Chapter 9

62 4 0
                                    

Farm

I woke up with smile on my face, because it's another day to begin with. And what more excites me, I will have another opportunity to take a picture and create a memories.

Tumingin ako sa labas ng binata, at nabungaran ko ang palayan. Hindi ko maipagkakaila na na miss ko ng sobra ang lugar na ito. Higit sa lahat ang mga taong nakasundo ko at ang sariwa na amoy ng mga damo. Syempre, hindi papahuli ang iba't-ibang prutas na sariwa na nakasabit sa puno, naghihintay ng tamang panahon para makuha. 

Tumayo ako mula sa kama para, umpisahan ng mag-ayos. Tumingin ako sa orasan sa dingding. As what I expected, it's five in the morning. Sanay akong bumabangon nang ala- singko nang madaling araw, tuwing narito ako sa probinsya. Besides it's been a long time since I woke up with my face smiling.

I don't want to spoil my day today. I let myself mourned yesterday. It's time to feel the fresh air and be consumed with happiness.

Bumaba ako nang hagdan at pumasok nang kusina para magluto nang agahan. Tumingin ako sa ref nang pwedeng iluto. Luckily there's still eggs and some fresh milk in here. And, when I say fresh-- yes, it's from the breast of the cow.

Naalala ko pa noong bata ako, ayaw ko ng lasa ng gatas na kagagaling lang sa suso ng baka. But time flies, as I drink it-- natutunan ko ng ma appreciate iyong lasa. Ganoon naman lagi sa huli. Makakasanayan na lang natin ang bagay kapag inulit ng inulit. 

Pero sa pagkain lang magandang gawin ang bagay na iyon. Pag dating sa pag-ibig? Ibang usapan na. At sa tingin ko, pagpapakatanga na iyon. 

Nakita kong may mga iba't ibang klaseng dried fish sa lamesa. Bangus, tuyo at dilis. Napagdesisyunan ko na magluto na lang ng kaunting dilis at itlog. Mag-aalasais na rin kasi ng umaga. Panigurado, maya-maya lang bumangon na sina Mami ata Tata.  

As what I expected, nandito na nga sila. Naririnig ko ang magagaan nilang hakbang, pababa sa hagdan. Pinatay ko ang kalan at naghanda na ng makakain sa lamesa.

Nang makarating sila sa kusina, napansin kong hihikab-hikab pa si Tata. Si Mami naman, gulat na nakatingin sa hapag sa lamesa. 

I chuckled. "Morning," Simple kong bati, at hinalikan sila sa pisngi. 

I was serving them a rice, when I've noticed that they were both looking at me and confusion was written all over their face. Kahit nagtataka, tinuloy ko na lang ang pag-aasikaso sa paglagay ng kanin at ulam sa plato nila. 

"Mukhang masaya ka ata ngayon 'nak?"  Si Tata, naka kunot-noong nagtanong. 

"Oo nga-- pag-uwi mo lang dito, nang nakaraang linngo, hindi namin ma ipinta ang mukha mo" Segunda ni Mami, bakas ang pang-aasar sa tono.

I just smiled to the both of them. Not minding what they've said. Katulad nga ng sinabi ko kanina, ayaw kong i-spoil ang araw na ito.  Dadating din ako sa punto na sasabihin ko sa kanila ang lahat. Ayaw kong pangunahan ang nararamdaman ko. Masyado pang masakit. 

Sa ibang pagkakataon, but not today. Maybe tomorrow? Or the day after tomorrow? Or maybe worst-- not ever. At kung ganoon,  hahayaan ko na lang itong mabulok sa ilalalim ng lupa. 

Sa ngayon, gusto ko lang magpahinga at sumagap ng kapayapaan. Nagbabakasakaling maibsan ang sakit na dinulot ng kahapon. Tinuloy ko ang pagkain ko, nang magsalita si Mami. 

"Hija, want to join our farmers today? Mag ha-harvest sila ngayon nang mga prutas at mag tatanggal nang mga palay malapit sa kubo nang Tata mo." Pag-alok niya. 

Tumaas ang isa kong kilay. Sasama ba ako? Lumihis ako ng tingin, naghahanap ng sagot kung sasama ba o hindi. Siguro sasama na lang ako, wala rin naman akong gagawin dito sa bahay. At saka, maganda na ring libangan iyon. Kung nagkataon na maiwan ako dito, siguradong maaalala ko lang siya. 

Tumango ako. "Sure 'mi. Besides, wala rin naman po akong gagawin ngayon" Pagsang-ayon ko. 

Besides of capturing things, I love to work together with farmers. Yes it is tiring. Yes it will get your skin dark. But when you were in province you'll learned how to live happily with contentment and it's all worth it.

Pagkatapos kumain nang agahan, umakyat ako sa kwarto para magpalit nang damit na matatakpan ang buong katawan ko laban sa mainit na araw.

I cover myself with thick gray long sleeves, partnered with black pajama. I tied my hair into a bun as I look myself the mirror. The young girl who dreamed big happily before, was now a totally a big grown woman. Hiding and carrying a big scars.

Ngumiti ako ng mapait. Kailangan ko na lang ikibit-balikat ang lahat ng ala-ala. Nasa hinaharap ako, wala ng panahon para magbalik sa mga nakalipas na ala-ala. 

Yumuko ako para kuhanin ang  boots sa ilalim ng kama. Napangiti ako ng makitang naroon pa rin iyon. Ang tagal na nito. Sana kasya pa. Pinunasan ko muna iyon ng basahan, bago suotin. Hindi ko mapigilang mapahagikhik ng makitang nagkasya pa iyon. 

Finally, I'm off to go. 

Nang makalabas, nakita ko si Tata na naghihintay sa labas. Nakasakay na sa front seat ng owner jeep, at nakahawak ang isang kamay sa manibela. Katulad ng nakagawian ko, sumakay ako sa likod nang owner jeep. At dahil walang bubong sa likod nito. Pinili kong tumayo habang umaandar iyon. 

Narinig kong tumawa si Tata sa loob habang nakatingin sa side mirror. Bakas na sa mukha niya ang katandaan, pero halata pa rin sa mukha niya na masayahin siyang tao. 

Bumalik ang tingin niya sa daan. "Ikaw talagang bata ka! Walang pinagbago." Umiiling. "Bata ka pa lang, gawain mo na yang tatayo sa likod. Tapos, ibubuka nang malawak ang mga braso, para damhin ang hangin," Kunwaring pagalit niya sa akin. 

He used to complained, every time I do this. Pero habang lumilipas ang araw,  nakasanayan na lang niya na tignan ako at ngumiti na lang sa ginagawa ko. At sa lumipas na panahon, ngayon ko na lang ulit siya narinig na nagreklamo.

"Sorry not sorry Tata," I said in a sing-song voice. 

I used to do this to feel the fresh air against my skin. To see my surroundings more clearly. And how the green leaves perfectly dance, along with the wind as it's get rid of the stem of the tree.

Napangiti ako sa mga nakikita sa paligid. And at last, nakarating kami sa palayan nang matiwasay. Bumaba ako sa likod at tinignan ang paligid ko.

And as what I've expected, nothing has changed. Ang mga puno sa bawat sulok nang palayan ay matayog pa ring nakatayo. Pinikit ko ang mga mata ko, at pinaghiwalay ang dalawa kong braso. Hinayaan kong dumampi sa mukha ko ang sariwang hangin. 

I breathed deep and open my eyes. Now, this is what you called haven. Naglakad-lakad pa ako, at nakita ang paborito kong tambayan. Nagtatalon ako sa tuwa. Narito pa rin pala iyon, akala ko tinanggal na ni Tata, o di kaya binago niya. 

Behind the big mango tree, lies a picturesque of tons of different flowers. It was planted when I was a kid.  At hindi ko akalain na tatagal ito, nang ganito kaganda. Ngumiti ako nang malapad nang makita ko ang mga taong nakalakihan ko.

"Mang Tenyong! Kamusta po kayo?" Kaway ko sa kanya, nang makita ko siya sa dulo nang kinakatayuan ko. 

Lumingon ang matanda sa akin. Naka kunot ang mga noo niya. Ngumiti ako ng malapad at tuluyan nang nilapitan siya, para mas makilala pa ako. 

"Aba'y, ikaw na pala yan Asyang! Ang laki mo nang bata ka at dalaga na rin." Hawak ang sumbrero, habang naka ngiti nang malawak sa akin.

Nagmano ako sa kanya. "Oo nga po. Tutulong nga po pala ko ngayon sainyo, dito sa sakahan kung ayos lang?" Magalang kong tanong.

"Oo naman, Asyang. Hindi ka na bago rito." Naglakad siya at sumunod naman ako. "Halika at samahan mo 'kong mamitas, nang mga bunga nang mga santol at iba pang prutas." Masayang pag-aya niya. 


KEYMEMOIRS

Captured by darkness ( Dark series #1 ) UNDER-EDITINGWhere stories live. Discover now