CHAPTER 17 - PAGTATAPOS

67 2 1
                                    

Gian's POV

Bumabagsak kami ni Zach sa lupa at nadagan siya sa akin.

Pagmulat ng mata ko ay nakita ko si Zach na tumutulo ang luha.

"Zach okay ka lang?" tanong ko habang kinakapa ang kanyang likod.

Nakarinig muli ako ng isang putok ng baril kaya naman agad kong pinilit na makatayo.

Lumingon si Zach sa pwesto kung nasan si Miguel at nakita namin itong nakabulagta sa lupa at may dugo. Ngunit mas nabigla kami ng makita namin ang isang katawan ng lalaki na duguan malapit sa amin ni Zach.

"Zian!!." sigaw ni Zach at agad itong bumangon at lumapit kay Zian.

May tama ito ng baril sa kanang balikat.

"Zian, bakit mo ginawa yun." tanong ni Zach habang patuloy sa pag-iyak.

Nang makalapit ako ay hinubad ko ang damit ko ay itinakip sa sugat ni Zian na patuloy sa pagdurugo.

"Mahal isugod na natin sya sa hospital." sigaw ko.

Agad siyang binuhat ni Zach at ako naman ay dali-daling natungo sa kotse para istart ito.

"Nakita ko kasi si Miguel na umaaligid sa bahay nyo kanina at paglabas nyo sa subdivision at nakita kong sinundan niya kayo." salaysay ni Zian.

"Pero di mo kailangang isakripisyo ang buhay mo para samin." saad ni Zach.

"Kuya, utang ko yun sa matagal na panahong hindi kita hinanap." sagot nito.

"Zian naman, sapat na sa akin na magkasama na tayo ngayon." sabay yakap nito sa kapatid.

"Mabuti na lang tinawagan ko si tito." dagdag pang saad ni Zian.

Hindi naman malala ang tama ni Zian. Mabuti na lang din at itinulak niya kami bago maiputok I Miguel ang baril. Pero humingi rin ako ng tawad kay Zian dahil nadamay pa siya sa nangyari. Dead on arrival si Miguel kaya ang boyfriend niya ang sumalo sa lahat ng kaso niya.

Sa ngayon ay kasal na kami ni Zach at naninirahan pa rin sa bahay na pinamana sa akin ni Mama. Meron na rin kaming adopted kids. Si Lisa ang panganay namin at si Gabriel ang baby boy namin. Masaya ang family namin may mga tampuhan kami ni Zach pero at the end of the day nagiging maayos din naman at minsan pa nauuwi sa mainit na bakbakan.

DESTINED TOGETHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon