Chapter Eleven: #stalkingINO #labanPa

75 1 0
                                    

"So, kung hindi ka maalala ni Ino. Ano yun? May amnesia lang ang peg? Baka masyado ka lang gumanda, bes. Hahaha. "Wika nito.

"Hindi bes eh, hindi niya talaga ako matandaan. Ni hindi nga siya nagulat ng makita ako. Tapos engaged na siya.. "

Mabilis na napatayo si Efin sa sinabi ko. Gulat na gulat siya ng sinabi kong engaged na si Ino.

"Hindi nga?" Hindi makapaniwalang wika niya.

"Oo. Siguro nga tinuluyan niya na akong kinalimutan. Pati pagmumukha ko sinama niya sa pagmo-move on. "

"Imposible naman yun."

"Siguro nga para lang akong isang magandang panaginip na paggising mo mahirap ng maalala. He's even better now, bes. Pero joker parin siya.. "

Tumawang naiiyak ako. Nakakamis siya sobra. :'( Lalo pa ngayong nagkita uli kami... Mas lalo ko siyang minahal.

"So, epu-pursue mo paba ang paghihingi ng tawad sa kanya?" Tanong ni Efin.

Pinunasan ko ang mga luha ko. "Oo, kahit masakit. Wala narin naman akong magagawa eh. Engaged narin naman siya. " muli ay hindi ko mapigilang humagugol.

Niyakap niya ako. "Punta tayo sa ilog? " anyaya nito.

"Wag na. Maaalala lang natin sila dun. "

"Eh, san tayo pupunta? "

"Punta tayo sa coffee shop ni Aling Silvia. "

"Huwhaaat?! Aling Silvia is Carrie's aunt! Tapos pupunta ka dun?"

"Pero si Aling Silvia ang minsang nagsabi sa kin na ipaglaban ko ang pag-ibig ko kay Ino. It means, boto siya sakin. Kaya tara... "

Tumungo kami sa Coffee Shop ni Aling Silvia kong saan sobrang laki ng pagbabago. Napakaganda na niti at may second floor pa. Sobrang excited kami pareho na pumasok doon at makita ang dati naming kasamahan noong nagtatrabaho kami sa kanya. Siyempre ang una naming nakita ay si Manong guard. Siya parin ang guard ni Aling Silvia. :-) Bumaba na kami ng sasakyan at tumungo doon. Pagpasok namin ay halos hindi pa kami maalala ni manong guard. Napakunot pa ang noo nito habang tinititigan kami.

"Manong, dont you remeber us? Lalo na ang ganda kong to?! " biro pa ni Efin.

"Efina?!! At Marcela??!!" Hindi makapaniwalang wika niya.Mabilis na niyakap niya kami pareho. "Grabe nakakamis kayo. At, naks.. Gumanda lalo ah. "

"Manong, masyado kang mambobola ah?"

"Ikaw manong, kamusta kana? "

Itinaas niya ang kamay niya at itinuro niya ang singsing na suot nito. "Nagkalovelife na ako. " nakangiting wika nito.

"Wow! Totoo?"

"Oo, tama ang sabi ni Ino. Balang araw makakahanap ako ng taong magmamahal sa akin. "

Bigla kaming nagkatinginan ni Efin.

"Ah. Manong, si Ino nga pala? Kamusta?" Siniko ko si Efin sa tanong nito.

Biglang lumungkot ang mukha nito. "Wala akong karapatan sagutin ang tanong mo Efin, eh. Mabuti ng si Cel ang makaalam mismo sa mas nakakalapit sa kanya. " anito.

Pumasok na kami sa coffee shop kong saan agad kaming niyakap ni Aling Silvia. Sobrang namis niya kami pagkatapos ng ilang taon na hindi na kami nagkita. Bago na ang mga trabahador nito dahil may mga pamilya na daw. Ang buhay nga naman..

"I know why you're here. " agad na wika ni Aling Silvia ng maupo kami sa sofa.

"Kamusta na po si Carie?" Tanong ko.

Ino's Plan ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon