"Ano'ng ginagawa mo?" Nagtatakang tanong ni Efin ng makita niya akong tinitingnan ang sarili sa salamin.
"Naisip ko lang bes. Bakit pa naging parte ng buhay ko si Ino kong hindi naman pala siya magiging akin. Haha. Kainis. Sabi ko na, eh. Masasaktan rin ako sa huli. " naiiyak na wika ko.
"Bes, pag-ibig eh. Hindi ka puwedeng pumasok sa isang relasyon kong takot kang masaktan. Dapat aware ka na maaaring kayo, maaaring hindi sa huli. "
"Mamimis ko siya. Sobra. " :'( humagulgol na ako dahil sobrang hindi ko na kaya. Sa susunod na araw na ang kasal niya at tuluyan na akong mabubura sa buhay niya. Wala na nga talagang pag-asa.
"Inimbitahan niya pala tayo mamaya sa resort. "
"Oo, nasabi niga sakin. "
"Pupunta kaba?"
"Oo naman. Ito nalang ang huling araw na makakasama ko siya eh. "
Ilang sandali ay niyakap ako ng kaibigan.
"Tama na bes, everything will be fine. "
Dahil mamayang gabi pa naman kami magkikita-kita ay tumungo muna ako sa mga lugar na minsang naming pinuntahan. Ang ilog, ang niyogan, ang hacienda, ang dati naming school, ang bahay ni Ali g Silvia at sa isang daan kong saan makikita mo mula doon ang buong syodad. Doon sinisisi ko si Kupido. Haha.. -_-
"Ang daya mo. Pinaniwala mo ko na siya ang nararapat sakin. Pero bakit? Bakit ikakasal na siya ngayon?!! Bakit hinayaan mo siyang magmahal ng iba?!!! Bakit mo ko hinayaang masaktan? " unti-unti kong hinubad ang singsing sa daliri ko. Pero parang mag boses na pumipigil sakin na gawin yun. Muli kong ibinalik ito sa daliri ko.
"Para kang sira. Tatanggalin tapos ibabalik. Hahaha. " natatawang naiiyak na wika ko sa sarili.
"Okay lang yan, Cel. Kasalanan mo naman, eh. May magagawa ka paba? Maging masaya ka nalang para sa kanya. "
"Hey!!!"
Mabilis akong nagpunas ng luha at napalingon mula sa likuran ko. Gumuhit ang ngiti sa labi ko ng makita kong lumabas ng sasakyan sina Efin, Carie, Marco, Era, Aling Silvia at ang huling bumaba ay si Ino. Nakakamis sila. Mas lalong mamimis ko sila ngayon. Nagtatakbo sila at isa-isang yumakap sakin.
"Ano'ng ginagawa niyo dito?" Nagtatakang tanong ko.
"Wala. Namis ka lang namin. Mag-shot muna tayo dito. Mukhang masarap tumambay dito, eh. " wika ni Carie.
Dahil wala namang sasakyang dumadaan dito kaya doon nalang kami imbis na sa resort mamaya. Nagsiupuan kami don habang nanunuod sa paglubog ng araw.
Sandaling tumayo ako para kunin ang cellphone ko sa sasakyan.
"Guys, wala na tayong ice. Bili muna kami ni Efin ha? " paalam ni Marco.
"Sama kami. " wika ni Carie. Hindi naman nagpa-iwan si Era at Aling Silvia kaya sumama narin sila. Hinintay ko na sabihin din ni Ino na sasama siya pero nag-paiwan siya. Nang makaalis sila ay tinitigan ko siya sa pinakahuling pagkakataon. Nkangiting nakakatitig ito sa paglubog ng araw.
"Oh, naiiyak kana naman. " napansin niya na naman ang namumuong luha sa mga mata ko.
"Naalala ko lang siya sayo. " naiiyak na wika ko.
"Mahal mo parin talaga siya no?"
"Sobra. " napaiyak na ako sa puntong iyon.
"Kong babalin ba siya sa buhay mo, tatanggapin mo ba siya ulit?"
BINABASA MO ANG
Ino's Plan ♥
RomanceOne of the best feeling in this world is when the person you love.. Loves you back. ♥♥ Especially if that person was... Ino Abueva, one of the most hottest dude I met. Pangarap siya ng lahat. Ako naman, eto.. Pa-crush2 lang. Pero hindi ko inaasaha...