Zach’s POV
“Kuya, I know na nasa mabuti na syang kalagayan and I’m sure napatawa ka na nya.” bigkas ni Zian habang tinatapik ang aking likuran.
Tatlong buwan matapos ang aksidente na nangyari samin ni Gian at nagkaroon na ko ng lakas na dalawin ang puntod ni Dad at Lisa. Kasama ko si Zian at nagdala kami ng bulaklak at kandila para sa kanila.
Biglang nagring ang cellphone ni Zian.
“Hello, Mr. Gomez speaking.” sagot nito sa tumawag.
“Gising na sya?” tanong ni Zian.
Bakas sa mukha nito ang tuwa kaya naman pagkababa ng cellphone ay agad niyang sinabi sa akin ang magandang balita.
“Kuya gising na si Kuya Gian.” masigla nitong sabi.
Sa tuwa ko ay agad kaming nagpaalam kay Lisa at nagtungo sa hospital.
Nadatnan namin si Gian na nakasandal sa ulunan ng kama at pinapakain ng nurse.
“Carlo?” bigkas nito at bakas sa mga mata ang saya.
Bahagyang tumulo ang luha niya kaya agad akong lumapit sa kanya.
Marahan ko siyang niyakap at hinalikan sa labi.
Medyo matagal ang mga halik nay un dahil miss na miss ko siya.
“Kuya mamaya na yan pati si ateng nurse natutulala sa ginagawa nyo.” natatawang sambit ni Zian.
Napatingin ako sa nurse na medyo gulat pa rin ang reaksyon.
Agad kong binalik ang atensyon ko kay Gian na ngayon at umiiyak.
“Ssshhhh wag kang umiyak okay na ang lahat mahal.” habang yakap ko siya.
“Kamusta ang pakiramdam mo?” tanong ko sa kanya.
“Okay na ko pero masakit pa rin ang tagiliran ko. SAbi ng nurse 3 months na kong walang malay.” bakas sa mga mata nito ang pagtatanong.
*Flashback
“I’m sorry, ginawa na namin ang lahat ng aming makakaya.” mga salitang namutawi sa labi ng doctor.
Napaupo ako sa sahig at halos mawala sa sarili.
“Masyadong malalim ang sugat ng kanayang atay and we need an imediete donor.” salaysay ng doctor.
Natauhan ako sa sinabi ng doctor kaya naman agad akong tumayo sa pagkakaupo.
Sinabi ng doctor sa amin na as soon as possible ay makahanap na kami ng liver na compatible kay Gian.
“Your Dad’s liver, tatawagan ko lang ang doctor ng dad mo they are both type B.” saad ni mom.
Nalaman ko na bago mamatay si Dad ay sinabi sa kanya na lahat ng organs na healthy pa ay idodonate na sa sino mang nangangailangan. Ganti daw ito sa mga naging kasalanan niya sa akin.
*end of flashback
“Inoperahan ka sa atay dahil sa pagkakasaksak sayo eh kinailangan ng transplant.” saad ko.
“Liver ng daddy namin ang ipinalit sa atay mo dahil kritekal ang lagay mo nun.” kwento naman ni Zian.
Bumukas ang pinto at pumasok si mommy na may ngiti sa labi.
“Masaya ako na gising ka na ijo.” bati ni mommy habang ibinababa ang basket ng prutas sa lamesa.
“Ahh, Gian ito nga pala ang mommy namin ni Zian.” pakilala ko sa kanya.
Niyakap siya ni mommy at nagpasalamat.
“Ako nga po ang dapat magpasalamat dahil ibinigay nyo sakin ang liver ng asawa nyo.” nahihiyang sabi ni Gian.
“Pasasalamat ko rin yan sayo dahil iniligtas at inalagaan mo itong si Zach.” saad naman ni mom.
“Mom iwan muna natin sila para makapag-usap.” yaya ni Zian.
“Oh sige, samahan mo muna ako maggrocery dahil sa bahay muna uuwi ang mga kuya mo.” at nagpaalam na sila sa amin para lumabas.
“Sorry nga pala.” sabi ko habang hawak ang dalawang kamay ni Gian.
“Pasensya ka na kung nadamay ka pa sa plano kong pambibisto kay Miguel.” muli kong saad.
“Plano?” tanong niya.“Oo, yung nakita mo ng pumasok ka sa kwarto ay isang plano dahil naalala ko na ang lahat.” salaysay ko.
“Alam kong sinabi na sayo ni Zian na si Miguel ang ex boyfriend ko at naging dahilan ng hiwalayan namin ni Lisa. Nalaman kong pera lang habol niya sa akin kaya pagpasensyahan mo na kung pati ikaw nadamay at nasaktan. I’m sorry Gian.” patuloy ko.
“Carlo ay este Zach, sorry rin kung masyado akong nagpalamon sa selos. Hindi ko kasi alam kung paano ulit ako magsisimula kung sakaling mawala ka sa buhay ko.” saad niya.
“Hindi ako mawawala at hinding-hindi ka na mag-iisa sa buhay.” masayang sabi ko sa kanya sabay halik sa kanyang mga labi.
Gian’s POV
2 months afters kong makalabas sa hospital ay nanatili ako sa bahay ng mga Gomez. Itinuring akong parang tunay na anak ng mommy ni Zach. Minabuti nilang doon na muna kami ni Zach para masiguradong same kami kay Miguel na until now ay hindi pa rin nahuhuli. Ang boyfriend naman nito ay nakakulong na at sinambahan na namin ng kaso.
“Alam mo anak ngayon ko lang narealize na medyo hawig mo si Lisa. Lalong lalo na sa mata at labi.” bigkas ni Tita Stella ang mommy ni Zach habang nakatingin ito sa akin.
“Talaga po?” tanong ko.
“Oo, siguro ang gaan-gaan ng loob ko sayo dahil pareho kayo ng ugali ni Lisa na napakabait.” papuri nito.
“Kaya naman bagay na bagay kayo nitong si Zach.” dagdag pa niya.
Habang sinasabi yun ni Tita Stella ay nakatitig sa akin si Zach.
“Oo nga mahal magkahawig nga kayo siguro magkapatid kayo sa past life nyo.” birong tugon ni Zach.
Muli ko tuloy natignan ang sarili ko sa salamin at sa picture ni Lisa sa isang picture frame sa sala.
Napansin ko nga na medyo hawig kami na lalaking version ako ni Lisa. Napaisip tuloy ako na baka reincarnation ako ni Lisa.
Naging masaya ang buhay ko kasama ang mga Gomez. Bumalik na si Zach sa pagiging chef sa restaurant pero hinyaan na niya si Zian ang magmanage ng hotel at restaurant para maasikaso niya ang online business niya. Madalas pa rin syang nagluluto sa resto pero madalas sa bahay lang siya. Ako naman ay bumalik na sa pagtuturo pero laging may nakasunod na security sa akin at sa pamilya ni Zach dahil natatakot kaming bumalik si Miguel.
Nasa bahay ako at walang pasok habang si Zach at Zian ay nasa restaurant para asikasuhin ang isang impotanteng costumer nila. Si tita naman ay nasa bahay ng kapatid niya dahil may kailangan asikasuhin. Habang nasa sala ay narinig kong tinawag ako ng guard dahil may bisita raw.
Pagkalabas ko ng pinto ng bahay ay nakita ko ang isang mag-asawa na nasa edad 50 pero may mapuputing buhok ang lalaki at medyo redish blond naman ang buhok ng babae. Medyo may pagkagulat sa mga mukha nila hindi ko alam kung bakit Napansin ko rin na medyo may kaunting luha ang mata ng lalaki.
“Sir, sina Dr. Fernandez nga po pala hinahanap sina Mam Stella.” bungad ng guard.
“Ah sige po tuloy po kayo at tatawagan kop o si Tita Stella.” pagkasabi ko nito ay niyaya ko sila sa sala.
Nagpaalam ako sa kanila para makapaghanda ng pakain at maiinom at para na rin matawagan si Tita Stella at Zach.
PAgbalik ko ng sala ay medyo masama ang tingin sa akin ng matandang babae.
Nakalimutan ko nga palang magpakilala kaya siguro ganun ang tingin nito.
“Ahhh, ako nga po pala si Gian.” pakilala ko habang inaabot ang juice at cupcake na niluto ni Zach.
“Boyfriend ni Zach?” medyo mariing tanong ng babae.
Hindi ko alam ang isasagot ko ng mga oras na yun. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba sila ng oo or hindi dahil hindi ko alam kung sino ba talaga sila.
BINABASA MO ANG
DESTINED TOGETHER
RomancePaano kung ang dalawang bigo sa pag-ibig ay magtagpo ng hindi inaasahan? Mapagbibigyan kaya muli nila ang kanilang mga puso na magmahal muli??