"This is Dhinna, siya ang in-charged sa mga susuotin niyo for my wedding. " pagpapakilala ni Ino sa amin.
Isa-isa kaming nakipagkamay sa kanya. Ilang sandali ay lumapit sa akin ni Ino sabay akbay.
"And.. This is my brides maid. Ganda no?" Anito.
Napangiti si Dhinna sa akin. "Oo nga, kasing-ganda ni Jewel. So, guys. Are you ready? "
Nakangiting tumango kami.
Inisa-isa kaming sukatan ni Dhinna sa isang kwarto doon. Naunang sukatan si Marco, sumunod si Efin, sumunod din si Carie, Si Ino at ako ang pinakahuli niyang tinawag. Pagpasok ko ay damang-dama ko ang bigat sa puso ko ng makita ang mga gowns sa loob ng kwartong iyon. Kasalan na nga talaga. -_- Go na go nato at wala na akong magagawa to stop this. Hays! Suko na ba Cel? -_-
"Cel, napili ko ang gown na ito para sayo. " ilang sandali ay kinuha niya ang malaking kahon kong saan nakalagay ang gown. Inabot niya ito sa akin. "Sukatin mo. " nakangiting wika niya.
Napakaganda ng gown. Nakakatawa kasi parang ako lang ang ikakasal sa ganda ng gown ko. -_- Pero alam kong hindi na mangyayari yun. Paglabas ko ay umabot hanggang tenga ang ngiti ni Dhinna.
"You look.. Perfect Cel. " anito.
"Bakit ganito ang mga gown namin? Sobrang gastos dito no?"
"Of course. This is a wedding, dapat ito ang pinakamagandang yugto sa buhay ng magiging mag-asawa. Right?"
"Sabagay. "
"Mukhang hindi ka masaya? Don't you like it? "
"Ay hindi. Ang ganda nga eh. "
"Alam mo.. Ino prepared and saved for this. Binuhos niya ang 50% of his savings niya dito. It means, this wedding is worth millions of pesos. Ang swerte ni Jewel grabe.. "
Napayuko nalang ako. "Oo nga. She's lucky. To have.. Someone like him. "
"Are you okay?" Mukhang nahahalata na niya na hindi talaga ako okay kaya bumalik na ako sa cr at hinubad ang gown.
Pagkatapos magsukat ng mga damit namin ay tumungo kami sa beach. NAGtaka kaming lahat dahil hindi namin alam kong bakit kami dinala ni Ino dito. Ilang sandali ay dumating ang ibang kaibigan ni Ino na sina, Jerian, Anthony and Harky.
"Anong gagawin natin, Pare?" Nagtatakang tanong ni Marco.
"Maglalaro tayo ng volleyball!! Yuhuu! " masayang bati nito. "Kasi guys, I'm getting married! At, I'm sure I will be very busy being a husband to my wife. Minsan ko nalang kayong makakasama. So, I want to spend the rest of my days with you habang hindi pa ako kasal. " dugtong nito.
Kung sabagay Ino. Magiging busy ka na nga. Maaaring ito na mga huling araw na makikita kita. Kong hindi kana rin naman magiging akin, susulitin ko nalang ang mga araw na makakasama kita :'(
"Sige! Mukhang masaya yan ah? " nagkunwari akong masaya para matakpan ang sakit na nararamdaman ko. Kinuha ko ang bola kay Jerian at nauna akong tumungo sa net. Nakita ko ang bahid ng lungkot sa mga mukha nila dahil alam nilang hindi ito ang totoo kong nararamdaman. Alam nilang pinipilit ko nalang ang sarili kong maging masaya para hindi mabatid ni Ino na sobrang nasasaktan na ako.
Katulad nga ng sabi niya ay naglaro kami ng volleyball. Masaya kaming naglaro doon hanggang sa marami ng tao ang naunuod samin. Kahit nang-iitim na ang balat namin sa sobrang init ay tuloy parin ang laro.
Pagkatapos ng volleyball ay gumawa kami ng bonfire pagsapit ng gabi. Naupo kami doon sa harap ng bonfire habang tumutugtog siya samin ng gitara.
BINABASA MO ANG
Ino's Plan ♥
RomanceOne of the best feeling in this world is when the person you love.. Loves you back. ♥♥ Especially if that person was... Ino Abueva, one of the most hottest dude I met. Pangarap siya ng lahat. Ako naman, eto.. Pa-crush2 lang. Pero hindi ko inaasaha...