CHAPTER 9 - AT LAST

61 4 1
                                    

Gian’s POV

Tumulo ang luha sa mga mata ko at akma na sana akong aalis ng bigla niyang hinatak ang kamay ko at agad akong niyakap. Mas lalong tumindi ang luha sa mga mata sa pagyakap niya sakin.

“Aalis na siya! Mag-isa nanaman ako.” bulong ko.

“Pagod na kong mag-isa.” bigkas kong muli.

Nagulat ako ng bigla itong tumawa.

“Sino bang nagsabing aalis ako.” sabi nito na sing ikinagulat ko.

Nagbago ang itsura nito dahil sa isang isang ngiting nakakaakit.

“Sasabihin ko lang sana na…” nahihiya nitong bigkas.

“Na?” tanong ko habang nagpapahid ng luha sa mata.

“… na mahal kita.” ngiting sabi nito.

“Tama ba ang narinig ko? Mahal niya ako?” tanong ko sa isip ko.

“Oo, tama ang narinig mo mahal kita dahil nahulog na ko sayo.” bigkas nitong muli at lumapit siya saking na halos magdikit na ang atawan namin.

“Mahal mo ako?” tanong ko.

“Oo, pero kung hindi mo yun matatanggap eh di liligawan kita.” sabi pa nito ng nakangisi.
Medyo naguluhan ako pero mahal ko na rin naman siya matagal na. Ngumiti na lang ako at agad siyang niyakap.

“Okay lang sayo?” tanong niya sa akin.

Kumalas ako sa pagkakayakap.

“Sino ba ako para tumanggi sa pagmamahal mo.” nakangiti kong sagot.

Akma niya akong hahalikan pero pinigilan ko siya dahil baka may makakita sa amin.

“So tayo na.” tanong niya.

“Paano yung fiancé mo?” tanong ko.

“Hindi naman na siguro nya ako hinahanap pati ang family ko, ito na ang bago kong buhay at ikaw, ikaw ang buhay ko.” bigkas nito.

“Wag na natin silang isipin ang mahalaga eh yung tayo.” dagdag pa niya.

Niyakap ko siyang muli at bumalik kami sa sala ng may ngiti. Hindi namin maiwasang magtitigan habang nagkakasiyahan. Unti-unting ng nagsisiuwian ang lahat. Nagpaalam na ang bestfriend kong si Nikko at ang ilan sa mga katrabaho ko.

Dahil kokonti na rin ang bisita ay nag-umpisa na kaming magligpit. Katulong namin ni Carlo si Mark na medyo lasing na kaya minabuti naman na hindi na siya pauwiin.

Habang nagliligpit si Carlo ay niyaya ko na si Mark na halos hindi na malakad dahil sa kalasingan.

“Carlo hatid ko lang si Mark sa kwarto.” paalam ko sa kanya.

Inalalayan ko si Mark at inihatid sa kwarto ko para doon matulog. Nilagay ko ang isang comforter sa sahig kung saan matutulog si Mark pero mukhang ako yata ang patutulugin nya ditto dahil pagbagsak ng katawan nya sa kama ay agad kong narinig ang hilik niya tanda na tulog na siya.

Hinayaan ko na lang siya roon dahil alam kong mahirap itong katabi dahil malikot siya sa pagtulog.

Bumalik ako sa kusina para tulungan si Carlo sa paghuhugas. Walang nagsasalita saming dalawa pero puro tinginan lang ang ngitian ang nangyayari na para bang nag-uusap na rin kami.

Sobrang saya ng mga oras na yun dahil muling tumibok ang puso ko para sa isang espesyal na taong katulad ni Carlo.

Matapos naming iligpit ang mga gamit ay niyaya ko na siyang matulog. Sabay kaming naglakad papunta sa mga kwarto namin habang magkahawak ang kamay.

DESTINED TOGETHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon