Chapter Two : Let's Start Everything Here ♥

150 9 1
                                    

"Good morning, Sir. Can I get your order? " masayang wika ni Efin sa unang costumer na pumasok sa coffee shop. Pagkatapos makuha ni Efin ang order nito ay hinanda ko na ang order nito at hinatid ito sa table niya.

Isang buwan na kami ni Efin sa coffee shop at sobrang okay ng trabaho namin, kokonti lang kaming empleyado sa coffee shop kaya sa maikling panahon ay nakabuo kami kaagad ng isang pamilya.

"Bes, sasama kaba sakin mamaya? "

"Saan?"

"Magkikita kami ni Marco. "

Naalala ko na magkaibigan sina Marco at Ino. Kaya nagdesisyon akong hindi nalang siya samahan kasi baka maalala pa ako ni Ino. Pero, hindi niya naman siguro naalala na ako yung pinag-iwanan niya ng kuwentas. Lasing na lasing iyon at malamang hindi niya na natatandaan na ako iyon. Pero, ayoko ko parin.

"Ikaw nalang, bes. "

"Sigurado ka ha?"

"Yup! "

Habang nagkukwentuhan kami ay may isang costumer na bulag ang ang pumasok sa coffee shop namin, kasama niya ang isang babaeng umaalalay sa kanya. Magalang na kinuha ni Efin ang order nila at binalot ko ito dahil take out daw. Nang makaalis sila...

"Hirap sigurong maging bulag no? " lumabas ako sa counter area at habang papunta ako sa entrance door para makipag-usap sandali kay manong guard ay pinikit ko ang aking mata at nagbulagbulagan. Naglakad ako na nakapikit ang mata at inisip na bulag ako para maramdaman ko ang pakiramdam na isang bulag. Ang hirap pala talaga. Pero ang mas mahirap...

"Bes!" Narinig kong sigaw ni Efin.

"Wait.."

"Hoy, si In..."

Napatigil ako ng mabangga ako sa dibdib isang makisig na lalaki, mabilis kong binuksan ang mata ko at dahan-dahang nag-angat ng mukha dahil mataas na tao ang nabangga ko. And it was.... Ino Abueva na nakataas ang parehong kilay habang nakatitig sakin. Napalunok ako ng dahan-dahan at napansin ko na parang matatawa na siya pilit niyang pinipigilan.

Mukhang matutuluyan ang pagbubulagbulagan ko nito, sa sobrang gwapo mo! Shet! Ikaw nga... Ang you look better kesa noong una tayong nakita. Enrique Gil, ikaw ba yan?

"Anong ginagawa mo? " tanong niya na tila matatawa na.

"Ah, hehe. Wala, nagpapraktis lang. " ani ko.

Ngumiti kang siya at umalis na harapan ko. Tumungo siya sa counter kong saan nakilala niya si Efin dahil alam niyang syota nito si Marco. Ako naman... Okay, I mean it. Total nakita narin naman ni manung guard hindi ko na matatago. Kinilig ako dun. :D Wait, hindi niya ako naalala? Hindi nga. Hindi ko naman pala kailangan magtago. Natigil ang moment ko na kiligin dahil tinawag na ako ni Efin para e-serve ang order niyang coffee sa table niya. Humugot ako ng malalim na hininga at tumungo sa counter.

"Bes, anong nangyayari sayo? " nagtatakang tanong nito.

"Hah? Wala! Ano kaba? Akin na yung order? " gosh, mukhang napapansin na ni Efin na nawawala na ako sa sarili. No way!

"Hoy babae, type mo si Ino no?" Pabulong na wika niya.

Sinabunutan ko siya ng di kalakasan. "GG! Hindi no?! Mabulag man ako hindi ako magkakagusto jan! "

"Telege leng hee??"

Inayos ko ang sarili at hinatid ko na ang order niya.

"Ito na po ang order niyo. " sa puntong iyon bakas parin sa pagmumukha niya na parang matatawa. Napansin ko ang pagkagat niya sa labi niya at..

Ino's Plan ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon