5 am in the morning tumunog na ang alarm clock ko. Nakalimutan ko nga palang e-set ang alarm ko. 5am kasi ako ginigising nito noong nasa bukid pa ako nag-aaral. Pero ngayon, kahit 6:30 pa ako magising okay lang kasi ang lapit-lapit na lang pinapasukan ko. Pero dahil hindi na ako makatulog bumangon na lang ako. Bubuksan ko sana ang sliding door sa balkonahe namin kaso ay hindi ko ito mabuksan. Medyo namimis ko kasi ang paggising ng maaga at magpahangin sa labas habang hinihintay ang pagtaas ng araw. Dahil hindi ko mabuksan ang balkonahe namin ay lumabas nalang ako. May teris din kasi sa labas ng kwarto namin. Naisipan kong magkape kaya bago ako tumungo sa teris ay nagtimpla muna ako ng kape sa kusina. Dahan-dahan akong umakyat muli hanggang sa... Aw! Aray, ang init!!!!!!! Bigla ko kong nainom ang kape ko sa isang makisig na lalaking nakapantalon lang at walang damit sa taas. Ow shet! Ang macho niya! Ang puti-puti pa!! Hindi ko tuloy malaman kong alin ba ang mas mainit, ang kape o siya!!!! Hahaha. Gosh, siya ba ang bagong nakatira dito? O kaya naman jowa lang siya ni Aling Silvia? Napakagat ako sa ilalim na bahagi ng labi ko ng pagmasdan ko siya mula paa hanggang ulo.. Pero ng makarating sa ulo ang paningin ko ay nakatingin na siya sa akin! And what the??????!!!! Ino Abueva????!!!!!
"Good morning. " nakangiting bati nito sa akin. "Surprise. " dugtong pa niya!
Nganga ako sa mga oras na iyon at hindi ko na naman alam ang gagawin ko!!! Ilang sandali ay lumapit siya.. i mean siya na napakamacho as in the hottest man on earth! Oh tukso, layuan mo ako!!! Choooo! Ngayon alam ko na kung gaano kahirap maging si Olaf kasi kapag humarap ka sa sobrang hot kasi unti-unti ka nitong tinutunaw. Oh my!!
"Now, subukan mong magtago. " banta pa niya at nagtangka na namang halikan ako. "Joke. " dugtong na wika niya at agad na kinurot ang ilong ko. Buti nalang, muntik na kong mawala sa sarili dun ah?
"Wow coffee, is this for me? " kinuha niya sa kamay ko ang kapeng hinanda para sa sarili ko. Habang ako ay steady parin na parang statwa na hindi makagalaw! Ano ba talaga ang gusto nito??!!!!
Naupo siya don sa sofa at dahan-dahan hinigop ang kape.
"Parang binibreakfast mo ko kanina sa tingin mo ah? Mabuti nalang nahuli kita, ubos na sana ako ngayon. HAHA " aniya na nakangiti pa. Ang yabang talaga! Nakakagigil! Grrrrr!
"FYI, hindi kita binibreakfast. Actually, ang sama nga ng araw ko ngayon! Ano bang ginagawa mo dito?"
"Natural, dito na rin ako titira. Mas malapit sa school, sa tambayan, sa Febix, sayo... "
"Okay, para tumigil kana. Ayoko sayo. Ayaw kitang maging boyfriend, ayokong ligawan moko. Ayokong makita ka, makasama ka sa isang bahay!!!! Ayoko! As no way! "
"Tell me why? "
Parang mabilis na nawalan ako ng maisasagot sa mga oras na iyon. Bakit nga ba? I mean, alam ko naman sa sarili ko na gusto ko siya. No! Hindi mo siya gusto! Ano ba ang dapat kong maisagot sa tanong niya? Tulungan mo ko, kupido! Ikaw may pakana ng lahat ng ito, eh!
"Bakit? Kasi mas gusto kong mag-aral. Kasi alam kong manloloko ka. Kasi alam ko rin na hindi totoo ang nararamdaman mo! At hindi ako naniniwala sa 8 seconds na yan. " sa wakas.
Inilapag niya sa centertable ang kape at muling tumayo at lumapit sa kin. "Why don't you give me a chance? Kung sa tingin mo masyadong mabilis... Dahan-dahanin natin, haha. " aniya at mabilis na humalik sa pisngi ko at tumakbong tumatawa!
"Ino!!!!!" hinabol ko siya hanggang sa baba ng bahay at dahil alam kong hindi ko naman ko maabutan.. Ang nakakalat na high heels ni Efin ang pinulot ko... Nakatayo siya sa gilid ng pool at pasayaw-sayaw na inaasar ako. One.. two.. three! BullsEye!! Laglag sa pool. Welcome Mr. Abueva.
BINABASA MO ANG
Ino's Plan ♥
RomanceOne of the best feeling in this world is when the person you love.. Loves you back. ♥♥ Especially if that person was... Ino Abueva, one of the most hottest dude I met. Pangarap siya ng lahat. Ako naman, eto.. Pa-crush2 lang. Pero hindi ko inaasaha...