CHAPTER 4 - Bathtub

85 4 0
                                    

Gian’s POV

“Malapit na tayo sa bahay.” sabi ko sa kanya habang nagmamaneho.

“Pasensya na sa abala ha, kung bakit kasi wala pa rin akong maalala.” inis nitong sabi sakin.

“Okay lang yun, wag mong pilitin ang sarili mo baka makasama yan sayo.” tugon ko.

Nakarating kami sa tapat ng bahay kaya pinark ko muna ang sasakyan sa harap ng gate at saka bumaba para buksan ito.

Muli akong sumakay at ipinasok ang kotse sa loob. Isinara ko ulit ang gate at binalikan sya sa kotse para alalayang bumaba. Nakasaklay sya ng mga oras nay un gamit ang kanang kamay niya pero medeyo nahihirapan pa siya dahil hindi sya sanay.

Inalalayan ko siya papasok ng bahay at bakas sa kanya ang pagkaamaze sa nakikita. Medyo Malaki ang bahay ko kaya siguro ganun na lang ang pagkagulat niya.

“Ikaw lang ba ang nakatira ditto?” tanong nya habang inaalalayan sya papaupo ng sofa.

“Ahh, oo, actually nung araw na nakita kita sa ilog eh galing ako sa katrabaho ng bestfriend ko na gusting bumili ng bahay na to.” salaysay ko.

“Ibebenta mo?” tanong nya.

“Oo sana, medyo marami ring sad memories dito kaya gusto ko na sanang kalimutan.” sagot ko.

“Pero bakit hindi mo itinuloy?” tanong nyang muli.

“Pamana kasi to sakin ng Mama ko. Bago sya mawala sinabi nya na ingatan ko tong bahay. Pero kasi sa tuwing nandito ako sa bahay na to eh mas lalo akong nalulungkot. Parang hindi ko kayang tumira ditto ng mag-isa.” mahaba kong salaysay sa kanya.

“Wala ka bang girlfriend? asawa?” tanong nito.

“Never had.” maiksi kong sagot.

“Pero nung nakita kita naalala ko ang mga sinabi ni Mama na ingatan ang bahay na to kaya siguro hindi ko na rin pinilit na ibenta.” sagot ko.

Inihatid ko siya sa magiging kwarto niya.

“Dito ka na muna tutuloy sa guest room inayos ko na ito. Binilhan na rin kita ng mga damit nandyan sa aparador. Kung gusto mong maligo or magbanyo eh nasa tapat lang nitong kwarto ang CR. Sinadya kong ditto ka para di ka mahirapan ng paglakad.” turan ko sa kanya.

“Yung kwarto nasa left side malapit sa CR. Kung may kailangan ka tawagin mo lang ako.” bilin ko sa kanya.

Nagpaalama ako na magluluto muna ng pananghalian.

Linggo ngayon at walang pasok kaya naglinis ako ng bahay dahil medyo matagal na rin bago koi to nalinis.

Carlo’s POV

Nakahiga ako sa kama at iniisip pa rin kung sino ba ako at sino ang babae sa larawan na binigay ni Gian.
Medyo naamoy ko ang sarili ko at mukhang kailang ko ng maligo. Hindi sapat ang punas lang kaya naman kinuha ko ang tuwayang nakatiklop sa loob ng aparador.

Nagulat ako dahil ang daming gamit sa loob ng aparador. Mga damit, shorts, boxers, briefs, towels, bed sheets, kumot, toiletries  at kung ano-ano pa.

“Parang sobra naman na yata to. Hindi naman nya ako kilala pero grabe ang pagaalalaga nya sakin.” bulong ko sa sarili ko.

Nagtungo ako sa banyo at medyo nahirapan akong maglakad dahil di ako sanay ng nakasaklay.

Sinandal ko ang saklay sa pader ng CR at hinubad ko ang suot kong damit at shorts. Natira na lang ang suot kong boxers na ipinasuot ni Gian sakin kanina sa hospital.

Tatangalin ko na rin sana ito ng biglang natabig ko ang saklay dahilan para matabig nito ang vase sa lababo. Nahulog ito at nabasag at dahil bukas ang pinto at maririnig sa labas ang pagkabasag nito.

DESTINED TOGETHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon