Gian’s POV
“Opo tita boyfriend ko po siya.” sagot ni Zach.
Nagulat ako sa pagdating niya. Agad itong lumapit sa akin at hinalikan ako sa pisnga.
PAgkatapos nun ay nagulat ako sa ginawa ni Zach. Bigla itong lumuhod sa harap ng dalwang matanda at kita ko ang pagluha niya.
“Patawarin nyo po ako sa pagkawala ni Lisa. I know it’s all my fault at pinagsisisihan ko po yun. Hindi ako naniwala sa mga sinabi niya tungkol kay Miguel and I regret it.” paghingi niya ng tawad habang patuloy sa pagluha.
Nakita kong lumapit ang babae kay Zach. Niyakap siya nito at lumuluha habang ang lalaki naman ay tumayo.
“Patawarin mo kami Zach sa paninisi namin sayo ng tita mo. Hindi lang talaga namin matangga na wala na si Lisa.” sabi ng lalaki habang pinapatayo na ang dalawa.
“Kahapon lang nabasa namin ang secret email ni Lisa. Sinabi niya sa message na kahit ano mang mangyari sa kanya kapag naghiwalay kayo ay wag naming isisi sayo ang lahat. Desisyon niya yun dahil mahal ka niya biglang matalik na kaibigan. Kaya sana mapatawad mo kami.” salaysay ng babae.
Muli silang nagyakapan at nagkapatawaran. Ipinakilala ako ni Zach ng lubusan sa dalawa. Nalaman din nila ang nangyari kay Zach after ang libing ni Lisa.
“Wala ka na bang pamilya?” tanong ng lalaki sakin na nagpakilalang Ben.
“Wala na po, kami lang po ng mama ko simula nagkaisip ako, pero she died last year because of cancer.” sagot ko sa kanya.
“Pasensy ka na.” saad nito.
“Okay lang po yun.” sagot ko.
“Ano nga pala ang pangalan ng mama mo?” tanong ng babae.
“Martina po Martina Alvarez.” bigkas ko habang nakangiti.
Biglang tumingin ang babae sa asawa niya. Hindi ko maipaliwanag ang reaksyon nila ng marinig ang pangalan ng mama ko.
“Bakit po?” tanong ko.
“Nag-iisang anak ka ba ni Martina?” tanong ng babae.
“Ah eh opo.” sagot ko naman.
Nagulat ako ng biglang yakapin ako ni tito Ben. Pansin ko naman ang saya sa mukha ni tita Lyn ang asawa niya.
“May ibinilin ba sayo ang mama mo?” tanong ng lalaki.
Napailing lang ako dahil hindi ko maintindihan ang mga nangyayari.
“Kaya pala unang makita pa lang kita kanina ay halos lumukso ako sa tuwa.” saad ni tito ben.
“Bakit po tito?” tanong ni Zach.
“Kamukhang kamukha niya ang kapatid niyang si Lisa.” bigkas ng babae.
“Ho?” bigkas ko na gulat na gulat.
“Kapatid?” sabay naming tanong ni Zach.
“Oo Gian, kapatid mo si Lisa at ako ang daddy mo.” saad ng lalaki.
Hindi magsink in sa utak ko ang mga nangyayari. Hindi ko alam ang sasabihin at gagawin ko sa mga oras na to.
“Daddy?” bigkas ko.
Niyakap ako nito pero pilit kong inaalis dahil hindi pa rin ako makapaniwala.
“Patay na ang daddy ko. Matagal na syang wala sa buhay namin ni mama.” bulalas ko.
“Pero ako nga ang daddy mo at matagal na kitang hinahanap.” turan nito.
“Hinahanap?” tanong ko sa kanya na may halong galit.
BINABASA MO ANG
DESTINED TOGETHER
RomancePaano kung ang dalawang bigo sa pag-ibig ay magtagpo ng hindi inaasahan? Mapagbibigyan kaya muli nila ang kanilang mga puso na magmahal muli??