suot.
Napako ako sa napakagandang tanawin na aking nakikita at parang tutulo na ang laway ko sa sarap.
“Likod pa lang ulam na.” sabi ng isip ko.
Natigil ang pagkakatitig ko dito ng humarap ang lalaki na at nagsalita.
“Gising ka na pala. Upo ka na tapusin ko lang tong niluluto ko para mawala na yang hangover mo.” ngiti nitong sabi na sya namang sinunod ko ng hindi inalis ang pagkakatitig sa anghel na lalaking ito.
Hindi ako kumibo at nagsalita bagkus ay ninamnam ang pagkaing nakahain sa aking harapan na pinapanalangin kong matikman anumang oras.
“Oh eto corn and crap soup para matanggal yang hangover mo.” sabay abot ng mangkok at kutsara.
Agad kong hinigop ang sabaw na napaka sarap at talaga namang nakatanggal sa hangover ko.
Kumain na rin siya ng almusal at napansin kong hindi niya inalis ang suot niyang apron.
Naisip ko na lang na nahihiya siguro to na ibalandra sa harap ko ang napakaganda niyang katawan.
“Anong oras na nga pala ako nakauwi kagabi?” nahihiya kong tanong sa kanya.
“Eleven na yata yun nung dumating kayo ni Mark kagabi.” turan nito.
“Shit yung kotse ko.” sigaw ko na syang ikinagulat ni Carlo.
“Pinapasabi pala ni Mark na pinahiram mo raw sa kanya yung kotse mo, baka nga daw wala kang maalala sa nangyari kagabi.” natatawa nitong sabi sakin.
Naku mapapatagal nanaman sa baklang yun ang kotse. Siguradong puro gamit na condom nanaman ang maiiwan sa loob nito.
Nginitian ko na lang si Carlo at ipinagpatuloy ang pagkain. Gusto ko sanang itanong sa kanya kung paano ako nakapagpalit kagabi pero inaabot ako ng hiya sa kanya.
Agad ko naman ikinagulat ng bila itong nagsalita.
“Pinalitan pala kita kagabi kasi init na init ka. Pasensya ka na kung nakita ko si Baby Gian ha.” nahihiya nitong kwento.
“Tangina! Nakita nya si Baby Gian?” sigaw ng isip ko na sya namang ikinapula ng mga pisngi ko.
“Naku nakakahiya naman.” mahina kong tugon sa kanya.
“Wag ka mag-alala wala naman akong ginawa.” ngisi nito.
“Siguraduhin mo lang talaga dahil pag nalaman ko na meron eh kailangan mong panindigan.” bulong kong muli.
“Ano?” tanong nito.
“Ah wala.” sagot ko.
Dahil sa hiya ay halos hindi na ko makapagsalita at itinuloy na lang namin ang pagkain nang biglang may naalala ako.
BINABASA MO ANG
DESTINED TOGETHER
RomancePaano kung ang dalawang bigo sa pag-ibig ay magtagpo ng hindi inaasahan? Mapagbibigyan kaya muli nila ang kanilang mga puso na magmahal muli??