Chapter 50

56 4 0
                                        

Ice cream

Pagkatapos ayusin ni Mami ang kama ko, kinuha niya ang unan at binigay sa akin. She let me touched and feel it, and let me puched it over and over again, which I obliged. I don't know why I am doing what she was saying. Pero pinagbigyan ko ang sarili kong gawin ang mga bagay na 'yun.

Pagod na tinigil ko ang pina- pagawa kanina sa akin ni Mami, my face was now filled with confusion. Mami bent down and kissed my forehead.

"Axia... Life is not all about cotton and fluffy things, jus like the pillow you were holding,"

Bumaling ang tingin namin sa hawak kong unan na ngayon ay nakapatong na sa hita ko.

"It gives you comfort, gives you relaxation, pero anak-- hindi habang buhay kailangan nasa tabi mo 'to, babangon at iiwanan mo parin ito kung saan ito nararapat. Face your reality, let go of your comfort, and In able to do that, you need to be your own armor."

"P-pero..."

"Tinanong mo na ba siya kung bakit?"

Umiling ako bilang sagot dito. She touched my cheeks. "Asked him, don't conclude things that will make you regret."

"Pero masakit pa rin 'mi, k-kapag nakikita ko siya, naaalala ko kung paano niya ko niloko,"

"It takes time 'nak, let yourself be healed and face him, listen first before to conclude things hmm."

"B-but how?" Garalgal kong tanong.

She pointed my heart and looked at me. "Listen to this first and you'll know the answer. Let your heart healed first, and think when your mind and heart both collide, and you'll get the best answer. 'wag kang gagawa ng desisyon kapag 'di nag-iisip ng tama ang isa, pahupain mo at pakiramdaman mo anak,"

With that, she left and kissed me goodnight. That night, I decided to sleep with my head still stuck up on what happened and what my Mami said.

Morning came, and I woke up with the same heavy feeling. Hindi pa, masakit pa rin. Pumikit ako at pinakiramdaman ang sarilii ko. Hindi pa nga... mukhang matatagalan pa bago humupa.

I get up and fix myself before I went downstairs. Nakita ko si Mami na naglalagay ng plato sa lamesa, habang nagbabasa naman ng diyaryo si Tata. Bumaling ang tingin sa akin ni Mami nangnakita niya akong lumakad papalapit sa kanila, kinakalkula ang bawat kilos ko.

I looked at her and faintly smiled. She returned it and continue serving the food to us.

Pinagalitan ni Mami si Tata, nang nagbabasa parin ito ng diyaryo habang kumakain. Tata quickly let go of the newspaper and started to eat. Kinuha ko ang tubig sa gilid ko nang balingan ako ng atensyon ni Tata.

"Sasama ka ba Asyang?"

Ang tunog ng kutsara at tinidor ang maririnig sa kusina dahil sa tanong ko. Tata laughed and grab the water beside him.

"Aba anak, ngayon ka lang nagtanong ng ganyan, alam mo naman kung sa'n tayo lagi pumupunta,"

Napatigil ang paggalaw ko sa kutsara at tinidor ng bumalik ang ala-ala ko sa nangyari kahapon. Binitiwan ko ang kutsara at uminom ng tubig.

"Hindi po muna 'Ta,'

Tumigil ito sa pagsubo at tinignan ako. "Gan'on ba? Sayang makikita mo pa naman yung tinutukoy ni Tenyong na Pilipong,"

Nasamid ako sa narinig ko, kaya nga napag desisyunan ko na hindi ako sasama kasi alam kong may posibilidad na pupunta siya sa kubo kasama si Mang Tenyong. Hindi ko naman alam na pupunta nga siyang talaga.

Tumayo ako at nagpaalam na aakyat muna sa taas at magpapahinga. Bago maka akyat sa taas humabol ng tanong si Tata.

"Sigurado ka ba talaga Asyang?"

Bumuntong hininga ako. "Opo 'ta masama pakiramdam ko, 'di na rin po muna ako makakasama ng ilang araw,"

Tuluyan na akong umakyat, pero bago iyon nakita kong hinampas ni Mami si Tata at pinagalitan.

I closed the door behind me and let my tears started to fall again. Kailan ka ba titigil? Nakakapagod na. 

Afternoon came and I went downstairs, to eat. Nakasalubong ko si Tata na kakapasok pa lang mula sa labas.

Marami siyang dalang plastik, saan naman kaya ito nanggaling? Sa kubo lang naman siya naglalagi pero marami ng dala? Lumapit ako sa kanya at nagmano.

"Ano 'yan 'ta?"

Tinanggal niya ang sumbrero niya at nilapag ang mga plastik sa sahig. "Ito ba? Tamang tama, mag gagabi na rin. Mga ulam 'to galing kina Tenyong."

Hindi na bago sa akin ang pag bibigay ng pagkain ni Mang Tenyong, pero mukhang naparami naman ata? Lumingon ako at nakita ko ang isang plastik na puti at may karton sa loob. Lumapit ako dito at binuksan.

"Ice cream?" With my forehead ceased. 

NIlingon ko si Tata na ngayon ay nagmamadaling kinuha sa akin ang karton na naglalaman ng tatlong galon ng Ice cream. "Muntik ko nang malimutan, 'buti na lang nakita mo 'nak,"

Kinuha niya sa akin ang Galon ng Ice cream at pumunta ng kusina para ilagay sa freezer ang Ice cream.

Sinundan ko siya. "Sa'n po galing ang Ice cream 'ta? Nag grocery ka?"

Nakangiting lumingon siya sa akin. "Kay Pilipong 'nak, para sayo raw."

Napa mura ako sa isip. Sinasabi ko na nga ba eh! Galit na tumalikod ako kay Tata at umakyat ng kwarto ko. Anong tingin niya sa akin, mabibili niya ako sa pa Ice cream niya?


KEYMEMOIRS

Captured by darkness ( Dark series #1 ) UNDER-EDITINGWhere stories live. Discover now